Hindi ko naman sinasadya na masaktan at mag selos pero yon ang nararamdaman ko..Mahal ko siya at sigurado ako doon kasi hindi ako masasaktan ng ganon lang kong hindi ko siya mahal.
Hindi ko alam kong paano pigilan ang nararamdaman ko at iiwas sa kanya.So i decided to block him.Alam kong nakaka insulto ang gagawin ko pero ito lang ang alam kong paraan para matigil itong nararamdaman ko.
Gumawa ako ng bagong account,pero hindi ko kaya,hindi ko mapanindigan na iwasan siya.3 days ang lumipas hanggang stalk lang ako sa kanya at hindi ko kaya na hindi siya maka usap.
Miss ko na siya.Miss ko na ang Langga ko na lagi akong pinapasaya..alam kong galit siya sa ginawa ko at tanggap ko iyon.
Nag sorry ako sa nagawa ko sa kanya.Kinulit hanggang sa mapatawad ako at tanggapin ulit pero naging malamig ang trato niya sa akin,at naiintindihan ko dahil kasalanan ko naman.
Iyak lang ako ng iyak ng mga oras na yun nagsisi sa nagawa pero huli na, nangyari na,hindi na maibabalik pa.nag bago na talaga siya.
"Gusto mo talaga malaman kong bakit kita binlock?Ginawa ko yon dahil mahal kita,kaya sorry." chat ko sa kanya pero Okay lang ang nireply niya.
YOU ARE READING
Mr. Writer (Completed)
Short StoryIsang babaeng mambabasa nagkagusto sa isang writer na lalaki sa mundo na kung tawagin nila ay Rpw. Mundong hindi totoo.Mundong puno ng kasinungalingan ngunit hindi sa isang tulad ni Moon Daphiane. Hindi man totoo ang kanyang pagkatao ngunit totoo na...