Lalo siyang umiwas sa akin noong sinabi ko sa kanya ang totoong dahilan ko hindi narin ng rereply sa message at comment ko.Dahil sa makulit ako nag sesend parin ako ng message sa kanya kahit alam kong hindi niya naman iyon babasahin,nagbabakasali na makulitan siya at replayan ako
"Iniiwasan mo ba ako?"chat ko
"Hindi naman,busy lang."reply niya.
"Okay.Sorry kung na istorbo kita.Pero pewdi bang huwag mo akong iwasan?Hindi ko hinahangad na mahalin mo rin ako pabalik,ang akin lang wag mo akong iwasan." pakiusap ko sa kanya.
Alam kong napililitan lang siyang replayan ako dahil sa kakulitan ko at alam kong umiiwas din siya pero lagi ko paring sinasabi sa kanya na wag akong iwasan.Hindi man maibalik ang dati naming samahan ang mahalaga hindi niya ako iniiwasan at sana kahit hanggang magkaibigan man lang.Mahal ko siya eh kahit masaktan pa ako ayos lang basta wag niya lang ako iiwasan.
One day humingi ako ng favor sa kanya.
"Gawan mo ako ng intro para sa horror story ko," chat ko.
"Pero may kapalit,ligawan kita." reply niya.
I dont know kung totoo ba o biro lang yun..may mga itinanong ako pero lahat ng sagot niya may haha sa dulo.Hindi ko alam kong naging kami ba,basta ang alam ko sinagot ko siya noong tinanong niya ako na pwede bang maging kami.
YOU ARE READING
Mr. Writer (Completed)
Short StoryIsang babaeng mambabasa nagkagusto sa isang writer na lalaki sa mundo na kung tawagin nila ay Rpw. Mundong hindi totoo.Mundong puno ng kasinungalingan ngunit hindi sa isang tulad ni Moon Daphiane. Hindi man totoo ang kanyang pagkatao ngunit totoo na...