Entry #9

14 0 0
                                    

Dear You,

Ano bang ginagawa mo sakin? Bakit ka pumunta saakin? Bakit mo ako pinagluto ng dinner? Bakit mo ako binantayan nung natutulog ako? At pagkagising ko ng 2am, gising ka pa din? Bakit mo ako ginawan ng midnight snack?

Bakit ka umaaktong parang Asawa kita o Boyfriend kita?

Dahil ba sa buntis ako at ikaw ang Daddy ng dinadala ko?

Naiinis ako sayo.

Nagagalit ako.

Bakit mo ako ginugulo kung kelan kaya ko na! Kung kelan masaya na ako dahil may iniwan kang souvenir sa puson ko!

Eh ano naman kung buntis ako! Kaya ko kahit wala ka!

Kakayanin ko ;(

Mahal pa din kita, oo. Oo sobrang mahal, pero ayaw ko ng masaktan. Ayaw ko ng umasa na balang araw mamahalin mo ako ng higit pa sa pagmamahal ko sayo ngayon.

Ayoko ng umasa na, babalikan mo ako dahil mahal mo ako.

Wag mo naman paglaruan yung feelings ko.

Bakit ka ba ganyan? Ang sama mo.

Ni hindi mo nga saakin sinasabi ang totoo. Kung anong meron kayo, kung kayo ba talaga.

Kahit na masaktan naman kasi ako basta malaman ko lang kung totoo. Kung bakit mo nagawa yun, kung ano bang nararamdaman mo talaga para saakin at sakanya.

Kung totoo bang mahal mo ako nung mga panahong pinagsasabay mo kami.

Kasi Flint, nasasaktan ako kapag naiisip ko o naaalala kong sinasabi mong mahal mo ako kahit hindi naman pala.

Ano bang totoo talaga ha?

Mahal mo ba talaga ako nun? Minahal mo ba talaga ako?

Ang alam ko lang kasi, MAS mahal mo sya.

Sabihin mo naman please ang totoo Flint. Para maka-move on na ako.

Tulungan mo naman ako.

Still Loving,

Shun

Dear You,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon