Shun

15 0 0
                                    

Shun's PoV

*ding dong*

*ding dong*

Sino naman kaya yang isturbo nanaman sa pagkain ko ng breakfast? -.-

"Wala dito ang kabit mo."

Pinigilan nya ang pagsarado ko ng pinto. Nakakainis!

"Ayan ka nanaman. I miss you."

Letse ka talagang Flint kaaaa!

"So? Sandali lang ha, hahanapin ko muna ang paki ko. Baka kasi nailagay ko sa bra ko."

"Tss. Gusto ko lang kamustahin ka at ang anak natin." Sus. Kasama talaga ako ha? Lol.

"Okay ako. At correction, ANAK ko. Okay lang sya, healthy. Makakaalis ka na." Isasarado ko na ulit ang pinto pero pinigilan nya.

"Di mo ba ako papapasukin?"

"Hindi." Isasarado ko na ulit, pero pinigilan nya nanaman. "Ano ba! Bahala ka nga! Tsk." Pumunta na ako sa kama ko at humiga. Maliit lang kasi 'tong bahay. Ayoko ng malaki, masiadong nakakapagod pag ako ang naglilinis. Okay na saakin ang maliit at simple lang. Tama na sa isang tao. Pero basta malaki ang kitchen :) Mahilig kasi ako magluto at magbake.

Pumikit lang ako para kunwari natutulog. Hehe.

"Di mo ba tatapusin itong kinakain mo? Ubusin mo oh. Para di kayo magutom ni Baby Karelle." Wtf? Seryoso sya nyan ha? Karelle nya mukha nya!

Di ako sumagot. Diba nga kunwari tulog, hehe :D

"Wag ka magtulog-tulogan dyan, naririnig kong bumubulong ka."

O.o Peste!

"Try mong umalis na."

"Ayoko nga."

"Dun ka sa kabit mong inggrata."

"Tigilan mo nga."

"Bakit ako titigil? Nasa bahay kita, at kahit anobg sabihin ko sayo o sakanya wala kang karapatan na pagbawalan ako o patigilin ako. Nasa teritoryo kita."

"Naririnig ka ng bata sa tiyan mo!"

"Eh ano naman? Atleast alam niya ang ginawa ng tatay nyang walanghiya sa napakagandang nanay nya!" Inirapan ko sya at pumunta ako sa kainan para ipagpatuloy ang pagkain ko ng bacon strips dip in melted dark chocolate at french toast. Oh diba, ang sarap kea. Sayang naman.

"Tsk. Ayan ka eh, lagi kang ganyan."

"Dahil sayo." Totoo nman eh, sya ang dahilan.

"Lagi nalang ako."

"Talaga, ikaw lagi. Ikaw lang." Oo minsan nagkakamali ako, pero inaamin ko naman nuh. Di ako nag-dedeny. Loyal akong gf sakanya nun, sya lng nman ang hindi!

"Sinabi ko na kila Mama at Papa. Pupunta sila dito. Ngayon. Nauna lang ako. Maya-maya andito na yun." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. Oh my fuckin' nails.

"Maliligo lang ako!"

***

Ano kayang susuotin ko?

Itong white summer dress nalang :) Ip-pair ko dun sa white na slippers kong may bunny ears. Hehe ang cute kea.

Lumabas na ako ng walk in closet ko.

Pero, maliit lang talaga ang bahay ko. Hehe :D

"Bakit kasi di mo sinabi kaagad? Ayan tuloy di ako nakapagluto. Buti nalang may muffins akong ginawa kaninang madaling araw."

"Kanina ka pa gising na madaling araw?"

"Oo, maaga ako natulog kahapon. 6pm yata. Kea nagising akong 4am. Gawa lang akong icing para dito sa muffins."

"Tulungan na kita."

"As if marunong ka. Nung huling tuling mo saakin, sobrang tamis ng icing na gawa mo."

"Ayoko lang mapagod ka."

Sumeryoso ang mukha ko, "Okay lang, nung tayo pa nga di naman ako napapagod. Ngayon pa kaya."

Di na sya nagsalita, tinignan nya lang ako.

Yung tingin nya, iba.

Parang guilty sya na naaawa saakin. Parang nag-sosorry ang mga mata nya.

Bakit ganon?

Nginitian ko nalang sya ng pilit. Ang ngiting ito ang nakasanayan ko.

Pinagpatuloy ko na ang pag-gawa. Saglit lng naman toh.

Nilagay ko na ang icing sa mga muffins. Tapos  nilagay ko na sa isang plate. Kinuha ko ang strawberry syrup sa ref, at nilagyan ang ibabaw ng icing.

"Gusto kaya nila ang milk tea?"

"Kung walang lason, oo." Tinignan ko sya ng masama. "Joke lang. Hehe"

"Wag ka mag-alala. Ikaw lang lalasunin ko. Sana sinama mo yung kabit mo para maiblender ko o malason ko."

"Tsk, di ka man lang naawa sa magiging baby natin. Mawawalan sya ng pinaka-poging daddy."

"As if makilala ka nya sa sobrang kakapalan ng mukha mo."

Nagkatinginan kami at...

"Hahahaha!"

"Hahahahaha!"

Sabay kaming tumawa. Pero nagulat ako ng sabay din naming nasabi ang...

"Namiss ko 'tong asaran natin."

Nagkatinginan kaming matagal. Hanggang sa...

*ding dong*

*ding dong*

"Ako na magbubukas ng pinto." Sabay nanaman. Tsk -.-

"Tayo nalang dalawa." Sabay ulit? Peste.

Ngumiti lang kami pareho. Inalis ko muna ang disposable gloves sa kamay ko. Saka kami pumunta sa may pinto.

"Ma, pa. Ate."

"Good Morning po, tita, tito. Pasok po kayo. Sis, pasok."

"Pasensya na po, di po ako nakapag ready. Di naman po kasi sinabi agad ni Flint." Habang nilalapag ko ang muffins at si Flint naman sa Lemon blend Iced tea. Di ko na kasi nagawa yung milk tea.

"Okay lang nak. Kamusta ka? Nahihirapan ka ba?" Sabi nang Mama ni Flint.

"Medyo lang naman po, pero kaya naman po. Kahit mag-isa lang ako."

"Bakit hindi mo pinaalam saamin kaagad na buntis ka?" Sabi ng Papa nya. Geez, nakaka-kaba toh.

"Uhm, sorry po. Ayoko lang po guluhin si Flint. Lalo na't.." Tumingin ako kay Flint bago muling nagsalita.

"Lalo na't may ibang babae na syang gusto at mahal."

Di ko napigilan mapaiyak. Nang-gigilid na ang luha ko.

"Kahit na mahal ko sya, at kaylangan namin sya. Ayoko ipilit ang sarili ko. Masaya na ko na masaya din sya, di man saakin. Ang importante, masaya sya kahit nasasaktan ako."

Bakit ba kasi ang babaw ng luha ko? Lalo pa ngayon na buntis ako. Ayan! Ayan! Tulo na ng tulo!

***

Author's Note:

May Writer's Block po ako sa Great Love, Great Pain. :D

Hindi ko alam kung hanggang kelan, kea eto muna sa Dear You. Hehe :)

Dear You,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon