Entry #6

18 2 0
                                    

Dear You,

Gabi na. Pero hindi pa din ako makatulog. Kung sana andito ka lang edi sana pinatulog mo na ako. Ikwento ko nalang kaya kay baby kung pano sya nabuo? Hahaha ang halay naman nun. Wag nalang. Ikwento ko nalang ang lovestory natin :)

Foundation Day ng school namin nun, tapos nag class picture kami. Nang may biglang dumating na grupo ng lalaki. Hinahanap ang bestfriend kong si Desi.

"Excuse me, si Desi?" Tanong ng Guy saakin.
"Wait lang tawagin ko." Sabi ko sakanya.

"Desi may naghahanap sayong lalaki boyfriend mo yata. Ayon oh" tinignan nya kung saan ako nakaturo.

"Baliw, bestfriend ko yun" tapos pumunta na sya dun.

Nagusap silang dalawa. Naghintay nalang ako sa may bench. Ang tagal naman nila mag usap :( Nakakaselos naman. Bestfriend nya yun? Akala ko ako lang bestfriend ni Desi -.-

Natapos nadin sila mag-usap. Papunta na si Desi dito. Pero bakit nakasimangot sya?

"Bakit ganyan itsura mo?" Tanong ko kay Desi. Pero inirapan nya lang ako sabay kuha ng bag nya.

Problema nun?

Hinabol ko sya. Buti nahawakan ko ang braso nya.

"Desi? May problema ba?" Tumingin sya saakin. Galit na galit sya.

"Meron! At ikaw ang problema! Si John may gusto sayo! Natanggap ko na yun! Pero pati ba naman si Flint? Pati sya ha? Ang bestfriend ko pa talaga!" Ano daw?

"Desi hindi ko kasalanan na magkagusto sila saakin! Bakit ka sakin nagagalit?! Di ko naman sila inaakit at pinipilit na magkagusto sila saakin!"

"Alam ko! Pero kahit na! Alam ko naman na malandi ka at pasimple ka lang na lumandi! Pasimple lang kung mangakit!"

"For Pete's sake Desi! Ngayon ko lang nakita yang Flint na yan! At wala akong intensiyon na akitin sya! Wala akong kasalanan! Hindi ko kasalanan na mas maalindog ako kesa sayo kaya tumigil ka pwede ba!!!!" Kinuha ko na ang bag ko sa bench at umalis. Nakakainis lang kasi na dahil lang doon kung anu-ano ang sinabi nya saakin.

Grabe nuh. Ganun tayo nagkakilala. Hahaha pero alam mo di ako nagsisisi na nag away kami ni Desi dahil sayo. Worth it naman kahit niloko mo ako. Mahal na mahal kita. Sobrang mahal kita Flint.

Still loving,

Shun

Dear You,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon