Entry #12

13 1 0
                                    

Dear You,

Pumunta ka lang dito para ano? Para sabihing MINAHAL mo ako. Para saktan nanaman ako.

Ang sakit talaga.

Ayoko na Flint :'(

Ayoko na! Pucha. Sawang sawa na ako umiyak, sawang sawa na ako masaktan!

Wala na tayo pero ganito pa din ako! Wala na tayo pero mahal pa din kita!!!

Gusto ko ng mawala 'toh, gusto ko ng alisin lahat ng nararamdaman ko sayo.

Ilang beses na ako nasaktan, hindi ako naging ganito kay Ray, oo nasaktan nya ako. Pero hindi ganito. Yung ginawa nya saakin, natanggap ko. Pero bakit yung ginawa mo hindi?

Bakit ayaw ma-absorb ng puso at isip ko?

Bakit ayaw nilang pakawalan?

Bakit ba kita mahal na mahal?

Bakit mas mahal kita kesa sa sarili ko?

Bakit lagi akong talo?

Flint, sobrang mahal kita. Nasasaktan pa din ako. May paki ka ba?

Pero kahit na mahal kita, I don't wish for you to come back. Para saan pa?

Para san pa kung babalik ka? Pero ang hinihiling ko ngayon, sana masaktan ka din. Gaya ng naramdaman ko o gaya ng nararamdaman ko pa din hanggang ngayon.

Sana, someday. Dumating na si Karma. Kasi nasa listahan ka na ng bibisitahin nya. Bestfriend ko yun eh, close na kami.

Sana saktan ka nya, para kahit papano naman hindi maging unfair.

Still Loving,

Shun

Dear You,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon