Chapter 8:

77 4 0
                                    

Shelbe's POV

Nandito na ko ngayon sa kwarto ko, nakahiga. Nagiisip. Kahit kailan hindi manlang sumagi sa isip ko na mangyayari samin ni Catalina ang ganto. Pero bakit? Bakit nangyari 'to? Anong gagawin ko? Sa tingin ko kailangan ko muna ng space para makapag isip-isip. Mag aabsent muna ko. Sasabihin ko na lang kay Javy na magbabakasyon kami sa mga lola ko ng ilang araw para di niya malaman ang nangyari samin ni Catalina. Open naman ako sa mommy ko kaya sasabihin ko sakaniya ang lahat.
------------------------------------------
Catalina's POV

Nasa classroom ako ngayon. Absent si Shelbe. Kasalanan ko 'to. Kasalanan ko lahat 'to. Sorry Shelbe.

"Ms. Sandoval?" ay. hala nakatulala pala ko. tumingin ako kay mam.. "Are you okay Ms. Sandoval?" no mam. "A-ah y-yes mam. Sorry"

Tumingin ako sa gilid ko. Hindi ako sanay na wala si Shelbe. Nakakalungkot. Pero ang nakita ko si Javy at tinanong niya ko "Okay ka lang?" hindi nga!!! tanong kayo ng tanong kung okay ako, bakit? pag ba sinabi ko na hindi ano maagawa niyo? wala naman diba?!! "Ah. Oo naman haha bat naman hindi" pero um-oo parin ako, tss. lumingon na ulit ako sa harap. kung pwede lang umalis dito eh pero baka mapagalitan ako ni mam.

Haaaaaay lunch na. Ako lang mag isa mag lalunch. Shelbe bumalik ka na please. I've never heared silence quite this loud. Masyadong tahimik, di ako sanay. Walang maingay na nangungulit sakin na pakopyahin ko siya ng assignment, walang maingay na sasabihing 'Catalina mag diet ka naman minsan!!!' at 'Napakatakaw moooooo!!!' tapos kukuhanin yung pagkain ko. Walang mangungulit kung may crush na ko. Wala. Mag hahalfday na lang ako, di rin naman ako makakapagfocus sa mga lessons eh.
- - - - - - - - - - - - -
Nandito ko ngayon sa isang restaurant. Tumingin- tingin ako sa paligid.. May mga nag de-date, may mga mag-ina, may mga magkakabarkada at higit sa lahat.. may mag-bestfriend. Ako lang yata ang mag-isa dito. Nakakalungkot.

"Aaaahhhh" sabi ko ng mahina. yumuko ako. bigla akong naiyak. nakakainis naman yung gantong pakiramdam.

If you ever find yourself stuck in the middle of the sea,
I'll sail the world to find you
If you ever find yourself lost in the dark and you can't see,
I'll be the light to guide you

Bigla kong narinig yung kanta. Lagi naming kinakanta ni Shelbe yon eh. Lalo akong naiyak. Nagflashback sakin mga happy memories namin ni Shelbe.

Find out what were made of
When we are called to help our friends in need..

You can count on me like one two three
I'll be there
And I know when I need it I can count on you like four three two
You'll be there
'Cause that's what friends are supposed to do, oh yeah

Bigla akong may naramdaman na may tumabi saakin. Tinignan ko, may hawak siya na panyo na parang binibigay ata sakin? Pag tingin ko sa muka niya... Si Javy.

Bigla ko siyang niyakap.. hindi ko alam kung bakit.

You're my 11:11 wishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon