Chapter 21 ♛

55.7K 1.5K 20
                                    

The Bitchy Gangster Queen 21

SHIN

Time flies so fast. It’s been a month since everything changed. Hindi na namin alam ang nangyayari. Bakit ganon?

Isang buwan narin sumula ng pagbabago ni Scarlett. Para bang ibang tao? It’s weird because she suddenly acted like she doesn’t know us when in fact we've been hangin' out a lot of times before, lalo na pag naaabutan namin siyang tumatambay sa paburito niyang spot sa puno sa labas ng HQ namin. Pero bigla nalang hindi namansin. Nakakatampo. I thought we’re friends na.

Lemme tell you the story.

Papasok kami ng campus na medyo kabado dahil late kami ngayon. Isa lang ang ibig sabihin non, baka dagsain na naman kami ng fans namin. Masyado pa naman kaming mga gwapo. Magagalit si King pag nagkataon. Pag nangyari 'yon, kami ang kawawa.

“Okay, this is weird.”

Napatingin kaming lahat kay Micky ng magsalita ito.

“Anong weird?” Tanong ko.

“Kasi naman….. WALANG MGA CHICKS SA PALIGID! Bakit ang tahimik ngayon sa campus?” saad niya.

Natigilan naman kami at sabay-sabay napahinto sa paglalakad. Napatingin kami sa paligid.

“Oo nga ano? baka naman nag sisimula na mag klase.” Sabi ni James.

“Baliw! Trenta minutos pa bago magsimula ang klase.” Sabi ko naman habang nakatingin sa relo ko.

“Baka naman nasa loob na.” Biglang sabi Chris.

“Siguro nga.” Sabi nalang ni Micky at kinumbinsi ang mga sarili na walang mali.

Hindi na kami nagsalita at pumasok nalang sa loob ng building. At tama nga kami, nasa loob nga ang mga istudyante ngunit mas nangibabaw sa mga mata namin ay mga lalaki dahil sila ang bungad. Lahat sila busy sa kanya-kanya nilang usapan.

Okay, kailan pa naging chismoso ang mga lalaki kesa sa babae? Nawala lang kami ng isang araw pag balik ganito na?

“Grabe nakita mo ba 'yon? Ang sexy, pare!” mula sa isang grupo.

“Shit! Ngayon lang ako nakakita ng ganong kagandang kutis. Sobrang hot!” mula naman sa ibang grupo.

“Ang swerte siguro ng magiging boyfriend.”

“Mismo, uy, nakay Scarlett na yata ang lahat!”

Huh? Scarlett?

Nagkatinginan kami. Kahit si King na walang pakialam kanina ay napatingin sa grupo na binanggit ang pangalan ni Scarlett.

“Oy.” Napatigin naman kaming lahat sa nagsalita. It was James. Pati ang mga lalaking tinawag niya at nanlaki ang mga mata nang makita kami.

“S- Second…” nakayukong bati ng isa.

“What’s happening here?” malamig na tanong ni James, trying to scare them.

Namutla naman iyong mga lalaki.

“Ahm, a- ano po kasi… p- pinag-uusapan ng lahat si… s- si Scarlett.” Nauutal na sagot nito.

“Why?”

Nag katinginan muna silang magkakaibigan. “I-iba po kasi yung itsura nya ngayon. P- parang nag-iba, hindi katulad noong dati.” Nakatungong sagot nito.

“Geh. Alis.” Nagtatatakbo naman ‘yong lalaki kasama ang mga kaibigan niya.

Timingin sa amin si James na may pagtataka ang mukha.

“Scarlett?” Napatingin naman kaming lahat kay King. “Are they talking about the Scarlett, Scarlett?” he asked.

“’Di ko maintindihan yun lalaki e. Nag-iba daw itsura. How is that even possible? Ang weird nila.” sagot ni James.

Baka magic. Naging Hawk.

“I think it would be nice kung tayo mismo ang makakakita kay Scar. Ang weird nila. I’m curious kung bakit pinag-uusapan nila si Scar.” Sabi ko nalang.

Sumang-ayon naman sila.

Pumasok na kami sa klase at ipinagsawalang bahala muna sandali ang narinig sa iba. Hanggang sa tumunog na ang bell mudyat na lunch break na.

Gutom na ko at alam kong gayun din sila. Kanina pa namin hinahanap si Scarlett pero hindi naman namin siya makita.

“Baka nasa cafeteria. Anong oras na o! Wala naman siya sa HQ.” Sabi ni Micky.

“Oo nga! Gutom na rin ako.” Sabi ko.

Paano ba naman kasi. Kanina pa kami paikot-ikot dito sa campus. Wala naman siya! Hindi mahanap.

Malapit na kami sa cafeteria ng kumunot ang noo ko. Nakakapagtaka, bakit ang dami yatang tao? Kaya ba walang nag gagala sa labas masyado marahil ay nandito sila? Pati ang ibang mga seniors ay nandito rin. Hindi yata kami napansin dahil busy sila sa tinitignan nila.

Anong meron?

“Tara na.” Sabi ni James.

Dadaan na sana kami ng biglang nagsihawian ang mga tao para mag bigay daan. Pati ang mga seniors ay tumabi habang nababasa sa mga mata nila ang pag hanga. Ang iba halos maging hugis puso na nga mga mata at may hiyawan pang kasama. Pati ang ibang babae ay may paghanga sa mga mata.

Okay, ano ba talaga ang meron? May artista ba?

Nasagot ang katanungan sa mga isip namin nang mag lakad ang isang babae sa nahawing daan. Napanga-nga kami sa nakita.

She was walking with so much confidence. Chin-up, and like she owns the runway. She wears the uniform like no other, showing her perfect curves. Napalunok ako. Doon ko lang din napansin na natigil narin pala kami sa paglalakad at nanlaki ang mga mata nang makilala kung sino ito.

Ang babaing kanina pa namin hinahanap. Nandito lang pala.

“Scarlett...”

Natulala kami.

Paano ba naman kasi. Nakamake-up siya pero hindi mabigat, hindi katulad ng sa iba na akala mo ay isinubsob ang mukha sa harina. May kaiklian ang palda ngunit hindi naman maihahalintulad sa iba na halos onti nalang ay makikita na ang perlas ng silanganan. Naka bukas ang mga butones ng blusa na may lilang panloob na hapit sa katawan kaya kitang kita ang napakagandang hubog nito. Nakasuot rin ito ng takong kaya't mas tumangkad pa ito.

Dahil nakaharang kami sa daan, napatigil siya sa harap namin at tinignan kami. Parang nagtaasan ang mga balahibo ko nang makitang walang kaimo-emosyon ang mukha niya. Napaka blangko nito.

“Scarlett…” Wala sa sariling sambit ko.

Napatingin siya sa akin. Nanlamig naman ako sa mga tingin niya sa’kin. Those eyes… I feel like I’ve seen that somewhere… is that possible?

Tama nga sila. Parang hindi siya ang Scarlett na nakilala namin. Ibang Scarlett ang nasa harapan namin ngayon. Hindi kami makapagsalita. Hindi makapaniwala.

Anong nangyari sa kanya?

Hindi siya nagsalita at naglakad na lang paalis. Hindi rin kami nakapagsalita pa at nilingon nalang ang papalayong pigura niya. Ni isa sa amin walang lumabas na kahit anong salita.

What the hell just happened?

That was the first encounter of the changed Scarlett. Ang mga sumunod na araw, walang nag bago, ganon parin ang pakikitungo niya sa iba. The worse part is, sometimes, some days, we got to witness some of her troubles.

Some students tried to mess up with her but they were the one who got messed up instead. Some of them got traumatized, and most of them got hospitalized.

Alam kong may dahilan kung bakit naging ganon siya. Sabi nga ng mga kaibigan niya, may mabigat na dahilan si Scar kung bakit nagkaganon bigla at kahit sila ay hindi ito makausap ng matagal.

They said they were with her, but she’s not with them. That makes us so bothered and confused. What is that supposed to mean?

-

ReGenie

The Bitchy Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon