Chapter 26 ♚

60.8K 1.4K 56
                                    

The Bitchy Gangster Queen 26

“There, I have said all I needed to say. I hope you all understand the rules and regulations of the competition and remember, NO cheating and NO harm, okay? Break the rules and you'll be automatically be disqualified. Thank you, and again, WELCOME TO SPORTS FESTIVAL 20**!!!” said by the master of the ceremony.

Napuno ng hiyawan at tilian ang lugar.

Kasalukuyang nasa malawak na soccer field ang lahat. Iba't ibang mukha mula sa iba't ibang estudyante na nag mumula sa anim na paaralan. Bakas sa mga mukha ng lahat ang tuwa at pananabik. Karamihan rin sa mga iyon ay tila kinikilig tuwing nasisilayan ang mga paboritong manlalaro. Bukas ang unibersidad para sa lahat kaya hindi na nakakapagtaka kung bakit marami talaga ang dadalo.

“Players can now go to their respective rest place and schedule, and for the non-participants, booths are also open for all of you. Enjoy!!!” announced again by the MC.

“WOOOHH!!!”

“Defense! Defense!”

“G.O! Hamptionians!!!”

“Soar High! Anton High!”

“Win, win, St. France University!!”

“Grab it! Grab it! Silverans!!”

“Royals for the win!!!”

Kanya-kanyang hiyaw ng mga estudyante’t manlalaro habang naglalakad palabas ng soccer field. May mga hawak na lobo't torotot, may mga banner at tarpoline, at may mga suot na t-shirt na siyang suporta sa kani-kanilang representative.

Marahas na napabuntong hininga si Scarlett at pinag-krus ang mga braso. Itinaas niya rin ang kamay upang paypayan ang sarili. Kanina pa siya naiirita.

Maya-maya pa'y naramdaman niya ang pag patong ng matipunong braso sa kanyang balikat. Hindi naman sila pumalag dahil sa presensya at amoy palang nito, kilalang-kilala na agad.

“So, how’s the ceremony?” Chase asked.

Lalo namang napabasungot si Scarlett. “Absolutely boring and it’s damn freaking hot!” inis na sagot nito.

Bahagya namang natawa ang kasintahan. “Sorry, nandito kasi ako kaya lalong uminit.” Anito kaya agad siyang nahampas ng huli.

Minsan talaga nahahawahan ni Micky at Shin ang isang 'to sa kahanginan. Must protect!

“Yeah, right, oo nalang. Palagyan mo ng cover ‘tong soccer field niyo.” Irita paring saad ni Scarlett.

Muling natawa si Chase. “Silly, soccer field lalagyan mo ng cover? Baliw 'to. You know I can't do that.” Bilib na tanong niyo.

“Nabaliw pa nga.” Ani Scarlett at napairap muna bago tanggalin ang braso nitong nasa balikat niya at naunang maglakad.

“Hey, wait up!” Habol ng lalaki. “Ito naman hndi mabiro. Next time papalagyan ko para sayo.” Anito matapos muling makaakbay.

“Huwag na. Baka lalo lang akong mabaliw.” Sagot nito at muling inirapan si Chase bago mas binilisan ang lakad na siya namang naiiling at natatawang na hinabol ng huli.

Nauna siyang makarating sa assigned rest place nila kaya umupo agad siya sa nakitang sofa at sinuot ang earphone tsaka ipinikit ang mga mata. Ramdam niyang nakasunod lang din si Chase ngunit hindi niya ito pinansin. Ramdam niya rin ang tingin ng mga kaibigan niya na mas naunang makarating ngunit binaliwala niya lang din ito.

Bad trip na siya simula kaninang umaga dahil sa init at ingay, ang pinaka-ayaw niya sa lahat.

Every players have their own rest place. Each from every school so that I won’t be a mess and hard for other representatives to find a place to stay in especially when it’s not yet their game time.

The Bitchy Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon