chapter 25

2 1 0
                                    

Natatawa si rain habang tinitignan si warren na makipagtalo dun sa bata. Pauwi na sila galing sa dalawang araw na pagiikot nila. Inikot na nila ang buong city may mga lugar pa palang hindi nakikita ni rain sa dalawang araw na yun nag hotel din sila overnight.

"Warren ba bye!" Nakangiting kumaway si warren kay rain habang paalis ang bus ng bumaba si rain sa kalsada.

"Ang duga gusto rin namin siyang makasama!" Sumalubong kay warren ang isang cute na cute na babae. Mukha lang itong highschool student kung titignan.

"Tiyaka na quincy pag naayos na ang lahat!" Numusong sumunod ang babae kay warren. Ang plano libangin si rain at ilayo ito sa mga taong magtatangka dito ng masama.

Samantala nakangiting bumabati si rain sa mga staff na nasa unit. Kilala na siya ng lahat ng staff sa sobrang friendly kasi ng lalaki at ang daling lapitan.

Pagbukas ng elevator nakita niya si summer na naglalakad papunta sa elevator bago yun magsara.

Lumapad ang ngiti ni rain sa idea na uuwi na si summer. Hinintay niya si summer sa labas ng elevator alam naman ni rain na sa vip elevator sasakay si summer.

"Bulaga sum– ouch,ouch,ouch,summy!" Nabitawan ni summer si rain ng mapilipit ni summer ang kamay ni rain sa sobrang psgkabigla niya ng bigla nalang siyang hilahin ni rain para yumakap.

"Ano bang ginagawa mo?" Ngumuso si rain at sinabing gusto lang naman niyang isurprise si summer.

"Nasaktan kaba are you hurt?" Umiling si rain. Muntik nang baliin ni summer ang kamay niya at ibalibag siya sa sahig.

"Yung totoo galing kaba sa photoshoot?" Ngumiti si rain sa tanong ni summer. Sinabi niya kay summer na insya siyang gumala ni warren for two days sa manila.

"Ikaw summy may eye bags ka pero ang ganda mo parin!" Tumawa si rain habang binubuksan ni summer ang pinto sa condo unit. Kinikilig siya kay summer na kinailing lang ni summer bago bahagyang ngumiti.

"Baka pagod ka wag kana magluto!" Ngumiti si rain ng sabihin ni summer na kumain na siya bago umuwi at nagtake out narin ng pagkain para sa kanya.

"Tapos kana?" Tumango si rain habang nagpupunas ng kamay. Pagkatapos kasing kumain ni rain at mapilit si summer na sabayan siya nagpumilit rin si rain na maghugas ng pinagkainan nila.

"Mag shower kana puntahan mo ako sa room pagkatapos mo mag shower!" Napasimangot si summer ng ibangon siya ni rain mula sa pagkakahiga sa sofa.

"Mag shower kanalang kung gusto mong tumabi sa pagtulog!" Tinatamad pa bumangon na si summer na kinangiti ni rain bago pumasok sa kwarto.

Paglabas ni rain sa banyo saktong pagbukas rin ng pinto ng kwarto kung saan pumasok si summer na may yakap na unan.

"Summer hindi ka pwedeng matulog ng basa ang buhok mo!" Umatungal si summer na gusto na niyang matulog. Hindi yun pinayagan ni rain na mangyari kaya naman nakaakap si summer kay rain habang blino-blower ang buhok ni summer.

"Patutuyuin ko na ang buhok mo summy bear ayos lang na matulog kana!" Tumango si summer at sumubsub sa leeg ni rain. Antok na antok na si summer pero nagawa niya pating halikan ng mabilis si rain.

"Good night my summy!" Hinalikan ni  rain ang sintido ni summer at nagsimulang patuyuin ang buhok ni summer.

Pagkatapos ng ilang minuto natuyo narin ang buhok ni summer kaya naman inayos na ni rain ang pagkakahiga si summer sa kama.

Ang payapang natutulog ni summer ng hawakan ni summer ang kamay niya at ibulong ni summer ang pangalan niya at sabihin nitong wag siyang umalis sa tabi niya.

Ngumiti si rain at hinalikan sa noo si summer. Bago umayos ng higa at pahigain si summer sa balikat niya.

Sa tatlong araw na nawala si summer na miss ito ni rain ng sobra buti nalang talaga nag-alok si warren ng gala kays kahit papano nakalimutan niya ang pagkamiss kay summer.

Umakap si summer kay rain at sumubsob sa dibdib ni rain. Natawa si rain ng isiksik pa lalo ni summer ang katawan nito ng yakapin siya ni rain.

"Sana summer pwede tayong manatili ng ganito! Sana tumigil ang oras at hindi mona malaman pa kung ano pa ang mga bagay na makakasakit sayo. Kasi ako summer nadurog ng malaman ko yun!" Inakap ni rain si summer na para bang sa mga oras na yun mawawala ang babae sa mga bisig niya. Magigising siyang wala talaga ito sa kanya at panaginip lsng ang lahat.

"Sana walang magbago!" Pumikit si rain at doon siys tuluyang nakatulog.

Sa labas ng apartment may taong nakaakyat sa veranda mula sa liwanag ng buwan kitang kita ang kutsilyo na hawak nito. Kita ang galit sa mga msta nito at ang ngisi na nakakatakot sa babae.

Ng matutok sa veranda ng condo ang ilaw ng mga nagiikot na mga staff nawala ang babae.

Tumatahol ang aso na nasa labas ng condo sa baba ng unit nakita nito ang babae. Ilang sandali lang napawi ang ingay sa buong hall nawala ang nakakairitang pagtahol ng aso. Napuno ng katahimikan ang lugar kasabay nun ang pagbunot ng kutsilyo ng hindi kilalang babae at ang nakatatakot nitong pagngisi at paulit-ulit na pagsaksak sa kawawang aso.

Ng ma satisfy ang babae sa ginawa sa aso naglakad ito paalis at kalmadong pinupunasan ang patalim ng panyo.

Ilang sandali pa umalingawngaw ang napakalakas na sigaw ng isang babae. Nakita niya ang aso niyang lutay lutay halos hindi na ito makilala.

May mangilan ngilan ring sumigaw mula sa ibabang palapag ng ganung ring sinaryo ang nakita nila pero ang mas malala tao ang namatay.

Nsbalot ng nakakarinding sigawan ang dalawang hall ng building sinong hindi sisigaw kung makakakita ka ng tatlong taong patay na pakalat kalat sa daan.

Ng makarating ang babae sa kotseng naghihintay sa baba tinanong niya ang sarili kung satisfy naba ito sa nagagawa. Malakas itong tumawa at tinanong sa sarili kung nababaliw naba siya para makuntento doon.

"Pareho natin siyang gustong bumalik kaya naman kukunin kolang kung ano ang pagmamay-ari ko!" Tumingin siya sa salami. At ngumiti ng nakakatakot bago isigaw na babalik din ang lalaki sa ayaw at sa gusto nito sa kanya. 

THE RAIN IN SUMMER   (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon