chapter 36

1 1 0
                                    

Sinalubong si Summer ng mga kaibigan, na kanina pa naghihitay sa baba. Nag-aalala ang mga ito sa nagyayari o mangyayari pa kay Summer. Kung magtagal ito sa loob.

"Summer Snow, alam namin ang lahat!" Lumingon si Summer sa dalawang matanda na pababa sa hagdan. Inutusan silang sumunod sa kanya.

"As for you to know, hindi samin lumaki si Rain. Wala siyang magandang childhood!" Huminto sa paglalakad ang matanda bago lumingon sa kanila at ituro ang isang malaking family portrait. Ang parent's ni Rain, kasama ang dalawang matanda at isang baby na buhat ng babae sa larawan na siguradong si Rain na.

"At the age of five nilayo siya samin, ng parent niya. Hinayaan namin sila, akala namin malalagay na sila sa tahimik. Pero, after no'n…" Hindi magawang ituloy ng matandang babae ang sinasabi, siguro dahil narin paulit-ulit parin nitong sinisi ang sarili sa mga nangyari.

"Limang taon matapos nilang umalis, nabalitaan namin na sa mga Snow sila nagtrabaho! Sinubukan namin silang kunin bago mahuli ang lahat. Pero huli na, wala na silang buhay ng dumating kami. Nawawala rin si Rain, walang may alam no'n kung nasaan siya. Two weeks after, nahanap ng mag-asawang Snow ang apo namin. Sinubukan nila siyang hulihin para sa negotiation sa dalawang pamilya!" Tinignan ng matandang lalaki si Summer. Puno ang mata nito ng lungkot, panghi-hinayang dahil narin siguro hindi nila naligtas ang anak at asawa nito.

"At the age of ten naging isang impyerno ang buhay ni Rain. Ng araw na mahuli siya ng parent mo Summer sinubukan ni Rain makiusap, sinubukan niyang ikunsidera ang pagkakaibigan niyo at ng parent's niyo!" Hindi magawang makapagsalita ng magkakaibigan. Pano nila sasabihin na may dahilan ang parent ni Summer, kung malayo sa kwentong alam nila ang totoo.

"Walang-wala ang galit mo kumpara samin Summer, dahil kung si Rain man ang pumatay sa parent's mo. Ang parent's mo naman ang pumatay sa mga magulang niya, ang anak namin. Nawalan ka? nawalan rin kami! Ang masaklap pa kailangan ipagtanggol ni Rain ang sarili niya ng nag-iisa, walang kasama, tanging siya lang!" Hindi makapaniwala si Summer. Nagagawa paring ngumiti ni Rain at tumawa. Nagagawa parin nitong makipag kaibigan sa kanya. Sa kabila ng lahat ng dinanas nito sa pamilya kinabinilangan niya.

"Mula ng araw na maka alis siya. Hindi na ulit bumalik si Rain samin. Pinagsisihan niya ng husto iyon! Kahit sabihin naming wala siyang kasalanan!" Walang mababakas na emosyon sa matandang babae pero makikita nang klaro ang emosyon na pinapahayag nito.

"B-bakit? Bakit niyo 'to sinasabi sakin ngayun?" Gulong-gulo si Summer sa mga sinasabi ng dalawang matanda. Hindi niya maintindihan bakit hindi sinabi ni Rain? Bakit hindi manlang ito naghiganti sa kanya?

"Kasi pagkatapos ng ikatlong trahedya sa buhay niya. Ikaw parin ang pinuntahan ng apo ko! Ikaw parin ang hinanap niya kahit sobra na ang pagdudusa niya! Bago siya makabalik sa 'yo alam mo bang may babaeng na obsesses sa kanya? Kinulong siya nito at ginawan ng masama! Pero sa kabila nun nanatili siya kung ano siya, at bumalik siya sa 'yo!" Hindi na makapaniwala si Summer sa mga naririnig. Pano nangyari ang lahat ng iyon kay Rain?

"Mag stay kayo dito!" Sinabi ng matandang hindi sila pwedeng tumutol sa mga utos niya. Kung gusto nilang malaman kung anong nangyari kay Rain.

Sa isang kwarto kung saan nanatili si Rain. Tahimik na ginagalaw-galaw ni Rain ang paa kung sana may kadena. Ilang araw na siyang nandoon ni hindi siya makalabas ang tanging nakikita niya lang ang labas mula sa veranda ng bumukas ang pinto. Hindi iyon nag abalang tignan ni Rain, pamilyar sa kanya ang nangyayari ngayun.

"Namiss kita." Malambing na wika ng babae bago siya nito yakapin. Walang naging reaksyon si Rain sa ginawa ng babae, na kinahiwalay nito sa kanya.

"Anong problema Ain? Hindi mobba na miss ang asawa mo?" Nasa tono parin nito ang paglalambing, hindi alintana ang masamang tingin ni Rain sa kanya.

"Cassandra tigilan muna to, hindi ako si Ain." Malungkot ang tinig ni rtain. Umangat ang mukha niya at tinignan ang babaeng sinasabunutan ang ulo.

"No, ikaw si Ain. Tanda mo paba ikaw siya, ikaw siya!" Lumapit ang babae at sinabunutan si Rain bago ito muling halikan.

"Ano to? May marka ka ng iba!"  Umangat ang kamay nito at sinakal si Rain ng makita ang marka ng mga Snow sa katawan nito. Hindi siya tanga para hindi malaman na isa yung life bond.

"T-tumigil kana Cassandra please!" Nahihirapan bulong ni Rain. Malapit na siyang malagutan ng hinga dahil sa ginagawang pagsakal sa kanya ng babae. Walang ginagawang hakbang si Rain para pigilan ang babae.

Napasinghap si Rain ng bitawan sawakas ng babae ang leeg niya. Tumawa ang babae at sinabing wala siyang paki kung may nag mamay ari na sa kanya.

"Pwede ko naman siyang patayin." Nakaramdam ng lamig si Rain sa sinabi ng babae. Sinubukan ni Rain habulin si Cassandra pero kusa siyang hinila ng kadena bago magsara ang pinto.

Napasabunot si Rain sa sariling buhok, hindi niya alam kung pano ulit siya makakatakas sa babae o kung may tao pa ulit na tutulong sa kanya. Sa ganitong scenario nag balik lahat ng nangyari sa kanya.

Ten year's old siya naliligo sa dugo ng parent's ni Summer. Hindi niya alam kung pano niya nagawang mapatay ang mag asawa pero natatakot siyang kamuhian ni Summer.

Liningon niya ang tauhan ng pamilya, tinatawag siya ng mga ito. Pero umalis siya tumawid papuntang kabilang kalsada— hindi niya alam kung ilang oras na siyang naglalakad. Wala na siyang babalikan, naging masama siya. Napatay niya ang parent ni Summer dahil din sa pagpapahirap ng mga ito sa kanya.

Tumawid siya sa kalsada ng may makitang kotseng padaan sa gawi niya. Hinarang niya ang sarili sa pag-asang iyon na ang kamatayan. Pero mali siya maagap ang nag mamaneho ng sasakyan agad yung naiwas bago pa siya matamaan. Nadali siya ng sasakyan na kinawala ng malay tao niya.

Gumising siya may mas bata sa harap niya. Tinanong ng mag asawa ang pangalan niya, nagsinungaling siya at sinabing wala siyang maalala. Na sana hindi na dapat niya ginawa.

Kinukop siya ng mag asawa. Masyadong naging clingy sa kanya si Cassandra ang nag-iisang anak ng mag asawa. Akala niya normal lang ang babae sa lagay na 'yon pero habang tumatagal at tumatanda sila nagbabago ang babae. Nagiging mas bayolente ito pag may lumalapit sa kanya, kapag may mga babaeng kausap.

Hanggang sa nalaman nalang niya na obsessed talaga ang babae sa kanya Inamin ng mag asawa na nagkaroon ng malalang sakit si Cassandra. At iyon ang possession nito, humingi ng tawad ang mag-asawa sa kanya.

Akala ni Rain ayos lang. Hanggang sa ikulong siya ni cassandra at gamitin siya, pinatakas siya ng parent's ni cassandra. Akala nila magiging ayos na ito pag-nawala siya pero hindi. Mas lalo itong naging greedy. Nakaalis siya sa yugtong yun ng buhay niya, binigay lahat sa kanya ng parent ni cassandra. Fake na buhay, record para hindi siya makilala ni cassandra bago ito muling ipasok sa mental.

Dun nagsimula ulit si rain. Nagkaroon ng tapang sa ikalawang pagkakataon, nagkaroon ng pag-asa na muling makabangon at kalimutan ang lahat. Pero ngayun na nasa same situation ulit siya, parang isang masamang panaginip lahat, isang de javu at paulit-ulit na nagpli-play sa utak niya.
Isa-isa bawat pangyayari.


























THE RAIN IN SUMMER   (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon