Ring* ring*
"Ok class you may not go to the cafeteria." Pahintulot ng guro namin habang siya'y inaayos ang mga gamit at umalis.
Ngayon sa mga oras na ito ay nakapila na kami nina Mild at Champ dito sa cafeteria.
Pagkatapos naming kumuha ng pagkain ay agad kaming naghanap ng mauupuan dahil grabe ang daming tao na kumakain ngayon.
Sa paglalakad ko ay narinig kong may tumatawag saakin at sa pagtingin ko ay nakita ko si Fiat na nakaupo na sa isang table sa sulok.
"Gulf dito na kayo kumain!" Tawag nito saakin.
Lumakad ako sa table na inuupuan niya at nagpasalamat kasi kung wala siya ay malamang wala kaming mauupuan ngayon.
"Salamat Fiat, kunf hindi dahil sayo malamang wala na kaming mauupan ng mga kaibigan ko."
"Ano kaba! Wala lang yun! Ako pa!" Pagmamayabang siya saakin ng dahilan kaya di ko mapigilang mapatawa nalang.
Nakita naman yun ng mga kaibigan ko kaya hindi maiwasang kutyain nila ako ng palihim.
"Ikaw Gulf ha! Ano yan?" Pangungutya ni Mild saakin.
"Luhh kaibigan ko lang si Fiat ano kaba!" Bulong ko sakaniya.
"Pero sa totoo lang parang may gusto yang si Fiat sayo gulf sa opinion ko lang." Sabi ni champ na ikinabali ng pansin ko sakaniya.
"Pano mo naman nasabi champ? Eh bagong kakilala mo palang siya?" Tanong ko rito sa sinabi niya.
"Alam ko kasi kung anong mga tingin yan dahil ganyan din ako sa bebe mild ko." Dahil sa sinabi nito ay hindi maiwasang suntukin siya ni mild sa braso.
"Ouch baby! Sakit nun ah!" Sabi niya na para bang ang sakit ng pagkakasuntok nayun.
"Wag ka ngang OA diyan di naman yun masyadong masakit dahil hindi ko iyon nilakasan."
Napaikot nalang ako ng mga mata sa gawa ng dalawang mokong nato hayyysstt. Umupo na kami sa table at nagsimulang kumain.
Mga ilang minuto ay may naramdaman akong presensya sa likuran ko at nabigla naman ako dahil paglingo ko ay nakita ko si Mew pala ito.
"Mew?" Gulot kong sabi nito. "Ba't nandito ka?" Tanong ko sakaniya.
"Bakit may problema ba?" Sagot nito sa tanong ko na kinatakot ko dahil batid mo talaga na hindi maganda ang araw niya ngayon. "Anong problema nito?" Tanong ko sa isipan ko.
Habang tuloy kami sa pagkain ay biglang kinuha ni champ ang chicharon ko kaya napatayo ako sa inuupuan ko at dali-dali bawiin ang chicharon ko pero huli na ang lahat dahil inilagay niya na ito sa bibig niya.
"Yung chicharon ko." Inis kong sabi at napasampak nalang ako pabalik sa inuupuan ko.
"Champ ba't mo kinuha yun? Akin yun eh!" Galit kong tanong rito.
"Di mo kasi kinain eh." Pabiro niyang sagot saakin. Iiyak na sana ako ng may nilagay na pagkain saakin.
Tinignan ko kong sino ang naglagay duon at muli ako nabigla dahil si mew iyon.
"Ayaw ko ng matigaw kaya sayo nayan." Blankong sabi niya saakin habang nagpatuloy narin siyang kumain ng kinakain niya.
"Salamat." Masayang pasasalamat ko sakaniya at nagpatuloy ng kumain ng biglang madaming chicharon ang nakalagay ngayon sa tray ko.
"Gusto mo ng chicharon diba gulf? Sayo nayan." Masayang sabi ni Fiat saakin at napangiti nalang ako sa gawi nito.
"Pero hindi ko naman maubos ito kasi ang dami." Malungkot na sabi ko sa aking isipan.
Ulit meron akong naramdaman na masamang hangin at tinanaw ko si mew na nakaupo sa gilid ko at meron akong narinig sakaniya pero hindi ko batid ko ano iyon.
"Tsk buwiset."
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
MxG : A Love so Beautiful ||•BxB•|| ( ON HOLD )
Storie d'amoreMEWXGULF BOOK 1 ONGOING | 17+ | MPREG | LGBT ................................................................. Synopsis : Gulf Vañio isang highschool student na pasaway, mabait, magalang, pala-away, etc. And most importantly ay isa siyang bakla at...