Chapter: 18

2.5K 63 0
                                    

Danielle (POV)

"Salamat sa paghahatid sa amin dito sa airport Kent." Nakangiting sabi niya sa kaibigan. Nagpresenta ito na ihatid sila sa airport ng dumating ito sa bahay kanina para sana bisitahin sila at makipag laro kay Rainier at nasabi nga niya dito na ngayon ang flight nila ng anak pasa canada para bisitahin ang mommy ni Macky.

"Wala iyon Danielle." Mataman siya nitong tinitigan at bigla siyang niyakap. "Huwag sanang magbago ang pagkakaibigan natin dahil sa sasabihin ko." Bulong ni Kent.

"Kahit ano pa iyang sasabihin mo hindi nun mababago ang pagiging mag best friend natin Kent." Natawa siya.

Umalis na ito sa pagyakap sa kanya. "Hindi ko kailangan ng kahit na anong sagot mula sayo Danielle! Gusto ko lang malaman mo na ..." pinaka titigan na naman siya nito bago muling nagsalita. "Mahal kita Danielle! Hindi ko sinasadya pero nangyari na lang isang araw."

"A-alam ko naman na mahal mo ako! Matalik mo akong kaibi-

"Hindi bilang kaibigan! Mahal kita bilang isang babae! Naiintindihan mo ba ako?"

Gulat na gulat siya sa sinabi nito. "K-kent." Hindi niya alam ang irereact sa nalaman. Siya mahal ng best friend niya hindi lang bilang kaibigan. How come.

Bahagyang ngumiti si Kent. "Sorry kung nagulat kita at sa ganitong paraan ko lang sinabi sayo ang tungkol sa nararamdaman ko."

I-i'm so-

"Don't! Ayaw mo naman siguro akong saktan hindi ba Danielle! So please don't say sorry."

"Kent naman eh." Niyakap niya ito at hindi napigilang mapaiyak. "Nasasaktan na pala kita ng hindi ko man lang na mamalayan."

"Don't cry! Kaya ko lahat ng sakit basta nandito ka lang sa tabi ko! My best friend." Gumanti ito ng yakap.

"Mom! Why are you crying?" Inusenteng tanong ni Rainier.

Kasama nga pala nila ito.

"W-wala! Mamimiss ko lang si tito Kent." Naghiwalay na sila ng kaibigan.

"Rainier take care of your mom okay!"

"Yes tito! I will."

"K-kent." Tawag pansin niya sa kaibigan.

"Huwag kang mag-alala Danielle! Okay lang ako." Kent smile. "Tawagan ninyo ako kapag naroon na kayo sa canada."

"O-okay." Alinlangan niyang tiningnan ang kaibigan. "A-alam mo ba kung nasaan si Mikael."

May sakit na dumaan sa mga mata nito kaya gusto niyang pagsisihan ang ginawang pag tatanong tungkol sa ibang lalaki. Ang masakit pa doon kapatid nito.

"Nasa out of town siya. Hindi ba nagpa-alam sayo?" Nagbaba ito ng tingin.

Marahan siyang umiling. "Hindi." She sigh. "Kaya siguro hindi ko siya macontact."

"Don't worry! Pag balik niya ako ng bahalang mag sabi kung nasaan kayo ni Rainier."

Ngumiti siya. "Salamat! Sige kailangan na naming pumasok sa loob."

"Take care." Hinalikan siya nito sa noo at ginulo ang buhok ni Rainier. "Kalimutan mo lahat ng mga ipinagtapat ko sayo sa oras na tumalikod ka! Mananatili tayong mag best friend."

"I-i try." Sabi niya at hinawakan ang kamay ni Rainier at sa oras na tinalikuran niya ito ay awtomatikong tumulo ang kanyang luha.

Nang makasakay sa eroplan at masiguradong ayos blang si Rainier sa kinauupuan nito sa tabi niya ay pumikit siya.

Ni sa panaginip ay hindi niya naisip na mamahahin siya ni Kent ng higit pa sa kaibigan. Kaya pala ganun na lang karindi ang galit ni  Kent ng malaman na may fiance na siya. Kaya pala may nababasa siyang sakit sa mga mata nito tuwing titingin sa kanya.

Her tears falls nonstop. "Bakit ako pa?" Bulong niya. Bahagya niyang itinaas ang kaliwang kamay at tiningnan ang suot na engaged ment ring na bigay ni Mikael ng pumayag siyang magpanggap na asawa nito.

Hinawakan ng kanan niyang kamay ang pendat ng suot niyang necklace. Kahit anong pilit niya sa sarili ay hindi niya iyon magawang hubadin at itapon. May kung anong pumipigil sa kanya na gawin  yun.

Loving You Unknowingly (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon