narration #6

2 0 0
                                    

iris lim

"Anong ginagawa mo iris?! dati with honors kapa ah?! anong nangyayare sa'yo?!" sigaw sa'kin ni papa. hindi na'ko nakapag-focus sa pag-aaral ko.

"ronaldo! baka naman may problema si iris. intindihin nalang muna natin" singit ni mama.

nakatungo lamang ako habang umiiyak. hindi ko kinakaya pag sinisigawan ako ng isang tao hahaha.

"hindi! dapat rito ay dinidisiplinahan. maayos naman 'yang pag-aaral mo last last week ha? umayos ka iris. hindi ako natutuwa sayo." Sumabat ni papa at umalis.

"pasenya kana anak ha?.. kung ano mang pinagdadaanan mo ngayon ayusin mo ha.. , magagalit ang papa mo lalo niyan." Sabi ni mama at hinaplos ang likod ko.

"sorry ma ha? sorry sa pag-kukulang ko. pero ma, promise ko sa'yo na magiging doktor ako para magamot kita. magagamot natin 'yang sakit mo ma." Sagot ko naman at niyakap si mama, siya lang ang kakampi ko. kasama ko siyang lumaban. sana't makakapag-hintay pa siyang gamutin siya.

the way i loved youWhere stories live. Discover now