Chapter 3

100 5 5
                                    

"Maivey, what do you think about our new teacher?" Napalingon ako sa nag tanong na si Suee.

Anong pumasok sa isip nito at biglang nagtanong about kay Sir Actaeon.

"He's okay naman, kaya lang ay mukhang masungit" pag tugon ko sa kanya bago muling ibalik ang atensyon sa pag aayos ko nang gamit.

Katatapos lang kasi ng class namin at pauwi na din kami. Second day na ng pasukan wala pa rin kaming gaanong ginagawa, hindi ko rin naka encounter si Mr. Farrell dahil wala syang class sa amin and hindi din namin sya naka salubong man lang dito sa loob ng campus.

Well mas okay na yun, dahil hindi ko na yata kakayanin kapag muli na namang nag tagpo ang mga mata namin. 

Well atleast for now I'm safe.

Nang matapos mag ayos ng gamit ay nag handa na kami para umuwi. Muli namang nag salita si Suee habang naglalakad kami palabas ng room.

"Well for me okay naman sya, plus points pa na ang gwapo nya" she's giggling while saying that.

Napangiwi ako at tumingin sa kanya. Sasagot na dapat ako ng magsalita ang isa sa tatlong unggoy na alaga namin ni Suee. Napatawa ako nang mahina dahil sa naisip.

"Let's have some party later mga bibi" pumagitna pa sa amin si Kijani habang naka ngisi ng nakakaloko, hindi pa ito nakuntento at inakbayan kaming dalawa ni Suee.

"Put your dirty hands away from me you Juts" tinampal ng malakas ni Suee ang kamay ni Kijani dahilan para mawala ang pagkakaakbay nya sa amin.

"Mahal na mahal talaga ako ng pader na kasama natin" nakangiwi pa ito habang tinitignan kami isa isa.

"Grabe ka naman kay Suee Captain, wag mo na ipag sigawan yung halata na" pag sabat naman ni Chase habang pinipigilan ang pagtawa nya.

Nagsimula na silang mag asaran at ayoko ng makisali pa sa gulo nila. Naglakad ako papalapit kay Daxton na naka ngiti na habang pinag mamasdan ang tatlo.

"Para tayong may tatlong anak" nanlalaki ang mga mata ko na napatingin sa kanya. Natawa naman ito sa naging reaksyon ko.

"I mean tayo ang laging umaawat at nag sasabi sa tatlo kapag nag kakagulo sila diba" ginulo pa nito ang buhok ko habang naka ngisi.

"T-tama ka naman dyan" medyo naiilang kong sabi.

"Let me carry your bag" pag hawak nito sa bag ko na nakasukbit sa kaliwang balikat ko.

"Huwag na kaya ko naman" natatawang tanggi ko sa kanya.

"I insist, mukhang mabigat yan e, or if you really don't want,  just give me those books" turo nito sa mga librong hawak ko.

Ibinigay ko nalang sa kanya yung mga libro dahil alam kong hindi naman nya ako titigilan.

"Puntahan ko lang yung tatlo, sigurado ako na hindi tayo makakauwi kapag hindi pa tumigil yun"naka ngiti kong pag iimporma sa kanya.

Tumango ito bilang pag sang ayon. Tumakbo ako papunta sa gawi nung tatlo dahil ang layo na pala ng pagitan namin sa kanila.

"Lumayo nga kayo sa akin, ang papanget nyo" naiinis na tinulak ni Suee ang mukha ng dalawa.

"Guys stop it na.Chase, Kijani dun na kayo kay Daxton sya nalang pag tripan nyo para may black eye na kayong dalawa bukas" seryoso kong saad.

"Bibi Maive naman alam mo namang pinag lihi sa sama ng loob yung si boss Daxton e" kinakabahang turan ni Chase.

"Eh kaya nga dun na kayo at manahimik, kung ayaw nyong ako maglagay ng black eye sa inyong dalawa" ipinakita ko pa sa kanila ang kamao ko.

"Ikaw naman, ito na po pupunta na po kami dun" natatawang tugon ni Kijani.

Bite the DustWhere stories live. Discover now