Chapter 5

65 3 1
                                    

"Have you seen Aeida Ms. Salvador" napahawak ako sa dibdib ko dahil sa pagkagulat. Lumingon ako kay Sir Actaeon na seryoso namang nakatingin sa akin.

"Sir, ikaw pala "ang awkward ng atmosphere sa pagitan namin. Napatitig ito sa mukha ko na tila ba na aamuse sya sa pinakita kong reaction.

"Yeah. It's me. Bakit parang gulat na gulat kang makita ako Ms. Salvador" a chuckle came out from his mouth. Napangiti din ako dahil sa nakita.

"You look more handsome when you're smiling" wala sa sariling naiusal ko.

Napatigil ito sa pag ngiti ng marinig ang sinabi ko, namula naman ang leeg at mga tenga nito sa di malamang dahilan.

Napatakip naman ako ng bibig nang mapagtanto kung ano ang lumabas sa walang preno kong bibig.

"You didn't answer my question Ms. Salvador" masungit na namang sabi nito. Napa ismid nalang ako dahil daig nya pa ang may bipolar disorder dahil sa pa bago bago nyang mood.

Napanguso nalang ako dahil ang sungit sungit na naman nya sa akin.

"She's inside, Sir" sabay turo ko sa female restroom. Nang lumingon kami ay nakita namin si Aeida na nakapag palit na ng damit.

"What happened to you" nag aalalang lumapit sa kanya si Mr. Farrell, hinawakan nito si Aeida sa siko at tinignan kung may mga galos ba ito.

Binigyan nito ng nagbabantang tingin si Sir Actaeon bago ilibot ang paningin upang siguraduhin na walang ibang nakakakita sa kanila.

"I'm okay, nothing's wrong with me" mahinahong sabi nito.

"You sure?" masuyo naman syang tinanong ni Sir. She just noded and smiled at him.

Nakatahimik lang ako sa isang tabi, pinapanood ang dalawa na tila ba silang dalawa lang ang tao doon. Habang pinagmamasdan sila ay tila ba tinutusok ng libo libong karayom ang dibdib ko. Aalis na sana ako ng bigla akong tawagin ni Sir Actaeon.

"Ms. Salvador, I need to talk to you" seryoso nitong baling sa akin. Napakunot naman ang noo ko sa pagtataka.

"About what, Sir?" bumaling muna ito kay Aeida.

"Aeida will you please leave us for a while, I need to talk to her in private" malambing na sabi nito bago.

"Sure, Sir. Maive mauuna na ako sa room, thank you for accompanying me and lending me your clothes" she smiled sweetly before leaving us alone here. 

"Let's talk somewhere else. Follow me" seryosong sabi nito bago ako talikuran at nag simulang mag lakad.

Malakas na ang pag kabog dibdib ko habang naglalakad kami, namamawis at nanlalamig na din ang mga palad ko.

Nakarating kami sa under construction na part ng campus. Napa angat ang tingin ko sa kanya ng huminto sya sa isang bakanteng room.

"Stay away from Daxton, Alessia" nanindig ang mga balahibo sa lamig ng boses nya at sa paraan ng pagtawag nya sa unang pangalan ko. Taimtim na itong nakatitig sa mga mata ko.

"What do you mean, Sir?" kinakabahan at nagtatakhang tanong ko sa kanya.

"You heard me. Stay away from Daxton, Alessia. I don't want to see him that close to you ever again" may diin ang bawat salitang binibitawan nya.

"Why would I do that? He's my friend" mababakas na ang pagkairita sa boses ko sa mga oras na yun. Bumigat naman ang pag hinga nito na tila ba nauubos na ang pasensya nya.

"Just stay away from him" napaiwas pa ito ng tingin ng titigan ko sya sa mukha.

"Tell me your reason first, Sir" sarkastiko kong sabi.

Bite the DustWhere stories live. Discover now