Chapter 4

80 4 8
                                    

"Is it true? That you are the one who posted it?" mababakas ang disappointment sa pagsasalita nya.

Idinikit ko ang tenga ko sa pintuan para mas marinig ang pinag uusapan nila.

"I did" tila proud pa ang lalaki sa ginawa nya.

"Why? W-why did you do that?" mababakas ang pinaghalong lungkot, galit, at inis sa boses ng babae.

"Hmm, bakit nga ba?" hindi ko man makita ay alam kong may nakakainsultong ngisi na sa mga labi nito.

"Hindi mo ba alam na may sinisira ka nang buhay dahil sa ginawa mo!" puno ng poot na tugon naman ng babae.

"It's just fun see-" dahil sa nag uumapaw na galit sa dibdib ko ay hindi ko na napigilang hindi buksan ang pintuan.

Gulat na mukha ni Suee at Kijani ang bumungad sa akin.

"B-b-bakit ganyan ka makatingin sa amin" kinakabahang tanong sa akin ni Kijani.

"What happened Maive?" nakakunot noong tanong naman ni Suee.

"Is it true?" galit na tanong ko.

"Ang alin bibi Maive?" nakangusong tanong ni Kijani habang nagtatago sa likod ni Suee.

"Gusto mong tabasin ko yang nguso mo Kijani" nanlilisik ang mga matang tingin ko sa kanya. Lalo naman itong nag sumiksik sa likod ni Suee habang bumubulong.

"Ano bang nangyayari Maive? Bakit parang galit na galit ka kay Hapon?" nagtataka pa rin ito na tila ba walang inamin sa kanya ang magaling na lalaking nagtatago sa likuran nya.

"Totoo bang si Kijani ang nagpost tungkol kay Aeida at Sir Actaeon?" may diin kong tanong sa kanila.

"Ano!?"

"What!?"

Sabay na sabi nila at halos malaglag na ang panga nila sa gulat dahil sa sinabi ko. 

Nagkatinginan muna ang dalawa, pagkatapos ay halos maglupasay na sila sa sahig sa katatawa.

"A-anong tinatawa tawa nyong dalawa dyan" tuluyan na bang nabaliw ang dalawang 'to.

Tinatapunan ko lang sila ng nagtatanong na tingin habang naka taas pa ang isang kilay.

"Tapos na ba kayo?" mataray na baling ko sa kanila. 

"Pinasakit mo tyan ko bibi Maive, nauutot na tuloy ako" natatawa tawa pang tugon ni Kijani.

"My gosh ka girl, ang judger mo ah" nakahawak pa si Suee sa tyan nya habang patawa tawa pa.

"Will you both stop laughing and start explaining to me" seryoso kong binitawan ang mga salita ko sa kanila.

"Chill ka lang bibi Maive masyado mo kasi kaming pinasaya e"

"Ang dami mong dada Hapon mag sasalita ka o magsasalita ka?" naguumpisa na akong mairita sa kanila, dahil imbes na mag paliwanag ay ang dami pa nilang sinasabi.

"We're practicing Maive" sabay turo ni Suee sa mga papel na nasa lapag.

Hindi ko napansin yun dahil sa galit ko kanina.

"Nabitawan namin yan dahil sa gulat, bigla bigla mo ba naman kasing padabog na buksan yung pinto" natatawang sabi ni Suee na tila ba nababasa nya ang nasa isip ko.

"Tinutulungan ko lang ang mahal ko para sa role play na gaganapin next month" natatawang pag papaliwanag ni Kijani.

"Y-you mean, you both are just acting?" napapahiya kong tanong sa kanila.

"Yes girl!" lumapit pa sa akin ang dalawa at umakbay. Ipinakita naman nila ang papel na nag lalaman ng script para sa sinasabi nilang role play.

"Si baby Suee ang main lead!" tila proud pa nitong sabi.

Bite the DustWhere stories live. Discover now