Chapter 8

56 1 0
                                    

Aeida

"Aeida" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na tumawag sa akin. Nakatingin sa akin ngayon si Chase na may ngiti sa mga labi nya, naka hilig ito sa hood ng kotse nya na para bang hinihintay nya ang pag dating ko.

Naging routine na yata nya ang hintayin ako tuwing umaga dito sa parking lot ng school. Umayos sya ng tayo pagkatapos ay tumakbo na ito papalapit sa akin na may ngiti pa din sa mga labi nya.

"Goodmorning!" masiglang bati nya sa akin. Tumingala ako upang pagmasdan ang maaliwalas nyang mukha. Mananakit talaga ang batok ko sa kakatingala matignan lang ang mukha nya, masyado syang matangkad para sa 5'4 kong height.

Napatitig ako sa mga mata nya. I really love his chinito eyes, lalo na kapag ngumingiti sya. Napalibot ang tingin ko sa kabuuan ng maaliwalas nyang muka. He really has a face of an angel.

I used to be scared going to school, pero simula nang makilala ko sya, sila. Nag bago ang lahat.

He's like a safe place for me. A knight in shining armor.

I neve felt this safe and secured whenever I'm with him.

"You okay?" napabalik ako sa realidad ng muli syang mag salita.

"Yeah, I'm okay" nakangiti kong sabi sa kanya.

"Btw. Good morning to you too, Chase" pag papatuloy ko.

"Nag breakfast ka na ba? Do you want us to stop by at the cafeteria?" nakangiting tanong nito sa akin.

"I already ate. Ikaw? Do you want me to accompany you?" pag tugon ko naman sa kanya.

"Ang hirap mo naman landiin" napatingin ako sa kanya dahil sa hindi ko naintindihan ang sinabi nya.

"Are you saying something?" naka kunot noong tanong ko sa kanya.

"Wala. Ang sabi ko tara na at baka ma-late pa tayo sa class" natatawang sabi nito. Minsan talaga ang weird nila, yung bigla nalang tumatawa sa hindi ko malamang dahilan.

"Okay" pag sang ayon ko sa kanya.

Nag umpisa na kaming maglakad papunta sa building namin, walang nangahas na muling mag salita sa pagitan naming dalawa. Nang makarating sa corridor sa second floor ay maraming students ang nagkalat. 

Napayuko nalang ako dahil nararamdaman ko ang mapang mata nilang tingin sa akin. Hindi ako sanay, at hindi na ako masasanay sa mga ganung klase ng tingin.

Napatingin ako sa kanang kamay ko nang maramdaman ako paghawak ni Chase doon. Napatingala ako sa kanya. Ngumiti ito bago ko maramdaman ang pag pisil nya sa kamay ko, tila ba ipinaparating na nandito lang sya sa tabi ko at hindi nya ako pababayaan.

Sinuklian ko sya ng ngiti bago muling ituon ang paningin sa dinaraanan. Binalewala ko nalang ang mapang husgang tingin na ibinabato sa akin ng mga tao dito.

Pagkapasok namin sa loob ng room ay napunta sa aming dalawa ang atensyon nila. Pumiglas ako sa pagkakahawak nya sa kamay ko ng mapansin na lahat sila ay nakatingin na sa magkahawak naming kamay.

Nauna na akong maglakad papunta sa upuan ko.

"After Sir Actaeon si Chase naman, kung di ka naman talaga malandi" mapang asar na bulong sa akin ni Claire nang madaan ako sa tapat nila.

"Kating kati ba at parang may balak kang isa isahin ang mga lalaki dito sa classroom natin" pang gagatong pa ni Rachel.

"Ako naman pagkatapos ni Chase" nanindig ang balahibo ko ng maramdaman ang pasimpleng pag hawak ni Blade sa pang upo ko.

Bite the DustWhere stories live. Discover now