Alam mo yung feeling na marami kang agam-agam? Agam-agam nga ba? A. Basta. Yung feeling na bothered na bothered ka. Napag-isip-isip mo na ang dami mo palang katanungan aa buhay.
Mga simpleng bagay lang naman pero bother na bother ka na. Katulad na lang kapag kumakain, kapag may kumakain na rinig ang pagnguya, naiinis ka na. Alam mo yun? Nakaka-bother. You know, it's not your business na pansinin ang mga maliliit na bagay na yun but you can't stop. We are meant to be bothered by those small things for maybe.. an apparent reason? Or maybe no apparent reason?
Minsan pa nga, hindi mo alam na nababaliw ka na kapapansin lang sa mga maliliit na bagay. But little things matters. A lot. Tsk.
Nakapa mo nga lang yung bubble gum sa ilalim ng desk mo, bothered ka na e. Tss.
May nagtext lang sa'yong unknown number, bothered ka na e.
May narinig kang nag-english sa mga kaibigan mo, na-bother ka na.
Bothered, BIG TIME.