Bakit nagkaganito ang buhay ko? Bakit kami nagkaroon ng kapitbahay na maingay? Kapitbahay na may motor. At may alagang aso?
Una, kapitbahay naming maingay. Kwento here. Kwento there. Sigaw here, sigaw there. Utang na loob, respeto naman. Pangalawa, ung kapitbahay naming may motor. Darating nang mga 10 ng gabi. To give you some additional info, nagrerent lang kasi ako. Malayo bahay ko e. Ayun na nga, syempre maingay ung motor. Tipong gusto mo nang makatulog kaya lang maingay. May alaga pa silang aso. Once na lumabas ka sa nirerentehan mong apartment, tatahol. At kapag gabi, darating ung iba naming ka-apartment, mga 11, may 3 na nang umaga kung dumating tapos syempre tatahol ung aso. Ang tagal. Magigising ka. Ung tipong katutulog mo lang ng 12 kasi katatapos mo lang magreview. The F. -_-
Isa pa ung umuuwi ng dis oras ng gabi.
--
Ang ayaw ko pa ung nagsisigawan sila, syempre rinig dito. Hindi ba nila alam na may nagrereview? May natutulog? At gustong magpahinga? Soundproof lang?
Random rant galing sa masipag na estudyanteng kapitbahay nila.
