Paano kung isampal na mismo sa mukha mo ang katotohanan? Diba masakit? Akala mo hindi ka na makakabangon pero babangon ka pa rin. Kailangan mo na lang mabuhay sa realidad. Ang pantasya ay pantasya, may magandang naidudulot pero mas marami ang sakit. Kapag isinampal na sa iyo ang katotohanan, tanggapin mo na lang. Namnamin ang sakit. Hindi naman yan magtatagal. Nasasaiyo na lang yan kung gusto mong gawing miserable ang sarili mo. May choice ka naman.