WHN 030

92 6 1
                                    

Messenger

MGA WALANG JOWA

7:31 PM

Nilia
Ang tahimik mo yata, Jamira. Hindi ka na nagc-chat dito simula kahapon.

Mei
Baka busy.

Nilia
Kahit busy naman iyan e nagc-chat iyan dahil madaldal siya.

Mei
Ay HAHAHAHA

Nilia
Pero tungkol saan kaya post ni Pollard kahapon, 'no? Bakit emoji na ganito 🤦🏻.

Jamjam
Because he did something unexpected while drunk.

Mei
HAH? ANONG SOMETHING UNEXPECTED? NAG-KISS KAYO?! 😱

Jamjam
Anong kiss ka riyan, e magkasama tayo hanggang sa umuwi tayo noong birthday ni Reya.

Nilia
Itong si Mei, pinapatamaan mo ba ako sa word na kiss na iyan?😑

Mei
🤭

Nilia
Pero anong meron talaga, Jam? 'Yong something unexpected na 'yon, tungkol ba sayo?

Jamjam
Yes.

Nilia
Drop the news.🤭👂

Jamjam
Lasing siya noong gabi ng birthday ni Reya. Aksidente yatang ako ang na-chat niya kaysa iyong gusto niyang i-chat dahil tinatawag niya akong Kuya Weyv, e.

Mei
And then? Anong nangyari?

Jamjam
Sa chat niya, nabanggit niyang gusto niya ako...

Seen by everyone

What's His Name? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon