Jamira's POV
"Why are we here?" tanong niya pagkatapos naming makarating sa sementeryo.
"Bibisitahin lang natin si Lolo," tugon ko.
Hinawakan ko ang kamay niya at naglakad kami papunta sa puntod ni Lolo. Saka ko lang 'yon binitawan nang kinuha ko ang posporo at kandila na nasa loob ng bag ko. Umupo ako sa harap ng puntod at nagtirik ng kandila sa gilid mismo ng lapida.
"Lolo, nandito po ulit ang nag-iisang magandang apo ninyo." Nakangiting bati ko habang hinahaplos ang pangalan ni Lolo na nakaukit sa lapida. "Kaso ngayon ay hindi lang po ako ang pumunta rito. Isinama ko po ang boyfriend ko dahil bigla kong naalala 'yong hiling niyo sa akin noong nabubuhay pa lang kayo."
"Anong hiniling niya sayo?" tanong ni Pollard at umupo sa tabi ko.
Bumaling ako sa kaniya pero agad ko ring ibinalik ang paningin sa lapida.
"Do you want to hear a story?"
"Yes."
"Lolo's girl ako simula noong bata pa lang ako," pagkukuwento ko. "Siguro ay dahil siya ang madalas kong kasama noon dahil parehong busy sa trabaho sina Mom at Dad noon. Marami kasing kumukuha kay Dad noon bilang engineer ng mga bagong resort, building at kung ano-ano pa. Si Mom naman ay maagang pumapasok sa trabaho. Naiiwan ako sa bahay pero walang araw na hindi ako masaya dahil to the rescue agad si Lolo."
I leaned on his shoulder and closed my eyes as I remembered the last things Grandpa had said to me before he died.
"Grade 9 pa lang ako simula ng magkaroon ako ng boyfriend," sabi ko at naramdaman ko siyang nanigas sa tabi ko. "Masaya si Lolo dahil nadagdagan ang mga taong nandiyan para mahalin at alagaan ako. Pero nang malaman niyang naghiwalay kami pagkatapos ng dalawang taon na relasyon namin, alam kong nalungkot siya dahil ang akala niya ay alam na niya kung sino ang mapapangasawa ng nag-iisang apo niya."
Nag-angat ako ng tingin at nagsalubong ang mga mata namin. Seryoso ang mukha niya at halatang hinihintay niyang magpatuloy ako sa pagsasalita.
"Kaya noong isinugod siya sa hospital at alam niyang hindi na siya tatagal ng ilan pang buwan dahil sa katandaan, humiling siya sa akin na sa susunod na may ipakilala akong lalaki sa kaniya, dapat iyong sigurado ng gusto kong pakasalan balang araw." Seryosong sabi ko habang nakatingin ng diretso sa mga mata niya. "Sayang at nahuli ka ng dating. Kung nakilala lang sana kita ng mas maaga, sana naipakilala kita ng maayos sa kaniya. Sana nakilala niya ng personal ang lalaking gustong pakasalan ng apo niya."
Alam ko na kung nabubuhay pa si Lolo, matutuwa siya kapag nakilala niya si Pollard.
"But still, masaya akong naipakilala kita sa isa sa pinakaspecial na tao sa buhay ko ngayon kahit na ganito ang sitwasyon."
As I stared into Pollard's eyes, I saw many emotions swirling in them. Happiness, astonishment, concern, love and a glimpse of pride.
He suddenly hugged me, his forehead resting on my shoulder. "I love you. I love you so much, Jamira."
Niyakap ko siya pabalik at hinaplos ang buhok niya. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil tila ba ayaw na niya akong pakawalan kahit kailan dahil sa paraan nang pagkayayakap niya.
"Mahal na mahal din kita, Pollard. Kaya huwag kang magselos sa ibang lalaki dahil malapit man sila sa akin, pero ikaw lang ang nagmamay-ari sa akin. Kung nagkataon lang talaga na tapos na tayong mag-aral ay ako na pa ang magp-propose sayo ngayon, e."
He chuckled. "Will you really do that?"
Tumango agad ako. He looked at me and I noticed immediately that his eyes turned a little reddish.
He looked at the tombstone. "Thank you for having such a grandchild po. Napakaganda niya, mabait, masiyahin at mapagmahal na babae. Kaya ang lalaking ito na nasa harapan ngayon ng puntod niyo ay nangangakong aalagaan po ang apo ninyo. Masyado siyang special kaya dapat lang siyang mahalin ng sobra."
Tumingin ako sa kalangitan at ngumiti. Siya na nga talaga ang gusto kong pakasalan, Lolo.
"I love you, love." Nakangiting sabi ko.
He kissed my forehead. "I love you more, my sunshine."
BINABASA MO ANG
What's His Name?
RomanceWhat's His Name? an epistolary After seeing her two friends talking about their crushes, Jamira sent messages to a student that her friend mentioned in their group chat. It wasn't long before she realized that her chats were embarrassing so she sto...