/Loving Regine Chapter Nine/
NAGING tahimik ang hapag-kainan,tanging ang tugtog lamang ang nagsisilbing ingay sa pagitan nila.
"Are you okay?"tanong ni Ogie ng hindi na kinaya ang katahimikan.
"Y-yeah."tugon ni Regine
"Com'on,tell me the truth,are you okay?Are you hurt?"
"No?"patanong na tugon ni Regine
"Palagi ka namang gan'yan."ang sabi ni Ogie at iniwas ang tingin sa asawa.
"Bakit?Kapag ba sinabi kong hindi ako okay maaawa ka? Tatanungin mo ba ako kung bakit hindi ako okay?Hindi ba hindi naman?" Sunod-sunod na tumulo ang luha ni Regine"Más mabuting magpanggap kaysa umasa na magkaka-concern ka sa'kin." Dagdag pa niya.
"I'm sorry,Regine." Ang tanging sabi ni Ogie
Naging tahimik ulit ang hapag-kainan matapos humingi ng paumanhin si Ogie sa asawa.
"Pwede ba tayong lumabas?kahit isang beses sa isang buwan lang?"pagboses ni Regine bago tumayo si Ogie.
Napalingon si Ogie dito.
"Kailangan ba lumuhod ako sa harapan mo at magmakaawa na lumabas ako kasama ka?"
"P-pag-iisipan ko."tugon ni Ogie
Tango na lamang ang sinagot ni Regine saka sumunod na tumayo. Kaagad namang umakyat si Ogie sa kwarto nila para pag-isipan ang hiling ng asawa.
Pagkatapos nitong mag-muni-muni ay naligo ito. Habang pinupunasan ni Ogie ang kanyang buhok upang matuyo ay ka-agad na pumasok si Regine, unexpectedly.
Pagkatingin niya na naka-boxer lang ang asawa ay ka-agad itong tumalikod.
"Sorry..."she bit her lower lip
"Huwag ka munang humarap!"sigaw ni Ogie at dali-daling inabot ang saluwal niya at saka sinuot.
"M-may banyo naman 'di ba?"Takang tanong ni Regine
"Boxer lang kasi nadala ko sa loob. Saka nagpapatuyo ako ng buhok dito."pagdadahilan ni Ogie.
"Ba't 'di mo sinara 'yung pinto?Nor locked it?"
"M-malay ko na papasok ka pala dito..."
"Maliligo ako e natural."hindi nagpatalo si Regine
"Edi,sorry?"tugon ni Ogie"tapos na. Gumamit ka na ng banyo."dagdag niya
Humarap naman si Regine saka ngumiti.
"A-alis ka?M-may lakad kayo ni Yngrid?"nasasaktan man pero,pinilit niyang hindi iyon mahalata ni Ogie,hindi nga ba nahalata?
"Wala?"patanong na tugon ni Ogie"Maligo ka na,aalis tayo."
"Tayo?Aalis?Saan naman?"
"Kung saan mo gusto?"patanong ulit na tugon ni Ogie.
Napangiti si Regine saka naglakad papalapit sa asawa saka niya ito niyakap. She even mumbled 'thank you'.
Pagkatapos ay agad na pumasok ng banyo para maligo.
Nauna na rin sa baba si Ogie. Pagkatapos maligo ay ka-agad niyang hinanap ang kanyang black fitted dress sa kanyang closet. Pagkatapos ay hinanap niya rin ang kanyang blazer.
Tatakpan lang ang kaniyang balikat. Naglagay rin siya ng lipstick at kilay,sakto lang. Medyo kulot din ang kanyang buhok.
Pagkalabas ng kwarto ay agad siyang bumaba. Nakahawak pa siya sa railings ng hagdan habang papababa.
BINABASA MO ANG
Book I: Loving Regine (Completed)
RomanceFormer Title: ALPAS An arranged marriage. A love that came too late. A goodbye... that might not be real. Title:Loving Regine Genre: Fanfiction, Romance Written by: Miss Shash & Author AJ Number: Book I Started:June 14, 2022 Finished: December 25, 2...
