Chapter 4

386 23 2
                                        

/Loving Regine Chapter Four/

DALAWANG araw na ang nakalipas at sa loob ng dalawang araw ay gusto ni Ogie na yayain ang asawa na lumabas pero nahihiya siyang ayain si Regine.

Pareho silang walang trabaho ngayon kaya pareho silang nasa bahay.Tumutulong si Regine na maglinis ng bahay at si Ogie naman ay walang ginagawa kun'di ang pabalik-balik nitong paglalakad.

Kanina pa kasi ito hindi mapakali.

"Ogie,alam mo nahihilo na ako sa'yo"biglang sabi ni Regine at binitawan ang tela na hawak niya"Pwedeng umupo ka naman?"

"Sorry ha"umupo si Ogie at kinagat ang ibabang parte ng labi"Auhm,Reg?"nilingon siya ni Regine"Mall tayo?"

Nagulat naman si Regine sa sinabi ng asawa.Sa loob kasi ng labing-isang taon hindi siya nito inayang mag mall o lumabas man lang.Kaya ngayon,hindi siya makapaniwala.Tinatanong niya sa kanyang isip kung 'Si Ogie ba 'to?'

"May surpresa kasi ako sa'yo"

"Surpresa?"Takang tugon ni Regine saka tumango si Ogie

Is this for real?niyayaya niya 'kong mag mall na kasama siya?tapos may surpresa pa raw?Pwede na ba akong magpahinga dahil dito?;Regine thought

"Regine?"sabay pitik nito sa harap ni Regine

"ah-oo"utal na payag ni Regine

"Sige tara na?"

Tumango si Regine saka ngumiti.Naunang naligo si Ogie, pagkatapos ay si Regine naman at iniwan ang ginagawa niya.

Natapos ng naligo si Regine.Nagbihis na naman siya.Napaka simple lang ng suot ni Regine.Floral dress,above the knee at V neckline na nakabikaka ito.

Tumayo si Regine at humarap sa malaki nilang salamin

"Ang ganda mo pala kahit simple lang,pero ni isang lalake walang nagkakagusto sa'yo"

Kumatok si Francine.

"Ma'am?"

"Pasok"tugon ni Regine

Binuksan naman ito ni Francine, dahan-dahan niya nitong binuksan ang pinto.Nakita naman ni Regine sa Francine sa salamin.

"M-Ma'am?"

"Bakit?May kailangan ka?"tugon ni Regine sa dalaga

Nakanganga lang si Francine ngayon dahil sa nakikita niya"Nasa'n po si Ma'am Regine?"tanong nito,natawa si Regine sa sinabi ng dalaga.

"Bakit mo siya hinahanap e kung nasa harapan mo naman siya ngayon?"hinarap ni Regine ang dalaga

"B-ba't po masyado n-niyong ginandahan?low na po 'yung beauty ko dahil diyan sa beauty niyo,talo na po ako"napatadyak ang dalaga saka napakamot sa kanyang batok.

"Masyadong ginandahan?"takang tanong ni Regine"simple nga lang 'to e"

"Simple?pano'ng simple Ma'am?Simple po ba ang tawag diyan?Red Shoes,floral dress,white cloak,para ka pong nasa 1880's.Oh God,thank you for giving us this beautiful angel!"

"simple nga lang 'to,Chin."pagpupumilit ni Regine.

"Alam niyo Ma'am"tumabi siya kay Regine, Umiling naman si Regine"bagay rin sa'yo 'yung buhok na nasa 1880's,gusto niyo po ba 'yon?"

"alam mo ba kung pa'no?"

"opo naman po"

"Hindi ba 'ko mag mu-mukhang Manang?Forty na ako,Chin"

"Ay naku!Hindi po!"sabi ni Francine at pinaupo ang amo sa kama"Sigurado akong pagtitinginan ka ng mga tao do'n sa pupuntahan niyo dahil sa ganda niyo!Ako na po mag-aayos diyan sa buhok niyo ha?saka lipstick ka din po ng Red Ma'am,'wag 'yang light"at nag dagdag pa po siya ng iba.

Book I: Loving Regine (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon