EPILEAGUE part II
†•†•†
Nang dumating si Dr. Hills ay agad itong kinausap ni Soul sa home office nito. Habang ako ay nandito sa kuwarto at hindi malaman ang gagawin. Walang kasalanan ang bata sa kasalanan ni Howl. Hindi ko pwedeng hayaang basta na lang niya ipalaglag ito.
Pumasok si Spir ng kuwarto. Seryoso ang mukha niya. Spir and Soul had the same face expression when they're serious. Nakakatakot. Para kong tanga no? Natatakot sa ekspresiyon ng sarili kong apat na taong gulang na anak.
Nakagat ko ang kuko ko sa hinlalaki. I bet he already knew. Sa talino ba naman ng anak ko?
Lumapit siya sa akin at tumayo sa harap ko. "'Ma.."
Nangilid ang luha ko. "A-ano iyon?" Pilit akong ngumiti sa kaniya.
Bumaba ang tingin niya sa tiyan ko. "She's a girl, 'Ma."
Napatda ako. "Girl?"
Tumango si Spir. "Ramdam ko ang life force niya."
"Halika nga rito," garalgal ang tinig na saad ko at niyakap siya ng mahigpit. "Spir, mahal mo ba ang mama?"
"Oo naman, 'Ma. Gagawin ko lahat para sayo."
"Pwede bang humingi ng favor si mama?"
Tumango siyang muli.
"Please, tulungan mo akong kumbinsihin ang papa mo na huwag nang ipalaglag ang kapatid mo?"
Humiwalay siya sa akin. May bahid ng pagkadisgusto sa mukha. "Mama, nasisiraan ka na ba? Maski ako hindi matatanggap ang babaeng iyan!"
Saktong pumasok si Soul kasama si Dr. Hills. "Maka, huwag mo nang kumbinsihin si Spirit. Wala ka ring magagawa. Spir, lumabas ka muna."
Niyakag ni Dr. Hills si Spir na lumabas muna saglit.
Tumayo ako at umatras palayo. "Hinde! Ayoko! Walang kasalanan ang bata!"
Lumapit siya. Umatras ako. Lumapit siyang muli pero muli rin akong umatras. Hanggang sa tumama na ang likod ko sa pader katabi ang veranda. Iniharang niya ang mga braso sa magkabilang gilid ko.
"You know, I'm starting to think you want that thing because it's from Howl."
Kumunot ang noo ko. "Anong gusto mong palabasin? Na sinadya ko ang isang gabing iyon para magkaanak sa kakambal mo?"
Kumuyom ang mga kamay niya. Nagulat ako nang bumaon ang mga iyon sa pader.
Pero nagpakatatag ako. "Pinagsamantalahan ako ni Howl, oo. Pero walang kasalanan ang bata, Soul! And you won't be taking it away from me even if it means I have to get away from you!"
"Damn you!!!" singhal niya kaya lalo akong nagsumiksik sa dingding. "Ano? Ipagpapalit mo kami ni Spir sa walang kwentang batang iyan?!"
"Yeah, damn me. Pero hindi ko kayo ipagpapalit sa kaniya, ako ma'y hindi gustong umabot pa sa ilayo ko siya sa inyo ni Spir. Soul, wala siyang kasalanan!" pinakadiin-diinan ko ang mga huling kataga.
Hinawakan niya ang kanang balikat ko at idiniin sa pader. Ang isang kamay niya ay bumaon sa tiyan ko. Napadura ako ng dugo. "S-...Soul...?!" Napakapit ako sa mga braso niya. Naglumagisbis ang mga luha mula sa mga mata ko.
"Patawad. Pero hindi ko kayang tanggapin ang batang iyan," malamig niyang tugon.
Napuno ng galit ang isip at puso ko. Paano niyang nagawang saktan ako?
"M-masaya k-ka n-n-na ba-a? Sab-bihi-in m-mo nga... K-kapag ba-a... N-naw-wala-a ang b-bata, g-anoon p-p-pa r-rin ang... Tingin... K-ko... Sayo...?..." ang mga huling katagang binitiwan ko bago ako mawalan ng malay.
![](https://img.wattpad.com/cover/37216885-288-k879240.jpg)
BINABASA MO ANG
Monster (One-Shot) Series
VampirThe Story of Soul and Maka is now done. What would happen to their children? Would you like to take a look each of their stories in One-Shot? PS: Each update contains different story. ††† Monster, how should I feel? Creatures lie here Looking throu...