Chapter 1

68 1 0
                                    

Dear Medyas

Written by : AlvinLao

Genre: Drama,Fiction,Romance

  "I suddenly touched my heart and felt it started already to cracks. I guessed this is how it feels when the guy you loved doesn't love you back."

Umiiyak akong tumatakbo at hindi alam kung saan ako patungo.

Sa bawat hakbang ng mga paa ko ay patuloy pa ring pumapatak ang luha na galing sa mga mata ko.

Hindi ko mapigilan ito dahil sa labis na pagkahiya kanina.

Patuloy pa rin sa pagkabiyak ang puso ko na tila' sasabog na ito.

Hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa pinakamataas na bahagi ng school namin.

Nakarating na pala ako sa Rooftop.

Kung saan kitang kita at abot na abot ang langit.

Hindi ko nalang pinansin ang paglubog ng Araw at ang kagandahan nito.

Humakbang pa ako ng konti papunta sa dulo at isinigaw na.....

"Gusto ko nang mamatay!"   

I'm dying.... I want to die!

Pinagpatuloy ko lang ang paglabas ng matinding emosyon 

ko nanggagaling sa nabibiyak kong puso.

Tila' hindi na ako makahinga .

Tila' gusto ko nang mamatay.

Hindi pa rin ako tumitigil sa pagpahid nang luha ko na patuloy pa rin sa pag-agos.

"Maglasing ka muna." isang boses na ngayon ko lang narinig. Isang boses na hindi ko kilalang lalaki.

Inabot niya sa akin ang isang bote ng Cola Softdrinks.

"Maglasing? Softdrinks?" tinawanan lang niya ako.

Ano bang problema ng lalaking to? Nasisiraan na siguro ng ulo.

Wag ko na nga lang siyang pansinin at isipin. Hay! Panira ng moment!

Hindi parin nawawala ang sakit at hindi pa rin ako tumitigil sa pag-iyak at sa pagpahid ng mga luha ko.

"Malalampasan mo rin yan!" sabi niya sa akin, sabay ngiti nung tumingin ako sa kanya. 

Yung mga ngiti niya .............. <3

Ang mala-anghel niyang mukha.

Yung mga mata niya at ang matangos niyang ilong .

Maputi siya at itim ang buhok.

Tila' ngayon ko lang nakita ang ganito ka gwapong lalaki sa buong buhay ko!

Hay! Kapag naalala ko talaga ang pangyayaring 'yon.

Hindi ko talaga maiwasang ngumiti,kiligin at mainlove.

Hindi ko talaga makakalimutan ang araw na 'yon.

Ang lugar na kung saan nangyare 'yon, ang naramdaman ko sa panahong 'yon at siyempre ang taong pumawi sa lungkot ko nun.

                             

    Isang mainit na tanghali sa isang mainiting ulo ng guro namin.

Nakaka-antok talaga pag-tanghali kaya ako kahit mainit, matutulog parin ako! Patigasan ng ulo.

Dear MedyasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon