Simula

10 0 0
                                    

Christoffe's POV

Ang aming skwelahan ay puno ng asaran, bullies, bullied at kung ano-ano pa. At kami, nasa gitna. Minsan, kami ang bullies, at minsan rin, kami ang bullied. Kaming apat ang tinaguriang ABAKADA o Alphabet Squad dahil sa pangalan namin na parang ABCD talaga.

Elementary pa lang kami ay sikat na kami, hindi dahil nambubugbog kami o nananakit pero dahil sa—hindi sa pagmamayang, kami ang top sa klase. Kami ang laging kasali sa contest. Hindi lang kami maganda at gwapo, may utak rin.

Magkababata kaming apat hindi dahil magkapitbahay kami, kun'di mga chismosa ang nanay namin. Kahit malayo ay pumupunta si Mommy sa bahay ni Tita Arcella para maghatid ng balita. Kulang nalang ng mic at camera. Si Tita Arcella ang nanay ni Daffanie, ang tropang kong maarte pa sa maarte. She's also a crybaby.

Tapos no'n dinadala ni Mommy si Tita Arcella at Daff, the frog kina Tita Minerva, ang nanay ni Alejandro Vincent Montemayor, Alvin for short.

Kami ang magka-partner lagi sa larong basketball. Matapos maghatid ng balita kina Tita Minerva, pupunta na naman kami sa bahay ni Bethany, the super loud. Para siyang nakalunok ng microphone at speaker.

Partida, Van lagi ang sinasakyan namin kasi lagi akong kasama at pag a-adventure ni mama kasama ang kan'yang mga chinitang kaibigan.

"Jam," tawag sa akin ni Alvin. Nangunot agad ang noo ko, naiinis agad ako. Alam na alam ni Alvin na ayaw ko sa pangalan na 'yan. Sa dinami-rami ng pangalan, bakit Jam pa ang dinugtong? Mukha pa ang palaman? "Sorry agad, dre. Kanina ka pa tulala, e. Iniisip mo na naman crush mong sobrang maldita, noh?"

Inirapan ko siya, "I really hate it when you rolled your eyes. Aminin mo nga, bakla ka ba?" Sabi niya pa. "Yes, fafa. Pakiss nga." Pabiro kong sabi. Agad siyang nandiri sa akin. "P-tangina mong g-go ka, umalis ka sa harapan ko." Aniya na siyang ikinatawa ko ng malakas. Hindi siya nandidiri sa bakla pero pagdating sa akin, para siyang nasusuka.

Namana ko ang pag-irap kay mama. Hindi ko mapigilan ang pag-irap lalo na't naiinis ako. Kaya akala niya bakla ako. "Hindi ko iniisip ang crush ko, no—"

"So, inaamin mong may crush ka?" Tinakpan niya agad ng bunganga niya. Tingnan mo 'to, ako umiirap tapos siya naman, tinatakpan ang bunganga na parang babae. "Malamang, alangan naman wala, hindi ba?"

"Nga pala, Tope. Anong gagawin mo sa undas break?"

"Hindi ko pa alam. Ikaw ba?" Umakto siyang parang nag-iisip. "My mom is planning to go to somewhere? And I know that you know that I will not come with her. Maybe sa probinsiya muna ako." He said.

"Guys," may biglang sumigaw and we know who is it. The one and only frog of the group, Bethany. "Hoy, palaka. Bunganga mo'y palaging nakabukaka." Sabi ko kaya agad akong nakatanggap ng suntok. Wrestler din siya, oo.

"Teka! Asan si Daffy?" Tanong niya sa amin na para bang gumawa kami ng kasalanan sa kan'ya. "Bakit?"

"Anong 'bakit'? Hindi ba't magkaklase kayo?" Lumunok ako, hindi ko kasi siya napansin kanina, e. Nakakatakot pa naman si Bethany 'pag galit. Kukurutin niya ang tenga mo sabay taas.

"I'm here, Bobita."

"Wew, heyeng heye nemen eke seye." Ani Bethany na nagpatawa sa amin. Bethany is wrestler, referee, the announcer, and of course, the frog of our group. "So, ayon nga. May chismis ako. May bali-balita kahapon na may nagpakamatay na lalaki sa building diyan sa malapit. Tumalon daw ito mula sa ika-walong palapag."

"And?"

"My mom work there, no'ng isang araw lang siya nagsimula and she told me that she found something suspicious. She heard yesterday that something is breaking inside before the insident but when they enter the room. Wala man lang nabasag na gamit except sa bintana." Dagdag pa ni Bethany with her serious face. Kaya ako nagkakagusto, e. Pero hindi ko pinapahalata dahil mahirap na, baka lumayo nalang bigla. May crush pa naman siya sa President nila sa room.

"So, you think someone push him?"

"Exactly." Aniya. "Pupuntahan ba natin mamaya?" Ani Daffy. "Yes, but with the help of my mom."

×××

Gabi na at nag-aabang na kami nina Alvin at Daffy kay Beth, she's inside the company with her mom. Honestly, we're afraid, takot kami na baka may mangyari sa kanila. Hindi kami pumasok para magbantay sa labas. Kaibigan naman ng mama ni Beth and body guard kaya mabilis silang nakapasok. Tama ang hinala ni Beth kanina, someone did pushed that man. At ayon sa autopsy, may mga sugat pa sa likod at sinaksak ito sa tagiliran dahil may nakasabit pang bubog.

Si Beth ay isang hacker, dinaig pa ako. I'm sure mahahanap niya agad ang pumasok sa lalaki gamit ang computer niya. While waiting for them, I saw something behind the tree. Parang batang nakasilip. Pinuntahan ko agad iyon, pero pagtingin ko ay wala na. Weird.

Nakita kong palabas na sina Beth at Tita. Nakita kong ngumiti sa sila sa guard. Agad namin silang sinalubong. "Anong ang nakita niyo?" Bungad si Daffany. "Babae ang killer. Nahuli siya ng surveillance camera. Parang nagta-trabaho siya rito dahil alam niya ang pasikot-sikot dito, pero hindi niya pinapakita ang mukha." Ani Tita.

"Also, I checked the CCTV camera inside the room, kung saan naganap ang pagkahulog ng lalaki. Pinatay niya muna ang camera, she's indeed a killer because of what she's doing. Parang sanay na sanay siya. Pumasok rin ako sa loob. May nakita akong pabango it smells like Petunias. It resembles anger and hatred." Ang galing niya talaga! That's my girl.

"I think, the killer is somewhat related to the victim." Ani Alvin, I immediately agreed.

"I have a suspect, pero nagdadalawang isip ako kung makakaya niya bang gawin iyon." Ani Beth. Nangunot ang noo ko. "What is it, Beth?" Tanong ko sa kanya. She looked at me. "I think, the killer is the wife of the victim. Nag check rin kasi ako sa mga info ng mga empleyado at sa totoo lang, isang mag-asawa lang ang nagta-trabaho dito. The victim and his wife." Mahabang litanya ni Beth.

"Bakit naman gagawin ng asawa niya 'yon sa kan'ya?" Tanong ni Alvin. "Maybe, he cheated. Based on the perfume." I said. Lumapit ako kay Manong Guwardya, sumama sa akin si Tita at Alvin. Ipinakita ko sa kan'ya ang isang libo. "Manong, may napansin ba kayo sa taong namatay kahapon? Palagi ba silang sweet ng asawa niya?"

"Hay nako, hijo. Palagi ngang magka-away ang dalawang iyon, e. Nadadamay ang anak nila." Aniya. "May sekreto ba kayong alam sa dalawa?" Dalawang libo na ang ipinakita ko. "Oo, may kabit ang babae. At ang lalaki naman ay may anak pala sa labas. Ang anak nilang si Anna ang naiipit. Labing anim na taong gulang pa lamang siya, pero nasaksihan na niya ang mga magulang niya na laging gano'n." Napasinghap ako sa narinig. "Alam niyo po ba ang adress nila?" Tanong ni Alvin habang si Tita naman ay mukhang malalim ang iniisip

Two thousand five hundred na ang ipinakita ko. "Oo, magkapitbahay kami, e." Ngumiti ako sa kan'ya. 

"Salamat, Manong. Isulat niyo po ang address, pupuntahan po namin." Ani Tita. "Ano ba kayo?" He asked while looking at us. "Mga nagmamalasakit sa taong namatay kahapon." I said with a smile.

"Puntahan natin ang address natin 'to bukas." Sabi ko pagkatapos ibigay ni Manong ang papel.

ABAKADA Where stories live. Discover now