1

4 1 0
                                    

warning: harassment.

•••

Bethany's POV

Nagbasa ako tungkol sa mga bagay-bagay tulad ng kidnapping. I'm interested kasi, e. Okay, conyo ko na naman. May pumikit sa noo ko. Sinamaan ko agad ito ng tingin. It's Pres, president namin sa room at crush na crush ko. He's handsome, genius, and somewhat rich, wait! He's rich, man.

"Kailangan niyo, Pres?" Tanong ko habang nagbabasa. "I saw you with your friends yesterday inside the building. Alam niyo bang delikado doon?" Napangiti ako sa tanong niya. So, he cares, huh?!

"Nag-aalala ka sa amin, Pres?"

"Of course no. Nag-aalala ako sa school. You're wearing your uniform at pumasok ka pa talaga sa lugar ng pinagyarihan? Hayaan niyo nalang na ang mga pulis na mag-imbestiga." Nagtaka agad ako at tumingin sa kanya.

"Paano mo nalamang pumasok ako loob at nag-imbestiga?"

Nagulat siya sa tanong ko. Tinaasan ko siya ng kilay. "That's my grandparents' company." He said. "And?"

"I saw you with your mom entering the building and then you hacked the system to see what happened."

"I don't know what happened because the killer turned off the CCTV before killing the victim."

He smirked, "Do you really think that the one who's dead is the victim?"

Tinaasan ko siya ng kilay.

"And why not?" Sumipol siya. "Alam kong nakakita ka ng babae, but she's not the killer. That's my bodyguard. She's also investigating. You did looked at the time, didn't you?" Umiling ako. F-ck, nag-aalala kasi ako dahil baka nasa paligid ang killer.

"Well, let me help you and after that, you also need to help me too." Nagdalawang isip pa ako bago tumango.

———

Kinausap ko sina Alvin, Chris at Daffy. I told them that Kevin will help us. Alam kong may masamang binabalak si Kevin pero hindi namin hahayaang mangyari 'yon. At first, the two boys didn't agree but Daffy convince them.

Ngayon ay nasa bahay kami ng biktima. May nakaburol pero nagulat ako dahil dalawa ito. Diba't isa lang ang namatay? Pumasok ako sa loob at tiningnan kung sino ang isa at nagulat ako dahil asawa ito ng namatay. Bakit? Naguguluhan ako.

Nagtanong-tanong muna kami. "Matapos ang insidente, natagpuan ring patay ang kaniyang asawa sa tabi ng ilog. Sinaksak rin ang tagiliran nito." Ani nang babaeng may katandaan na. "Asan na ang anak nila?" Tanong ni Kevin sa matanda.

"Hindi na rin namin alam. Dahil matapos ang nangyari, hindi na rin ito nagpakita." Sagot niya sa binata.

———

Matapos namin dumalaw ay nag-usap kami sa ilalim ng puno ng Acasia malapit sa school. "May naalala ako, mayroon akong nakitang batang babae sa likod ng puno no'ng nag investigate kami. She looked scared." Ani ko. 

"Namukhaan mo ba?" Tanong ni Kevin. Umiling ako. "Mang hingi kaya tayo ng litrato ng anak ng mga natamay tapos hanapin natin. Maybe she's suffering right now," ani ko. "Or maybe she's the one who killed her parents." Sabat ni Tope. "Bakit mo naman nasabi?" Tanong ni Alvin.


"Sabi ni Manong Guwardya kahapon, palaging nag-aaway ang mag-asawa at siya lagi ang naiipit, siguro ay siya ang pumatay dahil nahihirapan na siya." Paliwanag na. Tumango naman ako, may punto siya.

Pumunta muna kami sa pamilya ng namatay at nanghingi ng litrato ng bata. She's a beautiful girl with a beautiful smile pero alam kong sa likod ng ngiting 'yon ay may luhang gusto ng lumabas.

Una naming pinuntahan ay ang lugar kung saan namatay ang Ina ni Anna at nagulat kami sa nakita. Anna is standing there, watching the river and thinking deeply. Sinenyasan kong ako nalang ang lalapit sa bata. Kinuha ko aking hikaw na may strawberry na design.

Lumapit ako sa kanya, nagulat siya at para hindi siya tumakbo ay nginitian ko siya ng matamis.

"Bata, pwedeng makipagkaibigan?"

She's sixteen and I'm eighteen so, nothing's wrong with calling her a kid. "Pwede mong galawin ang hikaw na ito kung yes at 'wag mong galawin kung no, okay ba?"

Ginalaw niya ang hikaw ko kaya napangiti ako. "Pwede kitang maging kaibigan?" Ginalaw niya ulit. Unti-unti ko ng nakukuha ang loob niya. Siguro ay na-trauma siya sa nangyari sa mama at papa niya. Sineyasan ko na mag-antay sa kotse, tumango ang iba habang si Tope naman ay nagpa-iwan. Mukhang kinakabahan siya.

Umupo kami sa damuhan malapit sa ilog. Binalewala ko muna si Tope at nag focus kay Anna. "Ano ang ginagawa mo dito sa ilog?" Tanong ko sa kan'ya. "Para mag-isip." Lumingon ako sa kan'ya. "Nabalitaan ko ang nangyari sa magulang mo, condolences." Ani ko. 

"Alam mo ba? Ako ang gumawa no'n sa kanilang dalawa," nanlamig ako sa sinabi niya. "My father tried to rape me again that time, kaya kumuha ako ng gunting para tusukin siya sa tagiliran. Honestly, he raped me so many times. It hurts, Ate Beth. Palagi silang nag-aaway sa harap ko, at para pakalmahin si papa, ginagamit ako ni mama, hinuhubaran sa harap nila. Anak nila ako, Ate Beth pero bakit gano'n?" Naiiyak niyang saad.

Gusto ko ring umiyak, pero pinigilan ko. She paused to wipe her tears before continuing, "My dad turned off the CCTV before doing something to me, pero inunahan ko siya. Kinuha ko ang gunting at itinusok sa tagiliran niya, tapos binasag ko ang dingding na salamin at inihulog siya doon para sabihing nagpakamatay siya dahil sa problema pero ang totoo pinatay ko siya at inihulog." Pumalpak pa siya pagkatapos niyang sabihin iyon.

"Pagkagabi, sasaktan sana ako ni mama kaya tumakbo ako papunta rito, naalala kong may gunting pala akong dala kaya't tinusok ko rin siya at ini-umpog ang ulo sa bato." Dagdag niya at medyo natawa pa. "Mabait naman akong anak, pero bakit nila iyon ginawa sa akin? Ang sarap nilang makitang nasasaktan, Ate Beth. Sobrang sarap sa pakiramdam." Aniya at tumayo.

Tumayo na rin ako at parehas kaming nagulat dahil may pulis at doktor na nasa harap namin. "Anna, sumama ka muna sa mga pulis, nahihilo na kasi si Ate Beth mo dahil buntis siya." Ani Tope na nasa likod ko ngayon at hawak ang kamay kong nanlalamig.

"Ate Beth, 'wag mong gawin sa anak mo ang ginawa sa akin ng magulang ko ha! Kasi 'pag ginawa mo 'yon sa kan'ya, ako mismo magtuturo sa kan'yang pumatay. Love lots," sabay flying kiss. Ngumiti lang ako ng peke sa kan'ya. Nabaliw siya dahil sa magulang niyang walang puso.

Pagtalikod niya ay napaluhod ako. "P-Paano nakapun—" pinutol ni Tope ang sasabihin ko. "Nilagyan ko ng earphone ang bulsa ng hoodie mo, e. Narinig namin lahat, Beth." Napaiyak ako. "She killed her parents," nanginginig na saad ko. "To protect herself, Beth. She did that to protect herself." Ani Kevin na ngayon ay tinatapik ang balikat ko.

Kung nasa tamang wisyo lang ako ay kikiligin na ako, pero hindi. Her parents are crazy and that made their daughter became crazy too."

__________________________________

Reminder, this story is made by my mind and it's all just fictional. (Oh, wrong grahams 'yan, ha.)

ABAKADA Where stories live. Discover now