1

562 18 0
                                    

Third person's PoV

"Ikaw?!" Yan ang unang unang nasambit ni Yuri. Matapos niyang makita sa Dubai ang ex niya. Ex bestfriend.

"What are you doing here?!" Maarteng sambit ni Bryan. THE ex best friend.

"Bakit?! Ikaw ba may-ari ng building?!"

"Oo!" Singhal ni Bryan dito

"Ano?!"

"I'm the CEO here excuse me??"

"Di na lang ako mag-aapply!" Sigaw nito storming out of Bryan's office.

"Bwisit!!" Sambit ni Yuri sa sarili after seeing her ex best friend, "ang ganda ganda ng Dubai tapos may chakang bakla! Hmp!"

Tila ba nag-iinit ang ulo niya sa pag-alala pa lang sa nangyari sa kanila 10 years ago. 

10 years ago

"Okay guys! For today's video- hoy! Ano ba yan ba't dyan pa kayo sa likod ko?! Kita niyong nagvvlog yung tao eh!" sambit ni Jiro, isang famous streamer. Isa din sa tatlo na magkakasama sa apartment

"Eh bakit ba? May tsismis ako!" Singhal naman ni Cathy na nakikipag-usap kay Ate Anji na siyang may-ari ng apartment na nirerentahan nila. Dinadaan niya ito sa tsismis para makalimutan ang pagsingil sa utang nilang tatlo dito.

"Yuri!!" Pagtawag pa ni Cath dito

"Yuri! Oy tomboy malelate ka na!"

"Alam ko! Aga aga puro ka talak Cath!" Iritang sambit ni Yuri paglabas ng kwarto habang tinutuyo ang buhok. Isang tomboy na hirap makahanap ng trabaho.

"Good morning Philippines and earth! Oh mga panget hallo hallo hallo!" Bungad na bati naman ni Bryan. Ang baklang best friend ni Yuri.

"Hay nako di tayo matatahimik for today's video!" Angal pa ni Jiro bago niligpit ang gamit at nagtago sa kwarto

"Hoy chubilita aga aga puro ka vlog. Exercise ka din minsan! Icontent mo para may purpose!"

"Pake mo! Tch"

"Baks yaan mo na si Jiro tara na!"

"Ganyan talaga getup mo tomtom???" Tomtom bilang palayaw sa tomboy

"Oo? Bakit?"

"Tomtom maghahanap ka work di ka manggagaling construction!"

"Huh?" Takang sambit ni Yuri pero tila ba diring diri si Bryan na hinawakan ang damit niya na hindi nga naman masyadong kaaya aya tingnan para sa isang aplikante. Bukod sa medyo dumilim na pagkaputi ng polo nito, sobrang luwag ng damit na hindi pa nakatuckin sa pantalon at wala man lang siyang blazer o pang ibabaw dito sa mga ito

"You go back to your room and you!" Sambit ni Bryan sabay turo kay Cath, "pahiram ng clothes mo bago ka chumismis dyarn!"

"Hoy! Ayoko!"

"Shush! You want work? Shut up"

Nagsimula ang pagkakaibigan ng dalawa nang ipagtanggol ni Yuri si Bryan sa mga kaklase nila noong elementary na nambubully sa pagiging bakla nito. Siga siya sa eskwelahan na yon kaya kahit na hindi siya yung klase ng babae na madalas mong nakakasalamuha, alam nilang hindi dapat siya minamaliit dahil nga hindi siya nagdadalawang isip na manuntok, mapalalaki man yon o babae.

They've grown to be close to each other and some people may find it odd na bakla at tomboy silang dalawa, pero wala silang pakialam as long as they know each other's story and side with each other if they know it's right.

Tumanda sila sa paligid na tatlong tao lang ang totoong nakakita ng kagandahan ng pagkatao nila. At yun sina Cath, Jiro at ate Anji.

Madalas man silang mag-asaran at magkasingilan ng utang, alam nila sa sarili nila na masaya sila na silang tatlo ang nakakasama nilang dalawa sa araw araw.

"Ayarn tomtom mygosh you look alive!" Sambit ni Bryan when she finally went out of the restroom with a proper attire

"Come here I'll fix your hair you witch"

"Di naman ako mapakali sa damit na to baks"

"Tomtom slacks na nga yan, tapos long sleeve din. Medyo fitted lang para naman magmukha kang aplikante"

"Yun na nga ang sikip ehh!" Sambit ni Yuri about to remove one button pero hinampas ni Bryan ang kamay nito

"Aray! Tsk!"

"Umayos ka tch"

"Oo na oo na! Makahampas naman to"

"Oh siya siya lezzgo sagow"

Sabihin na nating... inseparable ang dalawa. Mag-apply si Yuri, kasama niya si Bryan, may meeting pangmayaman si Bryan, si Yuri ang "date" niya. Kahit boyfriend ni Bryan na si Will kilala si Yuri and because hindi naman sila makapag-out sa pamilya ni Bryan, he basically lets her be with him. At si Yuri ang nagiging mata ng dalawa to have their alone time. Everything was good. Okay. But then every friendship still faces some challenges at yun na nga ang nangyari kina Yuri.

After one of the parties the they attended, medyo napadami ang inom ng dalawa. Pag-akyat nila sa hotel room, Bryan hallucinated that Yuri was his boyfriend and he kissed her. Yuri was shocked at first but the drunk her, gave in to the kisses he gave her hanggang sa mahantong na nga sa pagtatalik nilang dalawa ang gabing yon.

Nagising na lang si Yuri nung sumunod na araw na sumisigaw si Bryan.

"W-will! Oh my gosh! What happened?!"

"H-ha?" Tugon ni Yuri na masakit ang ulo

"I can't believe you did this to me, Bryan. We're done! We're so fcking done!" Sigaw ni Will as he stares at the naked bodies of his boyfriend and his boyfriend's best friend

"W-wait Will! Let me explain! This is not what you think Will! Please!"

"Ano bang nangyayari?!" Iritang sambit ni Yuri habang umupo na nakapikit pa rin

"Will!!" Tarantang paghabol ni Bryan sa boyfriend pero hindi siya nakalabas agad dahil nga wala pa siyang suot na damit

"Bakit ba?!" Sambit ni Yuri finally opening her eyes pero natulala siya nang maramdaman niya ang sariling walang saplot sa ilalim ng kumot

"AAAAHHHH!!!"

Hindi na pinansin ni Bryan ang sigaw ni Yuri and he instead followed his boyfriend but unluckily, Will has already left. Bumalik ngayon si Bryan sa kwarto nila and he angrily stood in front of the bed where Yuri was left, stunned at whatever was happening.

"You bitch what did you do to me?!"

"H-ha?"

"Anong ginawa mo?! Ha?!"

"Wala!!"

"Wala?! We're both fcking naked?! Wala?!"

"Wala nga!! Kung meron man wala akong maalala!" Sambit ni Yuri about to stand up pero napaupo lang ulit siya when she felt her core sore.

"A-aray!"

"What?!"

"A-ang sakit!"

"What the fck?! Are you serious?! Eww! Eww!! Oh my god!!" Diring diring sambit ni Bryan concluding what they did.

"Pwede ba?! Tulungan mo na lang ako tumayo!"

"No!"

"Ano?!"

"Don't you ever show your face to me!"

"Ano?!"

"This is a mistake! A fcking mistake! I need to go to Will!"

"H-hoy pano ko!"

"Wala akong pakialam sayo! You better disappear from my life!! This night never happened! Ever!" Sigaw pa ni Bryan leaving Yuri.

Tila ba sinaksak si Yuri sa mga narinig niya sa kaibigan. She was also lost pero tila ba... nasaktan siya na... hindi man lang nagkaroon ng importansya pagkakaibigan nila that he was able to throw her away that easily. 

Love SwitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon