18

337 15 0
                                    

Bryan's PoV

"Hi baby!!" Masiglang bati ni Yuri na timawagan agad si Felix pagdating namin ng hotel

"Mama!!"

"How are you? Hm?"

"Okay naman po mama. Di pa po ako tinatawagan ni papa"

"Baby I'm here. Sorry kakauwi lang namin ni mommy" sambit ko finding my way behind Yuri bago ko sinandal ang ulo ko sa balikat niya

"Papa! Magkasama po kayo ni mama? Okay na po kayo??"

"Well... yeah. Your mama caught up with me in the airport kaya kasama ko siya here"

"Really po? So happy happy na tayo po??"

"Baby naman naging sad ba tayo?"

"Ako po opo. Kasi lagi ko kayo hiwalay nakakacall"

"Aww sorry baby. Don't worry hindi na yun mauulit" sambit ko na lang sa bata, "di ba ma?" Sambit ko kay Yuri turning my face on her neck so bale parang konti na lang lalapat na lips ko sa neck niya

Tinapik na lang niya ulo ko bago nagsalita, "oo na. Sorry nak, ah? Madami pa kasi kami inayos between us kaya hindi kami magkasama lagi magcall sayo, pero ngayon promise okay na kami ni papa mo"

"Yehey!!" Masiglang sambit ng anak namin

"Felix? Nak?"

"Papa?"

"Ano gift gusto mo sa birthday mo?"

"Papa wala na po, dami niyo na po pinadalang toys ehh"

"Really? Kahit hindi toys, what do you want? Hm?"

"Hindi po pwede papa eh"

"Bakit?"

"Ehh... papa gusto ko lang naman talaga lagi sa birthday ko po yung complete family tayo. Okay na po ako ngayon kasi at least nakilala kita papa. I love you po"

Those statements came from a nine year old kid and it freakin' touched my heart

"Anak pinapaiyak mo papa mo, haha" sambit niya kasi nung nilingon niya ko naluha na pala ko sa sinabi nung anak ko

"Papa don't cry!!"

"I'm sorry baby ah? Sorry talaga wala si papa sa past birthdays mo..."

"Basta papa from now on hindi ka na mawawala ah? Promise?"

Ngumiti ako sabay iling.

"Never in my life will I leave the both of you again. Promise"

Yuri's PoV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Yuri's PoV

"Ma?"

"Oh?"

"Ma, saken ka na lang kaya magwork?"

"Ehh?!"

"OA makareact ma? Ehh naisip ko lang naman, ako yung jowaers mo, tapos di ka saken nagwwork. Lagi pa rin kita pupuntahan sa work mo kahit rival namin yung tinrabahuhan mo."

"So?"

"Duh baka isipin nung may-ari interesado pa ko sa merge. Nah ah"

"Ehh nakakhiya naman kung dun ako magjajanitor"

"Hekskyusme ma! What janitor?!"

"Makasigaw ka! Eh janitor ako dun eh"

"Mag-assistant ka saken ma. What janitor myghad my head"

"Assistant?! May assistant ka na di ba?"

"Bakit bawal dalawa?"

"Baka isipin nun inaagawan ko siya trabaho oy wag na"

"Eeehhh" sambit ni Bryan na may pagpadyak pa

"Ano?"

"Maaaa"

"Ano ba?? Hahaha" sambit ko kasi parang nagliligalig na bata

"Ma dali naaaa."

"Bry... wala ako alam sa pag-aassistant jusko"

"Tuturuan ka nung isa! Dali naaaa"

"Bry..."

"Please.... Puhlease??? Pretty puhlease???"

Love SwitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon