17

242 11 0
                                    

Yuri's PoV

"May sasabihin ka pa ba? I better get going kung wala na" sambit niya pero hinawakan ko na siya sa braso this time

"Yuri... come on bakit ka ba umiiyak? Goodness" sambit niya holding my face up wiping my tears

"S-sorry... I'm sorry..."

"Ilang beses ko ba sasabihin sayo wala ka naman kasalanan saken. That's your defense mechanism from what I did. And I totally understand that. Ano ba? Stop crying..." sambit niya this time hugging me and all I was able to do is hold him tight saying

"'Wag ka mapapagod saken... please..."

"You silly girl tsk. Ikaw nga hindi ka sumuko ng ten years ano karapatan ko mapagod?"

Bryan's PoV

"You know what this won't do" sambit ko sa kanya pulling her inside the airport

"H-ha? Hoy teka! B-bakit?!"

"Sasama ka saken sa Singapore. Let's go" sambit ko pulling her again

"H-hoy teka lang wala akong pera!"

"It's on me!"

"May trabaho pa ko!"

"Tatawagan ko boss mo. Let's go"

"T-teka lang!"

"Do you want to be with me or no?"

"H-ha?!"

"Yes or no Yuri"

"B-bakla ka ba talaga bat ganyan ka matanong?!"

"Aalis ka kasama ko o isang buwan tayo di mag-uusap? Ano pili?"

"W-wag naman!"

"Then let's go" sambit ko fixing her flight tickets with me. Buti na lang dala dala niya passport niya.

Yuri's PoV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Yuri's PoV

"Okay so, what else can you offer for our company? If this is everything, I don't see the need for our company's investment" seryosong sambit ni Bryan...

He's... he's so manly when he talks like this. Nakakawala ng angas.

Hindi ko namalayan nakatitig na pala ako sa kanya habang andito ako sa gilid ng conference room na pinagmemeetingan nila. He literally pulled me in here kahit naka hoodie at maong lang ako.

Ayoko sanang pumasok pero mas ayokong maiwang mag-isa sa labas habang pinagtitinginan ng mga tao.

Bumalik lang ako sa ulirat when he smiled at me. Any girl who doesn't know his real identity will think so manly of him.

Napaiwas ako ng tingin at nagkunwaring magcellphone sa hiya ko. Nagpatuloy ang diskusyon nila sa mga bagay na hindi ko maintindihan tapos namalayan ko na lang na nagtayuan na sila sa mga upuan nila.

Lumapit naman agad si Bryan saken.

"Tapos na?"

"Well... for today, yes. Let's go?"

"San?"

"Sa hotel. Do you want to roam somewhere?"

"Wala ako alam dito"

"Don't worry we'll go around the day after tomorrow. Pero sa ngayon uwi muna tayo sa hotel"

"Okay..." sambit ko na tila ba maamong pusa kay Bryan.

Paglabas namin ng conference room, kita kong pinagtitinginan siya ng mga babae kaya aalisin ko na sana yung kamay ko na hawak niya.

Nakakahiya kasi gupit lalaki ako na nakahoodie at pants, ni hindi ako nakapagrubbershoes pagmamadali ko paghabol kay Bryan.

"What's wrong?"

"Pinagtitinginan ka ng mga tao... maglakad ka na lang. Sunod lang ako"

"Oh fck them. If you're saying about the girls, gurl I don't see them pretty, maganda pa ko sa mga yan" sambit niya na nagpatawa ng mahina saken

"Tomtom, bihis lalaki lang ako sa pormal pero sa lalaki pa rin ako malambot"

"Bwisit ka" sambit kong natatawa sa binulong niya sa tenga ko

"Baka nga ikaw nagtitingin ng magaganda dyan masabunutan ko pa sila hmp"

"Tara na nga! Bwisit haha"

Hinayaan ko na lang na hawakan niya kamay ko pagkatapos nun. I know in myself bago ko pa nakilala si Bryan that I prefer girls more than guys... ang hindi ko nga lang naisip, na pwede palang magkaexception. At si Bryan yung taong yun.

He doesn't question my personality but he instead makes me want to be proud of who I am.

"Whatchu thinking?" Sambit niya sabay sandal ng ulo sa balikat ko

"Wala..." sambit ko sabay ngiti

"Weh?"

"Tch. Tsismoso"

"Sa'yo lang naman!"

"Wala nga kasi... naiisip ko lang... how we ended up... like this"

"Like what?"

"Ganito... na... magkakagusto tayo sa isa't isa..."

"Why? Questionable ba yun?"

"Oo. Syempre. Ikaw preference mo lalaki... ako babae... tapos sa isa't isa tayo bumagsak"

"And I like it better!" Sambit niya sitting up straight na may mataray na mukha

"Talaga ba?? Eh minahal mo nga si Will, psh"

"Ehh... aminado man akez don... this... this thing between us... after all that happened... it feels different"

"Talaga?"

"Mmhm. You gave me that sense of... responsibility... na... na mas ginusto ko kayo unahin ng anak ko kesa sa sarili ko. Parang ganorn ba"

"Talaga?"

"Yep"

"Sorry ulit Bry ah?" Sambit ko sincerely looking at him

"Don't start with me, ma. Wala ka kasalanan saken. Okeh? Ilang beses ko ba uulitin yun?"

"But still... nag-eeffort ka naman pero... nagmatigas ako"

"Like what you should've done. Dapat lang nagmatigas ka. Kasi ibig sabihin nun, you're testing me... kung sumuko ako agad, don't even bother forgiving me, ma"

"Ma?"

"Yeah?"

"Bakit ma?"

"You're Felix mama. And you my wife. Este husband. Basta ganorn"

"Wife agad? Haha"

"Bakit ayaw mo tayo endgame???" Taas kilay na sambit niya

"Syempre gusto, haha" sambit ko na lang. Natawa na lang din ako sa inasta niya na tila ba kinukwestyon pa na hindi ako sigurado sa kanya

Love SwitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon