-=:Callan's POV:=-
"Grace, hello. ^____^" -nakangiti kong bati sa kanya.
"Hello CG. Bakit iba porma mo ngayon? May date ka ba? Gusto mo ba umuwi na ako?"
"Ah, eh... H-hindi, dito ka lang. M-may sasabihin ako sa'yo." -nauutal kong sabi sa kanya.
Kinakabahan ako, ang lakas ng tibok ng puso ko. Parang lalabas na siya sa dibdib ko. Inhale, exhale... Okey, kaya ko 'to. Sasabahin ko na.
"Grace?" -ako.
"Hmm?" -siya.
"Pe-pwe-pwede ba...." -ako.
"CG, ayusin mo. Batukan kita mamaya diyan." -siya.
"Pwedeshbakitshmaggorlfrnsh." -sa sobrang kaba ko, nabilisan ko ang pagsalita ko kaya siguro hindi niya maintindihan.
"Hah? Ang bilis mo magsalita, ano ulit 'yun?"-nagtataka niyang tanong sa akin. Aish. Pagong naman tong babaeng to.
"Sabi ko, pwede ba kitang maging GIRLFRIEND?" -diniinan at nilinaw ko talaga ang pagbigkas, lalo na ang word na girlfriend.
"Haha. Yun lang pala, oo naman. Pwedeng-pwede, crush rin naman kita eh." - binulong lang niya yung pagsabi ng 'crush rin naman kita eh', akala niya hindi ko narinig. ^___^
"Ta-talaga? Tayo na? Tska crush m-mo rin ako?" -hindi talaga ako makapaniwala, akala ko wala akong pag-asa sa kanya. Ang saya-saya ko.
"Na-narinig mo?" -nahihiya niyang sabi habang nakayuko. Haha. Ang cute talaga.
"Oo naman, ang lakas kaya ng pagkakasabi mo. Haha" -ako.
"Tsss. Gusto mo bawiin ko nalang? Haha" -siya.
"Huwa-huwag! Ang saya ko, napakasaya. Thank you Grace." at niyakap ko siya kahit ang daming tao.
Grade 6 kami ng taon na yun, tatlong buwan na kami. Nahahalata ko na mahal niya din ako. Wala akong pakialam kung sabihin ng iba na ang bata-bata pa namin para dito at puppy love lang ito, basta ang importante mahal ko siya.
Si Britzie? Ayun, kinukulit parin ako. Pero sinasabi ko sa kanya na may girlfriend na ako. Ayaw niyang maniwala. At isang araw, pag-uwi ko sa bahay galing school nadatnan ko si daddy at mommy sa living room. Parang galit sila? Anong kayang nangyari.
"Hello dad, hi mom." -masaya kong bati sa kanila pari kunyari mabawas ang awkward atmosphere sa bahay. Pero parang hindi sila tinablan, mas lumalala pa nga.
"Callan, sit down. We have some things to discuss." -kalmadong sabi ni mommy pero mahahalata mo sa mata niya na galit siya.
"Okey, mom." -tugon ko at umupo na ako.
"What is wrong with you anak? Palaging pumupunta dito si Britzie na mugto ang mata, pinapaiyak mo daw." -si mommy parin.
Aiiish! Sabi ko na nga ba, palagi siyang nagsusumbong kina mommy at daddy. Tsss. HIndi muna ako nagsalita.
Ngayon nagsalita na si daddy, "At ano yung sinabi niya sa amin na may grilfriend ka na daw? Sino yang babae na yan? Diba sa bi namin sa'yo na si Britzie ang gusto namin para sa'yo anak? Siya dapat ang maging girlfriend at fiancee mo."
"Dad, hindi ko siya gusto!" -galit kong sagot kay daddy.
"Magugustuhan mo rin siya." -sabi naman ni mommy.