*Sa sasakyan*
“Czian, ilang taon kna?” –yung babae.
“17.” –ako.
“Ah. Ako din 17 na.” –siya.
“Ah.”
“Diba magtatransfer ka na dito? Anong course kukunin mo?”
“Paki mo?”
“Nagtatanong lang naman. Hmmmp. So ano nga?”
“Ewan.”
“Hindi mo alam? Paano yun? Diba matalino ka?”
“Ano connect?”
“Siyempre kung matalino ka, marunong kang magdecide sa mga bagay-bagay. *sabay taas-noo*”
“Ganun?”
“Oo, ganun yun. Hehehe.”
“Ah.”
At sa wakas, tumahimik na rin siya. Tssss. Ang kulit ng lahi nito. Dapat dito, tapatin ko na eh. Na wala siyang pag-asa sa akin. Oo, ganun nga. Kawawa naman ako. Ayokong mabahiran ng lahing pinay ang libro ng buhay pag-ibig ko. *light bulb* Sige, mamaya. *evil laugh* tapos *evil grin*
[MEANWHILE….ulit. xD]
*Q-Zone Bowling Center*
-=:Khamille’s POV:=-
“Kuya, ang tagal naman ni Kuya Callan? Darating pa ba yun?”
“Hintayin nalang natin. Baka parating na yun.”
“Okey. ^u^”
Hello there. I’m Kamille Anne Clamar. 4th year high school na ako. One year lang ang agwat ko kay Kuya Khen. Sa Alyloony University din ako nag-aaral. Sa High School Department. Sumasali ako sa cheering squad ng school, president din ako ng senior council. At hindi naman sa ipinagmamayabang ko, 1st honor ako since preschool. Hehehe. *shy face*
So, ito nga. Nandito na kami sa Q-zone, mga isang oras na. Pero hindi parin dumadating si Kuya Callan.
Ng biglang nagring ang cellphone ni kuya. Mukhang may tumatawag.
“Hello, pare. Nasaan kana?”…. “Nandito sa park.”…. “Ha? Anong ginagawa mo diyan? Hindi ka na ba pupunta dito?”…. “May tinitingnan lang. Hindi na ko pupunta diyan. Enjoy nalang kayo. Sige, I’ll hang up. Bye.”…. “Wai-----.”
Call ended.
Huh? At sino naman kaya ang tinitingan ng lalaking yun sa park? Hmmm. Bahala nga siya diyan.
-=::=- -=::=- -=::=- -=::=- -=::=- -=::=- -=::=- -=::=- -=::=- -=::=- -=::=- -=::=- -=::=-
Trip ko lang naman lagyan ng part2 [na maikli]. Haha. Walang basagan ng trip. :P