*Callan’s Bahay*
-=:Khen’s POV:=-
“Pre, pakikuha naman ng eye glass ko sa drawer. Yung itim, yung bagong bili.” –sigaw ni Callan.
Nandito ako ngayon sa bahay ni Callan. Sabado ngayon, at syempre walang pasok. Wala din kaming NSTP, hindi uso sa school namin yan. Haha. Kasi may subject talaga kami para sa mga outreach program.
Pupunta kaming Q-Zone ngayon para maglaro ng bowling. Hobby kasi namin ang pagbobowling dati sa States.
Hinanap ko na sa drawer ni Callan yung eye glass niya or in short “Nerdy glass” niya. Haha. May pa-eyeglass eyeglass pa siyang nalalaman ha.
“Oh, pre. Nerdy glasses mo. Hahahaha” –natatawa kong sabi habang inaabot ko sa kanya ang eyeglass niya.
“Baliw ka pre! Eyeglass naman talaga tawag dito ah! Panira ka talaga ng araw. (-___-)”
“Sorry naman. Pinapatawa lang kita. Hahaha.” –ako.
“Kung gusto mong maging komedyante, pwes! Payo ko sa’yo, tumigil ka na ngayon palang. Walang nakakatawa sa mga pinagsasabi mo. Nagmumukha kalang mais (corny). Baka hindi ka pa nga nag-uumpisa, lugi na ang negosyo mo. Hahaha” –siya.
“Wala kalang sense of humor! Pero, pre. Hindi ba talaga nakakatawa? Wala ba talaga akong talent sa pagpapatawa? Yung totoo ha? Just be honest.” –curious kong tanong sa kanya. Curious lang talaga ako. Baka pinagloloko niya lang kasi ako eh. Mahilig talaga akong magpatawa, kaso napapansin ko din na walang natawa sa mga jokes ko. Hmmmm. *himas himas sa chin*
Tinitigan niya lang ako ng I think mga 5 minutes. Wow lang ha? Ang tagal nun. Takte! Ang gwapo ko na ba talaga na pati bestfriend ko nahumaling na sa akin? Ay takte ulit! Baka beki ‘tong isang ‘to. Baka rape-in ako nito. Patay kang butiki ka! Umatras ako ng tatlong beses. Maya-maya….
“Hahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahaha. Sa lahat ng hahahaha sinabi mo sa hahahahaha akin pre, yan ang hahahahaha ang nakakatawa. Wooooooh! Ang sakit na ng hahahahaha tiyan ko kakatawa. Hahahahahaha. O-okey hahahahaha. Serious na. Hahahahaha. Wait isa pang tawa. Hahahahahahahahahahahahaha. Woooooooh! *stand straight pero natatawa parin*”
“Tapos ka ng tumawa? Nabilang mo ba kung ilan, pre? Sobrang dami, sa sobrang dami hindi ko na nabilang. Baka wala ng natira sa’yo niyan.” –inis kong sabi sa kanya. Argh! Bwisit na lalaking ‘to. Pero diba, natawa siya. “Pre, bakit natawa ka?” tanong ko pa ulit sa kanya. Curious ulit ako eh.
“Alam mo, pre. Para kang tanga! Hahahahahahahahahahahaha. Mukha kang isip-bata. Ay hindi, isip-bata talaga. Hahahahahahahaha. Grabe. Pero, pre. Seryoso na ‘to. Hindi talaga bagay sa’yo maging komedyante. Okey na sa’yo ang magtanga-tangahan kasama ko. May mapagtatawanan pa ako. Hahahahahahaha.”
“Wala kang kwentang kausap. Alis na nga lang tayo.” –ako.
“Palusot.com! Hahahaha. Tara na nga!” –siya sabay akbay sa akin.
“Nga pala, pre. Sasama daw kapatid ko. Daanan daw natin siya sa school, tapos nadin naman daw yung practice nila.” –ako.
“Ah, ganun ba? Oh, sige.”
*Alyloony University*
“Kuya Khen! Kuya Callan! Here.”
“Ayun si Khamille, pre oh. Sa may gate.” –si Callan.