Vandal 1

286 18 15
                                    

Copyright © 2013 by purplejaam

All Rights Reserved. STEALING is a CRIME. 

-=:Pau's POV:=-

Wala ng liguy-ligoy pa. Magpapakilala na ako. Haha

I'm Pauleen Grace Celo (Celo pronounced as Syelo). Chinicheck ko lang. Baka hindi kayo marunong magbasa. Haha. Dejoke lng. 17 years old na ako at first year college, I'm taking up Bachelor of Science in Civil Engineering. Nag-aaral ako sa Alyloony University. (Wala eh, idol ko po si ate aly. Haha) nag-iisang anak nina... mama at papa ko. Peace yow! Si mama, teacher sa isang university. Si papa naman, nasa Korea. Doon kasi siya nagtatrabaho, pero hindi din ganun kalaki ang sweldo niya. Tamang-tama lang para sa aming tatlo. 

Simple lang naman ako. Hindi kagandahan, hindi rin kapangitan. Yan ang tingin ko sa sarili ko. Ordinaryong tao. Pero ang mga kakilala ko, lalo na ang mga classmates at schoolmates ko sa school, iba ang tingin nila sa akin. Isa daw ako sa pinakamaganda sa school, maganda inside and out. Ansabeeeh? ^o^ Friendly kasi ako na kahit sinong tao ang makasalubong ko pinapansin ko. Kaya siguro ganun. Ewan. Mababait din kasi naman ang mga students sa school na pinasukan ko. Syempre mabait din kasi si Ate Aly. Haha. Siguro may mga brat at jerks, pero hindi marami.

Pero may sikreto akong sasabihin sa inyo, huwag niyong ipagsasabi ha? Okey, lapit niyo ang tenga niyo sa screen ng computer niyo. Oh, malapit na ba? Pikit ka naman, para masaya. Oh. handa ka na ba? Sandali... Huwag kasi kayo munang magreklamo. Naghahanap pa ako ng tamang tyempo eh. Eto na, sasabihin ko na. Okey, 1...2...3...

May mga kuto ako.. 

Ayaw mo maniwala? Okey! Mabuti naman. Kasi joke ko lang yun. Hahahahahahahahahaha. Ang dami kong tawa, pakibilang nga? loljk.

Seryoso na daw sabi ni Ms. Author. Ang totoo kasi, may pagkasuplada ako. Pero hindi ako plastic. Suplada ako kapag mga bestfriend ko ang kasama ko. Minsan lang naman ako nakikisalamuha sa ibang tao. Mahiyain din kasi ako. Kaya hindi nila alam ang tunay na ugali ko. Hehe. Rhyme ba? Kdot. ^///^

Wala akong sariling sasakyan, hindi rin malaki ang bahay namin, pero masaya ako kung sa ano ang mayroon ako. Mapagmahal na mga magulang, mababait na mga kaibigan at pagkain. Okey na sa akin yan. Basta palagi akong busog. Haha. Busog sa pagmamahal. Chos!

Okey, tama na ang pagpapakilala. Nasasayang ang oras ko. Haha.

So nagsimula ang storya ng aking buhay pag-ibig noong...

"Beeeeeest!"

Ouch! My oh-so-precious ears <('~~')> Ikaw kaya sigawan ng taong katabi mo lang? Sarap hambalusiin ng tsinelas eh. -____- Dejoke! Mabait kaya ako. ^__^y

"Ano po 'yun Ms. Gjianne Mykaela Feble?" -kalmado pero inis kong sabi. Ang sakit ng tenga ko eh. (Gjianne = ji-yan, Feble= feb-le) Baka nagkamali ulit kayo ng basa. Hahaha. Peace! y^v^)

"He-he. Sareeeh... Eh, kasi bes... Hindi ako marunong sa trigo. 'Yung lesson namin kanina. Turuan mo naman ako. Magaling ka sa math eh. My quiz kami bukas bes."

Si Gjianne, isa sa mga bestfriend ko. Apat kasi kaming magbebestfriends. Mamaya ko na ipapakilala ang iba. Isa-isa lang, mahina ang kalaban. Haha. So, yun. Matalino naman siya sa ibang subject. Sa math lang talaga yan mahina. Hindi kasi talaga siya interesado sa math, kaya kapag naglelesson ang professor nila hindi siya nakikinig. Business Administration ang kinuha niya, kasi may business yung parents niya. 

"Ayaw ko nga. Mag-aaral din ako." -binabawi ko, hindi na ako mabait. Haha. Diba nga suplada ako sa mga bestfriends ko. Wala kasi yung magic word at ang kanyang napakacute na technique kapag humihingi siya ng favor. 

♡ Vandalism of Love ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon