Chapter 3

351 16 7
                                    

Chapter 3

Isang lingo na ang nakalipas, naging maayos naman ang pagpasok ko sa school pero hindi padin mawala ang ka creepy-han doon. Pero medyo na sanay na din ako. Siguro ay naninibago lang ako sa lugar na to kaya ganon ang nafi-feel ko.

"Almira! Tara bwisitin natin si Luke!" aya ni Jha

Nalaman ko din na magkababata pala si Jha at Luke kaya malakas nitong asarin ang napaka supladong lalaking yun.

"Naku! Wag na. Baka magalit yun satin" sabi ko sa kanya. Sa isang linggong lumipas. Isang lingo nadin kaming parang buntot kay Luke, siyempre ayoko naming bumuntot doon pero lagi nalang akong hinihila ni Jha. Masarap daw kasing asarin si Luke.

"Haha ayun sya oh. TARA!" at ayan nanaman. Hinila nanaman nya ako ng hindi pa nakakasagot sa kanya.

Lumapit kami kay Luke na may kasama palang isang lalaki. Andito sila sa ilalim na puno at mukang may pinaguusapan.

"Hi Luke! Hi Alden!" bati ni Jha dun sa dalawa

So Alden pala pangalan nitong isa.

Gwapo sya.

Maputi.

Matangos ang ilong at maganda ang hugis ng labi.

Parang hindi nagkakalayo ang itsura nilang dalawa ni Luke.

"Oh! Hi Jha! And—-Hi Miss?"Alden

"Almira.."dugtong ko.

Inabot nya sakin yung kamay nya.

"Alden.." sabi nya saka kami nagshakehands

Ngumiti sya sakin at pinagpatuloy lang ang ginagawa nya. Parang may ini-sketch sya sa notebook nya. Pero diko Makita kung ano.

Si Luke naman., ayun nakaupo parin at tiningnan lang kami pero di man lang nag hi or hello. As usual. May magbabago pa ba sa kanya.

"Anong ginagawa nyo dito?" tanong ni Jha

Mukhang walang balak sumagot si Luke kaya naman si Alden nalang ang sumagot.

"Wala.. nagpapahangin lang" ^___^

Sabi nya ng nakangiti pa.

Wait! Sakin ba sya nakangiti?.

Sakin nga. Kaya nag smile na din ako sa kanya. Mukhang mabait ang isang to at hindi suplado. hindi katulad nitong katabi nya parang pipe. Wala atang balak magsalita.

Parehas na kaming nakaupo din sa damuhan ni Jha. Katapat namin si Alden at Luke.

"Bakit ngayon lang kita nakita?" tanong ni Alden sakin.

"ahh. Transferee ako..." sabi ko

Tumango tango naman sya.

"Alam mo ang ganda mo"

Nagulat ako sa bigla nyang sinabi. Kitang kita ko din ang pagkagulat ni Luke at ni Jha sa sinabi ni Alden.

"h-ha?"

Nakakainis! Bakit parang biglang naginit yung mga pisngi ko.

"Hahahaha! Ang cute mo!" sabi nya pa sabay pisil sa pisngi ko.

o-okay? Anong nangyayari?

Yumuko nalang ako kasi hiyang hiya na ako. Pero itong si Jha sinapawan pa ang mga sinasabi ni Alden.

"Crush mo sya Alden noh?HAHAHA"

Feeling ko lulubog na ako ditto sa kinauupuan ko dahil sa sobrang hiya. Tama bang harap harapan nilang sabihin yan? Saka Crush? Ngayon panga lang kami nagmeet Crush agad.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 28, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

She's Almira (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon