Chapter 2

288 9 0
                                    

Chapter 2

Andito ako sa tapat ng bahay ni Tita Marie. Medyo kinakabahan ako kasi dito sa bahay na ito, dito ko rin nakita yung lalaking tumitingin ng kakaiba sa akin. Siguro dito sya nakatira. Kaano ano kaya niya si Tita Marie? Anak siguro pero pwede din namang pamangkin na nakikitira lang diba.

Huminga muna ako ng malalim bago magdoorbell.

Nagdoorbell ako ng isang beses pero walang nagbubukas ng gate kaya naman nagdoorbell ulit ako and that time may nagbukas na.

Ngumiti ako ng makita kong si Tita Marie ang nagbukas ng gate.

“Oh ikaw pala Almira, pasok ka”

“Si Mama po?” tanong ko

Pumasok muna ako saka ko muling narinig magsalita si Tita Marie

“Ah nandyan sa sala. Hahaha susunduin mo naba ang Mama mo?”

Tumango ako

“Opo”

Sabay na kaming pumasok ni Tita sa loob ng bahay at doon ko nga nakita ang Mama ko na nakaupo sa sofa nila at may kung anong tinitingnan, Photo Album ata.

“Ma”

Tumingin saakin si Mama

“oh? Bakit?” tanong nya

Photo Album nga yung hawak nya.

“Mama, pinapauwi napo kayo ni Papa”

Sinara nya yung photo album saka ngumiti sakin

“Ang papa mo talagang yan. Ngayon palang kami nagkakabonding ni Marie eh” iiling iling na sabi nya

“Hayaan mo na Lucy, may bukas pa naman” natatawang sabi ni Tita Marie

“Ai sya ! oo na . Sige Marie uwi na muna ako”

“Sige” Hinatid lang kami ni Tita Marie sa may gate saka kami nagpaalam sa kanya. Nauna pangang maglakad pauwi si Mama kesa sa akin.

“Tara na Almira. Ano nanaman kayang trip ng Papa mo at pinapauwi agad ako” kunot noo at nakangusong sabi ni Mama

Rinig kong ang mahinang pagtawa ni Tita Marie na nasa tabi ko lang

“Wala pading pagbabago yang Mama mo, isip bata padin” saka sya tumingin kay Mama na naglalakad na.

“Oo nga po eh, minsan napagkakamalan lang kaming magkapatid kapag magkasama kami. Mas isip bata pa kasi sakin eh” napangiti ako ng maalala kong kapag magkasama kami ni Mama maggrocery mas madami pa ang mga junk foods at chocolates kesa sa mga dapat bilhin na importante.

“Pero mabait ang mama mo. Ganyan lang yan pero ganyan na talaga yan. Pfft!”

Sabay kaming napatawa ni Tita Marie sa sinabi nya. Nakakatuwa dahil kahit ngayon ko lang nakilala si Tita at ngayon ko lang sya nakausap ay ramdam ko na agad na mabait sya. Hindi na ako magtataka kung bestfriend sya ng mama ko.

“Hoy Almira Tara na!” sigaw ni Mama

“Oh tinatawag kana ng mama mo, hahaha”

“ahh.. Sige po Tita Marie alis na po ako”

Tumango naman sya kaya nagsimula narin akong maglakad palapit kay mama na nakahinto at hinihintay ako.

Pero bago pa man ako makalapit kay Mama ay ramdam ko nanaman ang kaparehong tingin sa akin katulad ng kanina. Kaya naman napahinto ako saka tumingin sa bahay ni Tita Marie. Wala na si Tita Marie sa labas at nakasara na ang gate pero ng tumingin ako sa taas ng bahay ay doon ko nanaman nakita yung lalaki na nakatingin sa akin ngayon. Limang Segundo ata kaming magkatitigan ng biglang bumalik ako sa sarili ng marinig kong tinawag ako ni Mama

She's Almira (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon