Chapter 1

400 14 0
                                    


(Sobra-Sobra akong humanga kay Ms.Purpleyhan kaya dedicated ko to sa kanya. Ang galing galing mo po kasi talaga :* )

Chapter 1

(Kamusta naman ang first day mo dyan?)

Tanong sakin ng kaibigan kong si Niah mula sa kabilang linya. Pagkatapos kasi naming mag ayos ng bahay nila Mama ay tinawagan ko muna si Niah tutal naman boring na boring ako dito dahil hindi pa nadating sila Ate Ana at wala pa naman akong kilala dito sa Village nato. Wala parin akong nakikitang lumalabas na tao mula sa bahay nila.

"Ok lang naman, maganda ang bahay . Maaliwalas sa lugar na to pero..."

(Pero ano?)

"Ewan. Parang ang weird lang ng lugar na to"

(Weird? Hahaha bakit puro panget ba ang nandyan sa lugar na yan at mukang hindi nabiyayaan kahit isang gwapo?pfft)

"Loka ka talaga. Hindi noh! Ni wala panga akong nakikita kahit isang tao dito mula ng dumating kami kanina"

(Ha?What do you mean ? Kayo lang ang nakatira sa village na yan?)

"Hindi. Ewan .. Arrgh! Ewan ko."

(Alam mo girl ang gulo mo..)

"Eh kasi kanina nung dumating kami dito wala man lang akong nakikita kahit isang tao. Ni kahit aso nga wala man lang akong nakita pero kanina naman pagkarating naming dito pakiramdam ko may mga nakatingin sa amin pero nung hinanap ng mga mata ko wala naman. O diba ang weird?"

(Oo nga noh.. HALAH!!!!)

"O bakit !?"

(YUNG NILULUTO KO NASUSUNOG NA ! HALA HALA ! WAIT LANG ALMIRA HA!?)

*Toot Toot Toot*

Napatawa nalang ako sa babaeng yun. Haha kahit kelan talaga palaging sunog ang niluluto.

Lumabas na ako ng kwarto ko. Baka kung ano pang mang yari sakin kapag nagtagal ako sa kwartong yun. Sobrang boring po. Baka maisipan ko pang mag bigti . Pero Joke lang yun.

Pababa palang ako ng hagdan, amoy ko na agad ang masarap na niluluto ni Mama mula sa kusina. Kaya naman doon na ako dumeretso.

"Wow Ma ang bango naman po nyan" tiningnan ko ang niluluto ni Mama. Calderetang baka ang niluluto nya. Lahat kami ay paborito ang Calderetang baka.

"Kumpleto na tayo ngayon kaya dapat espesyal ang lutuin ko diba?" ngumiti nanaman si Mama. Nakakabilib lang talaga ang Mama kong ito dahil kahit mahigit 40 na ang edad nya e napakaganda padin talaga nya. Minsan nga e napagkakamalan pa kaming magkapatid imbes na mag ina.

Kumuha lang ako ng tubig sa ref saka pumunta sa Sala. Binuksan ko ang T.V saka naupo sa sofa. Ilang minuto palang akong nanonood bumukas na agad ng malakas ang pinto dahilan para ikagulat ko.

"TITAAAAAAA!"

Nanlaki ang mata ko pero napangiti din agad ako ng makita kung sino ang sumigaw ng malakas.

"Kira"

Pagtayo ko palang e sumalubong na agad sa akin ng yakap ang pamangkin kong si Shakira.

"Kiss! Kiss! Kiss!"

Natawa ako ng mag pilit sya na ikiss ko sya. Kaya naman umupo ako para maging kapantay ko sya, saka ko kiniss sa pisngi.

"Ang bigha~aat" angil ko ng buhatin ko sya.

"Asan ang Mommy mo?" tanong ko sa kanya.

"Here I am, my dear sister"

Lumingon ako sa nagsalita.

She's Almira (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon