Jealousy!

26 1 1
                                    

Jealousy!

Heto yung salitang pagnaramdaman mo, feeling mo makakapatay ka. haha! di biro lang. Isa 'tong dahilan kung bakit yung ibang relasyon nasisira. Nararamdaman natin 'to sa twing may nakakasamang ibang tao yung taong mahal natin, syempre, from the opposite sex. Pwedeng dahil girl/boy ang bestfriend ng boyfriend/girlfriend natin. Pwede rin namang close siya sa taong di natin kilala. Tama bang magselos?

Well syempre, tanungin mo muna sarili mo: "May karapatan ba ko?" Boyfriend ka ba? Girlfriend? o taong lihim lang na nagmamahal? Sunod na tanong: "May dapat ka bang ika-selos? Sure ka ba that there's something going on between them?" Bago ka magselos, alamin mo muna bawat anggulo. Malay mo, mali lang yung dating sayo. Wala naman talaga, pero ikaw.. ayun, tamang hinala lang! At yan ang sisira sa relationship niyo. Mapapagod na siyang magpaliwanag sayo, dahil kahit anong sabihin niya, di ka naniniwala. Do you trust him/her? Kung may tiwala ka, alam mong wala siyang gagawin na pwedeng ikasira at ikawala mo. Alam rin naman niya siguro yung limitasyon niya. Kausapin mo rin siya ng kalma ka, kasi mauuwi lang yan sa sigawan, sumbatan, at baka, in the end.. maghihiwalay lang kayo.


In my experience:

Nagselos na ko before sa past ko.. close siya sa isa naming classmate. Madalas akong magtampo sa kanya, kasi madalas niyang kulitin yun kesa sakin. Pero, in the end, naisip ko.. wala naman talagang something sa kanila, dahil una sa lahat.. may boyfriend yung classmate kong yun. Pangalawa, I trust him. Hindi ko lang talaga maiwasan na di makaramdam ng selos, kasi gusto mo rin naman na most of the time.. nasayo yung atensyon nung taong mahal mo di ba? Agree?

Then ngayon, ayun.. humaharap ako sa malaking pagsubok.. Ang bestfriend kasi ni boyfiee, babae! :( Nahihirapan akong mag-adjust. Knowing na madalas silang magka-text, magka-chat.. Grabe nga ee, kasi kahit anong pigil ko sa sarili kong hindi makaramdam ng selos.. ayun, GO pa rin! I don't know why, kahit na he assured na wala talang something sa kanila, and bestfriend lang talaga turingan nila.. di ko parin maiwasang di mag isip ng kung ano. I guess, di parin enough yung trust ko sa kanya. And I'm kinda disappointed, because nagawa kong dumistansya ng konti sa bestfriend kong lalaki.. para sa kanya, para di siya magselos.. Then suddenly, magugulat na lang ako.. nakakatext na niya bestfriend niya. Before kasi nung naging kami, may tampuhan sila, so nagka-gap.. kaya yun.. di ko pa agad nafe-feel.. E di sana kung nafeel ko kagad na may bestfriend siya bago kami tumagal, sana sanay na ko, di ba? Kaya ayun, until now.. nagtatalo pa rin kami about dun. Ang masakit pa, alam mong siya yung pipiliin niya..kasi siya yung bestfriend. He said: "Kung di mo siya matanggap na part ng buhay ko, then leave me." SAKIT, di ba? Dun palang alam mong pumipili na siya. Mababaw ba ko? Anong magagawa ko ee, yun nararamdaman ko. kahit ayokong maramdaman yung selos na yun.. di ko maiwasan ee. :(( Sa tingin niyo? Anong dapat kong gawin? Na-experience nyo na ba yun?


—————————————————————-

Thanks sa readers! :) Comment kayo, if may advice kayo.

Click "Vote", kung nakaka-relate kayo. :))

L-O-V-ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon