How I wish..

21 0 0
                                    

Have you ever loved someone na nung ready ka na, sya naman yung hindi naging ready?

You met that person unexpectedly. It was when you were at your worst.

You weren't ready to get into another relationship, not because you still love the person in your past.. But because it's really hard to believe that there's true love, and that there's someone out there who's willing to accept your flaws. The person who's not going to leave you no matter what, and same goes for you.

Ang sarap marinig mula sa kanya yung mga salitang, "mag-iintay ako, hanggang sa handa ka na!" Sya yung taong kahit hindi mo nasusuklian yung mga ginagawa niya sayo, andyan pa rin sya.. hindi tumitigil na paniwalain ka na there's TRUE LOVE! Masarap sa pakiramdam, oo. Pero may part parin sayo na nalulungkot dahil kahit gusto mong ibalik yung effort at love niya, hindi mo magawa dahil natatakot ka na baka pagnag-hold on ka to that person, baka hindi mo siya makayang panghawakan at bigla ka na lang bumitaw. Mas nanaisin mong ihanda muna ang sarili mo, bago mo sya papasukin at maging bahagi ng buhay mo.

May mga panahon rin na naiisip mo, baket ako? seryoso ba yan? Hindi ka nagdo-doubt sa kanya, pero SAYO mismo. Sa sarili mo.. Hirap kasing maniwala na may tao paring dadating at magmamahal sayo. Matapos ng lahat ng pag-iwan at mga sakit na naranasan mo sa nakaraan. Mahirap ng maniwala at umasa. At sa oras na maramdaman nya na you're having doubts sa feelings nya, doon na magsisimulang magulo ang lahat. Ang noo'y nabubuong relasyon, ngayon.. unti-unting nasisira dahil sa madilim na nakaraan. Nagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan.. Lumalabong usapan, at nauuwi sa hindi pag-uusap.

Pero higit na masakit yung pagdating ng panahong handa ka na to open your heart to that person, and then suddenly, wala na siya.. Maaaring na-realize nya na hindi ka talaga nya gusto, o marahil gusto nyang masigurong totoo yung nararamdaman niya para sayo. But then you hold on to his words.. na mag-iintay sya! Pero nasan siya nung handa ka ng sabihin ang mga katagang, "mahal rin kita..", at "oo, handa na kong magmahal ulit." Masakit! Umasa ka na may tao paring handang maghintay para sayo. Pero hindi mo rin sila masisisi, nakakapagod rin ang maghintay. Maybe along the way, something happened na nakapagpa-realize sa kanila ng bagay bagay. We just have to accept the consequences ng pag-asa sa mga salitang yun.. Hindi naman dahil sa sinabi niya yun, ibig sabihin hindi na pwedeng magbago yun. It's up to the person kung maniniwala at aasa siya.

Sana lang hindi ka umasa masyado,

sana lang handa ka na nung mga panahong andyan pa siya para hintayin ka..


SANA..


SANA..


SANA..


SANA hinintay mo parin ako..




L-O-V-ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon