INTRODUCTION
Kainis naman. Bakit ba ngayon pa kami nasiraan ng kotse. At ang galing nga naman ng timing, out of gas na din kami. Kaasar.
"Babe, there's no one in here that we can asked for help. Would you like to stay here in the car the whole night or you like to find a house?" Tanong sakin ni Brett
"Do you think we'll find a house in this kind of place, Brett?" Iritableng balik-tanong ko sakanya.
"Sorry, okay? Relax ka lang. Nagbabakasakali lang naman ako, babe." Mahinahong sagot sakin ni Brett habang hawak na niya ako sa magkabilang braso ko.
"Sorry din, babe. Medyo badtrip lang." Sagot ko at bahagya siyang niyakap.
"Yeah, I understand." Hinalikan niya ko sa noo at medyo isinandal ang baba niya sa bunbunan ko habang hinahagod ang likod ng ulo ko
"Ohh, how sweet of the both of you naman. Would you mind if I make istorbo muna sa inyo, Yshie and Brett? I would like to ask lang if mapi-fix pa yung car?" Tanong ni Jazz.
"Mukhang hindi na Jazz, out of gas na din kasi tayo." Mahinahong sagot ni Brett.
He's always calm. Baka mamaya may nasusunugan na pero siya kalmado pa din. I really love this guy.
"Ah. Is that so? Pa'no na 'yon? Where tayo magsi-stay?" Tanong ni Jazz.
"Oo nga Brett, it's already 8:30 PM. Hindi naman tayo makakatulog sa kotse. Anim tayo at hindi tayo magiging comfortable kung dito tayo magpapalipas ng gabi." Tanong naman ni Nico.
"Naglakad-lakad kami nearby pero mukhang walang naninirahan dito or baka mayroon pero nasa liblib na part tayo." Sabi ni Schin.
"Yeah. And we noticed na walang signal dito." Dagdag ni Reid.
Shit. What are we going to do now?
"What to do, Brett? I don't want to be stucked in this kind of place." Saad ko kay Brett.
"Tara!" Aya ni Brett at nagsimulang maglakad. 'Di man lang hinawakan ang kamay ko para sabayan siyang maglakad? Psh. Eto na naman ang leader side niya. Pero in all fairness, mula't simula kahit sa University namin magaling siya when it comes to leadership.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko kay Brett.
Nilingon niya ako atsaka nginitian. "Maghahanap ng matutuluyan. Wanna come?" At kinindatan pa ko ng loko. Nagmake-face na lang ako at inunahan na siya sa paglalakad.
"Hey, babe." Tawag ni Brett. Hindi ko siya pinansin. Bahala siya diyan. Ewan ko ba pero nainis ako bigla. This past few days napansin kong madali akong mairita. Even sa simpleng bagay naiirita ako.
"Babe, huy. Can you slowdown a little? Haha. Masyado kang hot. Chill lang." Hinawakan niya ang kaliwang kamay ko gamit ang kaliwang kamay niya at iniakbay sa'kin ang kanang kamay niya. "You're barging a wrong way. Let's go, this way." Atsaka kami umatras ng konti and lumiko. "Let's go, guys." Aya niya sa iba. Nagsunudan naman sila Jazz, Nico, Schin and Reid.
Sa haba-haba ng nilakad namin may nakita din kaming bahay sa wakas. But it looked so haunted. Feeling ko may kung anong espiritu sa bahay na 'yan. Napapoker-face na lang ako ng masilip ko ang maliit na ilaw na mahahalata mo sa isang bintana sa may ibabang bahagi ng bahay.
"Mukhang may matutuluyan na tayo." Saad ni Nico, na mukhang nakahinga na ng maluwag.
"Seriously Nico? It looks so haunted kaya." Saad naman ni Jazz.
"Okay na 'yan. Kaysa naman wala tayong matuluyan. Tingnan mo, mukha namang may tao eh. May ilaw na tumatagos sa may bintana sa ibabang bahagi ng bahay." Saad ni Schin, habang nakatingin sa ibabang bahagi ng bahay kung saan may ilaw.
Agad na naglipatan ang tingin ng iba sa bahaging iyon ng bahay. Tama nga bang bahay ang itawag ko dito? Haunted ito. Haunted house? No. It's more like a mansion. A haunted mansion.
**