Three

26 0 0
                                    

Brett's POV

Kumatok-katok kami sa pintuan ng bahay na kinatutuntungan namin ngayon. Nakakatakot man ito'y, kailangang-kailangan talaga namin ng matutuluyan kaya't lakas loob na kaming kumakatok.

"Babe, uhm. Wala na ba tayong mahahanap na ibang matutuluyan? This house, it's creepy." Hinawakan ko ang kamay ni Yshie at naramdaman ng palad ko ang panlalamig ng palad niya.

"Babe, relax okay? Maghahating gabi na oh, we don't have any choice kundi ang makituloy muna dito kung maaari. H'wag kang matakot, okay? I'm here." Kahit naman susungit-sungit ang asawa ko'y takot pa din 'yan. Likas sa kaniya ang pagiging matatakutin lalo pa at ganito ang sitwasyon namin ngayon.

Naramdaman kong yunakap siya sa braso ko kaya't inalis ko ang pagkakayakap niya dito at sa halip ay inakbayan ko siya at hinawakan sa braso upang mapanatag siya. Napapansin ko nitong mga nagdaang araw ay nagiging masungit siya. Minsan asar-talo, nagiging bugnutin at ayaw na ayaw niyang tatawa ako. Kumbaga, panay ang mood swings niya. Hindi din siya nagpupunta sa mall. May mga pagkakataon din na sumasama ang pakiramdam niya sa umaga at nasusuka siya. Konti na nga lang at iisipin kong buntis 'tong si Yshie. Hindi din naman ako magtataka dahil may nangyari na sa'ming dalawa. Hindi naman maiiwasan 'yun dahil sa isang bahay kami nakatira at sa iisang kwarto lang kami natutulog. Tsaka, wala namang masama do'n dahil kasal na kami. 'Yun nga lang, nag-aaral pa kami.

Isinandal ni Yshie ang ulo niya sa balikat ko habang ang iba'y patuloy pa din sa pagkatok sa pintuan. Maya maya'y may isang matandang babae ang nagbukas nito.

"Anong kailangan niyo?" Nakangiting tanong nung matanda. Kung titingnan ko siya, siguro nasa edad 60 pataas na ito.

"Ah, magandang gabi po. Nasiraan po kasi kami ng sasakyan. Eh, malayo pa ho ang destinasyon namin. Kung hindi niyo po mamasamain, maari ho ba kaming makituloy muna?" Magalang na pakikiusap ni Nico.

"Please po, wala lang po talaga kaming matuluyan for tonight. Promise po, we'll behave." Pakikiusap ni Jazz.

"Naku, kawawang mga bata. Sige, tuloy kayo." Nakangiti pa ding usal nung matanda. Mukha naman itong mabait. Sulit akalain mong patutuluyin niya kami kahit hindi naman niya kami ka-kilala.

"Thank you po, Nanay?" Pagsasaad ni Jazz na wari-mo'y naghihintay na sabihin ng matandang babae ang pangalan nito.

"Nanay Emma na lang."

"Thank you po Nanay Emma. We have no choice lang po kasi talaga, eh." Sagot muli ni Jazz.

"Salamat po." Sabay-sabay namin saad.

"Walang paumanhin. Tuloy kayo." Iginiya niya kami papasok ng bahay. Ramdam kong humigpit ang hawak ni Yshie sa braso ko kaya hinawak ko ang kamay niya.

Vintage ang bahay. Interior design pa ata sa panahon ni Rizal ang disenyo ng loob ng bahay. Pagpasok namin sa pintuan ay isang mahabang pasilyo ang dinaanan namin sa dulo ng pasilyo ay mayroong hagdan. Two turns ang hagdan. Sa harap ng hagdanan ay mayroon naman isang family portait. Sa tabi nito ay litrato ng dalawang taong mapapansin mong naka damit pang-kasal. Sa kabilang tabi naman nito ay isang board na may disensyon puno, a family tree. Madaming mga litratong maliliit kung kaya't hindi ko na pinagkaabalahan pang tingnan. Mamaya na lang siguro. Sa kaliwang bahagi ng hangganan ng pasilyo naroroon ang dining area sa kanan naman ay ang living room. May dalawang sliding door na nakapaling sa dalawang bahagi mapapansing isa iyong inside terrace. May pintuan pa sa kabilang dako ngunit hindi ko masilip iyon.

"Iho, mukhang pamilyar ka sa akin." Saad ng matanda habang mapan-suring nakatingin kay Reid. "Tayo ba'y nagkita na dati, iho?" Dagdag pa nito.

"Ah... Hindi ko po alam." Sagot naman ni Reid. He seems panicked. What's with Reid this time?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 12, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When You Walk InTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon