Chapter 4 (Margarette)

77 3 0
                                    


-Margarette's-

Aba pag sinabing shopping, go lang ako ng go!

At wag kayo! Nagpaganda talaga ako ng bongga ng sa maglaway yung bakla.

Well simpleng maong shorts lang naman saka fitted white blouse lang yung sinuot ko.

Medyo ni curl ko yung dulo ng buhok ko. Simpleng make up at okay na yung mukha ko.

"Ate, andun na sa sala si ate Josephine!" Sigaw ni bunsoy galing sa labas ng kwarto ko.

"okay! Pakisabi bababa na ako!" Sagot ko naman saka binitbit yung maliit kong bagpack.

Pagbaba ko nakita ko siyang prenteng nakaupo sa sofa.

"Oy Joseph!" Bati ko sa kanya .

Tumayo siya saka ako hinarap .

Aba naman. Kung mamalasin ka nga naman. Naka white v neck shirt siya tapos black fitted jeans. Aaminin ko guys ang hot niya tingnan.

"Baka maubos na yang ate ko kakatitig ha!" Pangbasag ni bunsoy sa katahimikan.

"A-ah marg- este bestie, ang ang ganda ng pagkakamake up mo ngayon ah!" Natatarantang tugon ni joseph .

"Sus aminin mo nalang na ang ganda ganda ko!" Proud na salita ko. Eh natamaan si bakla, natulala pa nga.

"Eeeeeeeew!" Sambat ng kapatid ko saka umaktong nasusuka.

Urgh. Sarap sabunutan.

"Kasali ka ba sa usapan?" Tanong ko sa kapatid ko

"Hindi hehehehehe" sagot naman ni bunsoy

"Mamaya paturo ako kung pano mo ginawa yang make up na yan ah ? Gusto kong subukan bestie! Yiiiiie~!" Sabi ni bakla saka parang kinikilig pa.

"Tss. Tara na nga!" Sambit ko saka hinila siya palabas ng bahay.

/Mall/

"Hoy Joseph Mikael Guzman! Wag kang babakla bakla sa loob ng mall ah" Pagbabanta ko sa kanya.

"Eeew FYI, Josephine Michelle Guzman is the new name. Duh!" sabi niya sabay irap.

Aba naman!

"Kakasabi lang eh! Baka gusto mong mabalian ng buto ha!?" Inis na sambit ko

"Oo na nga Gf! Wag kang ano! Baka mamatay ako ng walang anak!" Takot na sambit niya.

Yun naman pala eh.

"Gf, kain muna tayo. Gutom na ako" tugon ni joseph.

"Sige mcdo tayo gutom na din ako eh" sambit ko.

"Ano yung sayo? Ako yung taya. Palagi naman eh." Tanong niya .

"Kahit ano basta nakakabusog."

"Okay" sabi niya saka pumuntang counter .

Pagbalik niya dala dala na niya yung mga inorđer niya.

"Joseph, kamusta yung isinend kong mga pictures sayo, may nagustuhan ka ba sa kanila?" Tanong ko habang kumakain

"Wala" simpleng sagot niya .

Napangiwi naman ako. Dalawampung pictures yun. Imposibleng wala siyang nagustuhan ni isa.

"Bakit wala?" Tanong ko

"Dahil asdfghjkl" sabi niya ng pabulong

"Ano!?" Tanong ko.

"Wala, sabi ko wala akong nagustuhan dahil di ko sila type" sagot niya

"Weh?" Di makapaniwalang tanong ko.

"Oo nga, kumain ka na diyan bestie bibilhan pa kita mamaya ng jeans" mahabang pagpapaliwanag niya habang sinusuban na ako ng pagkain.

"Eh may jeans pa naman ako sa bahay saka marunong akong kumain mag isa." Nagtatakang sambit ko.

"Basta bibilhan kita tapos magbihis ka"

"Ha? Ano bang nangyayari sayo? Okay lang naman tong shorts ko?" Nagtataka akong yumuko at tiningnan yung suot ko kung ano bang masama rito

"Ayoko niyan. Nababastos ka tapos tapos-"

"Tapos ano?" Tanong ko

"Natatalbugan mo beauty ko!" Pinagpapawisan niyang sagot.

Monggoloid ba to ?

Inilapit ko sa mukha niya yung mukha ko. Mas lalo lang naman siyang pinagpawisan

"Bestie" sambit ko

"A-ano?" sagot niya

"Nagdadrugs ka ba?" Tanong ko saka inilapat yung palad ko sa noo niya.

"Hindi no!" Sabi niya saka hinawi yung kamay ko.

"Eh mukha kang nakadrugs!"

Tapos bumalik na ako sa pwesto ko saka kumain na ulit.

"Basta magbibihis ka mamaya ng jeans" sabi niya saka nagpatuloy na sa pagkain.

Okay nangangamoy marijuana dito ah.

Problema nito?

Nasa kalagitnaan ako ng pagnguya ng pagkain ko ng may biglang nagsalita sa likod ko.

"Margarette"

---------

Bakla, Bakla, MagpakaLalake ka.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon