Chapter 3 (You don't do that to me!)

88 2 0
                                    


-Margarette's-

"Finally ariel happened to me--"

Asdfghjkl

Pinatay ko agad yung tv saka binato yung remote sa sahig .

Taenang bakla. Sarap sabunutan at bangasan ang bulbol.

Sa lahat ng pwede gawin? Arrrrgh

You don't do that to me! I don't accept rejections.

Sinabunutan ko yung sarili ko.

"Hoy ate baka madaig mo pa yung kapit bahay natin na si mang kanor!" Nakangiwing sinabi ng kapatid ko.

"Tumahimik ka bunsoy kung ayaw mong magaya sa anak ni mang kanor!" Pagbabanta ko.

"Concerned lang naman ako sa buhok mo. Ayoko din ng kasama sa bahay na kalbo!" Pagpapaliwanag niya.

"Baka ipatapon kita dun sa plaza kasama yang pusa mong overweight!" Galit kong sigaw

"To naman di na mabiro. Hehe okay alis na muna ako" sabi niya saka umalis.

"Isa pang gulo bunsoy isasako ko na yang pusa mo!" Pahabol ko sa kanya.

Wag niyo akong ginagalit.

Ayoko na sanang alalahanin yung nangyare kahapon.

Kaso...

Tumugtog yung patalastas ng ariel!

Yesterday

"Bf, ikiss mo nga ako sa lips" sabi ko atsaka ngumuso. Eto yung plano ko. Kung makakaya niya bang humalik ng babae.

"A-ano?" Sabi niya ng nauutal.

"Sabi ko ikiss moko sa lips, dali na" sabi ko habang nakanguso parin.

"Oh eto coke inom ka muna. Ang mahalaga seven fifty nalang ang ariel!" Sambit niya matapos niyang idiniin sa nguso ko yung bibig ng coke sakto.

"Asdfghjkl" mura ako ng mura habang nasa bibig ko pa yung coke na hawak hawak ni bakla.
---
Sa lahat ng pwedeng palusot yun pa :)

"Kaya hindi niyo ako masisisi kung bakit ako galit!" Sigaw ko matapos ko maalala yung nangyari kahapon.

*toktoktok*

Sino na naman ba to. Bigwasan ko to eh!

Galit akong pumunta sa pintuan at binuksan yung pinto

"Anong kailangan mo!?" Galit kong sigaw habang nag aapoy yung mga mata ko sa galit.

"Oy Gf, galit ka pa ba sakin?" Oo tama kayo. Yung bakla yung dumalaw.

"At may gana ka pang magtanong ha!" Sigaw ko atsaka siya pinagsarhan ng pinto.

"Marga naman eh!" Sigaw niya

"Manigas ka!" Sigaw ko pabalik .

Umakyat nalang akong second floor atsaka pumasok sa kwarto ko.

Masama talaga yung araw ko. Wag kayong ano.

Aside sa na arielzoned ako, masakit din sa part ko na tinanggihan ako. Aba naman siya pa yung unang una na nagreject sakin.

Arrrrrrgh! Nakakainis talaga!

"Marga" narinig kong sambit ni joseph

"Aba paano ka nakapasok dito!?" Tanong ko.

"Hindi mo nilock?" Sabi niya

Tapos nakita ko sa labas ng kwarto ko si bunsoy.

"BUNSOOOOOOY! ISASAKO KO TALAGA YUNG SI MORTY MO IPAPALIGAW KO YUN SA EDSA NG MASAGASAAN! ISASAMA KITA SA SAKO!" galit na sigaw ko .

Oo alam kong siya yung nagpapasok kay joseph.

"Marga"

"Tumahimik kang bakla ka baka ipatapon din kita sa edsa!" Sigaw ko sa kanya

"Sorry na"

"Sabi ng--mmmmphh" di ko natuloy yung sasabihin ko.

"B-b-ba't" sambit ko habang nanlalaki ang mata.

"Sorry na kasi, nagulat lang ako kahapon" pagpapaliwanag niya pero wala akong maintindihan.

"Wag ka ng magalit sakin" dagdag pa niya

Ba't niya ako hinalikan?
Ba't bigla akong kinabahan?
Ba't bigla nalang nawala yung bad vibe ko?
Ba't di ko magawang magsalita?

Ba't ---

"Hoy Marga! Nakikinig ka ba sakin?" Nag aalalang tanong niya

"Ah eh ih, umalis ka nga dito! Di pa tayo bati!" Sigaw ko.

Ayoko magmukhang affected no!

"Sorry na kasi" sabi niya

"Oo na. Oo na! Basta umalis ka na sa harapan ko!" sigaw ko.

"Talaga bestie? Bati na tayo!? Omg. Salamaaaaat. Samahan mo kong magshopping mamaya, may gwapong staff yung mall na malapit dito! Goooosh ~!" tuwang tuwa pa siya

*insert pokerface here*

Napatawad ko lang nabakla na naman.

Tss.

Mamaya sa mall! Humanda kang bakla ka!

"Oo na sasamahan na kita! Magsuot ka ng normal na damit ha . Wag yung pang bakla. Itatakwil talaga kita pag nagkataon!" Mahabang bilin ko sa kanya.

"Oo na po bestie~!" Malanding sambit nito.

Uurgh . Y Lord Y?

-------------------

Bakla, Bakla, MagpakaLalake ka.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon