Chapter 7 (Lipat-bahay)

37 1 0
                                    

-Margarette's-

"Anak, mag-iingat ka dun ha? Wag na wag mong bibigyan ng sakit ng ulo si Joseph" salita ni mama habang tinutulungan akong mag empake

"Opo ma" sagot ko. Ayoko na makipagbangayan sa kanila. Kagabi pa ako nakikipag argumento sa kanila na ayaw ko ngang lumipat ng bahay kasama si Joseph.

Pero walaaaa! Sa ayaw at sa ayaw ko, wala akong magagawa.

"Saka ingatan mo ang sarili mo, bawal kang mapagod kasi makakasama sa baby mo" -mama

"Di nga ako buntis eh!" Sigaw ko

"Oh ayan, ready na mga gamit mo, ihahatid ka nalang ni Dave mamaya" pagwawalang bahala niya sa sigaw ko.

At sa lahat ng pwedeng maghatid, si bunsoy pa?!

Anakngtinapanamanoh!!

Pwedeng mamatay nalang ako agad agad?

"Ate"

"Oh ano?!" bulyaw ko

"Sorry" naiiyak niyang sambit

"Mababago ba ng sorry mo ang mga nangyayare? Kung kasi pinairal mo yang utak mo, hindi sana to mangyayare!" Sumbat ko sa kanya.

"Sorry na kasi. Akala ko lang naman talagang buntis ka eh " humihikbi niyang paliwanag

"Tapos magpapaawa ka diyan?!" Sigaw ko

"Sorry na ate"

Imbis na pagsisigawan ko pa siya bumuntong hininga na lang ako.

Wala na din naman akong magagawa, nangyare na ang nangyare.

"Ihatid mo na lang ako dun sa address ng condominium ni Tita"  walang gana kong bilin saka ako lumabas habang bitbit yung maleta ko.

Wala na akong pakialam kung ano mang mangyayare saakin. Basta gagawin ko na lang ang dapat na gagawin ko. Si Joseph na lang ang meron ako, sa ngayon. 

/condo/

Pagdating namin sa condominium ni Tita Angela andun na si Joseph, inaasikaso na ang mga gamit niya.

"Oh marga, andito ka na pala" sambit niya habang busyng busy siya sa pag aarrange ng mga kagamitan niya.

"Are we going to reside here for the rest of our lives?" Tanong ko sa kanya

"Maybe? I really don't know Marga. I really don't know" sagot niya.

Am I acting strange? Maybe yes. Simula nung hindi nila ako pinakinggan, I lost everything, gumuho yung mundo ko. So hindi nila ako pinaniniwalaan? Para saan pa't naturingan ko silang pamilya diba? Ganyan na ba sila ka atat na ipatapon ako at agad agad nila akong pinalipat dito? Wow.

"Marga" sabi ni joseph habang niyuyugyog  ako

"What?" Sabi ko ng makabawi ako sa malalim kong pag-iisip.

"Aalis na raw si Dave"

"Sige" sagot ko saka ako nagtungo sa may kwarto ata ng condominium.

Ayoko munang makausap ni isa sa kay Mama, Papa, at Bunsoy. Ayoko.

Nilibot ko ang paningin ko sa loob ng kwarto. Maganda naman ang kabuuan nito. Vintage Themed, saka ang ganda ng aura at tanaw na tanaw mo ang maaliwalas na kapaligiran mula sa bintana.

"Marga" tawag ni Joseph

"Yes Bf?" Tugon ko

"May problema" di mapakali niyang salita

"Bakit?"

"Iisa lang ang kwarto dito" saad niya.

Nung una di ko pa maintindihan pero kalaunan natauhan din ako.

"Ano?!?" Gulat kong sambit.

"Oo, sa sofa nalang ako matutulog tutal ako naman yung lalake" pagpapaliwanag niya.

I know it may sound clichè, pero feeling ko talaga plinano na lahat eh.

Nakakaumay na tong ganitong pangyayare eh. Halos lahat na ng mga nababasa't napapanood ko ganito yung flow. Bwesit yan. Isasali pa kami sa mga kalokohan nila.

"No, we'll sleep together Bf. Walang magsasuffer." Salita ko.

Totoo naman eh, kasalanan ng parents namin to kaya dapat walang magsasakripisyo.

"Pero Marga--" aangal pa sana siya.

"No, as if naman kasi may mangyayare satin Joseph" pagpapaliwanag ko.

"Atsaka di mo naman ata ako kayang gawan ng kababalaghan" dagdag ko.

"Oo na, basta haharangan natin ng unan sa gitna" pagpoprotesta niya.

"Bakit?" Tanong ko

"Baka pagsamantalahan moko" sabi niya saka nagpout.

ASDFGHJKL, AKO? PAGSASAMANTALAHAN SIYA?

"ABA ABA ABA! IKAW?!?"

"Oo, saka virgin pa ako gf no" sabi niya habang nagiinarte

"Anong akala mo sakin? Rapist? Aba naman, virgin din naman ako ah?!" Inis kong sigaw

"Alam ko, halata naman eh, di ka nga marunong humalik" sabi niya habang inirapan ako

leche -_-

"Anong hindi?!" Tanong ko

"Hindi talaga, hmmp!" Sabi niya saka nagcrossed arms at tinalikuran ako.

Namumuro nato ah. Isa na lang makakatikim nato sakin

"Hindi pala ha" sabi ko saka ko siya nilapitan

"Mar--ga" sambit niya habang naatras ng hakbang

"Ako? Hindi marunong humalik?" Sabi ko ng nakangisi

"Nag--nagbi-biro lang eh" aatras atras parin siya hanggang sa nakorner ko siya sa pader.

"Alam mo bf, magaling ako sa lahat eh" pagpapaliwanag ko

"O-Oo nga, hehe" joseph

*tsup* hinalikan ko siya, smack lang.

O.O

"Oh ayan, gusto mo french kiss pa tayo eh" paghahamon ko

"French kiss ba?" Salita niya saka ako sinunggaban ng halik.

Siyempre dala ng gulat hindi agad ako nakapagreact, his lips were moving passionately, nalaman ko na lang eh pinipilit na niyang ipasok yung dila niya sa bibig ko. So I welcomed his tongue.

Di ko na namamalayan na naihiga na pala ako ni Joseph sa kama habang kung saan saan na niya pinapadaloy ang mga malikikot niyang kamay.

Natauhan lang ako nung tatanggalin na sana niya yung damit ko

"Mmmph" ingay niya ng tumayo ako agad.

"Kiss lang" medyo hinihingal pa ako.

"Sorry" sabi niya saka lumabas ng kwarto

Muntikan na yun.
Lesson learned, wag hamunin si Margarette ng Halikan.

Bakla, Bakla, MagpakaLalake ka.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon