Chapter 2 (First Step)

116 3 0
                                    


-------------

-Margarette's-

Andito kami ngayon sa isang coffee shop. Oo at kasama ko ngayon si Joseph.

"Oh ayan, kita mo yung isang babae? Lapitan mo. Hingian mo ng contact number." Pagpapaliwanag ko .

"Bestie? Ayoko nga tingnan mo nga oh ang kapal ng make up. Duh mukhang taga circus." Sabi niya habang diring diri .

Pigilan niyo ko, ayaw ko pang makulong . Please lang. Ayoko pa pong pumatay :----)

"Sige na Joseph baka mabigwasan kita ng dis oras ha!" Pananakot ko.

"Oo na oo na!" Sabi niya saka lumakad patungong table 9, dun sa babae.

Gagawin din naman pala eh .

Titig na titig lang ako sa kanila habang sumilay ang isang ngiti sa labi ko. Di naman pala mahirap to ---

Bigla ko na lang nakita silang nag aapiran. Tsaka siya lumapit sa babae. Omg eto na ba yun?

HAHALIKAN NA BA NIYA YUNG BABAE?!

Omg! Natataranta na ako, ang laking improvement pa naman pag nagawa niya yung halika---

Bigla ko na lang inuntog untog yung ulo ko sa mesa. Ayoko na. Parang awa niyo na.

Wala pa ring tigil yung pag uuntog untog ko sa ulo ko. Kadisappoint na bakla. Akala ko maghahalikan na eh, yun pala inayos lang yung make up.

"Huhuhuhu ayoko na. Tatalon na lang ako sa tulay!" Iyak ko pa rin habang walang tigil sa pag untog ng ulo ko.

"Bestieeeee~! Nakuha ko na number niya oh!" Tuwang tuwa ka pa ha.

"Wag mokong kakausapin, hindi tayo bati. Walangya ka!" Sabi ko saka yumuko

"Eh bestie? Anong nangyare sayo? Ba't ka ganyan?" Inosenteng tanong niya .

Inangat ko yung ulo ko saka siya hinarap.

"Ang sabi ko kunin mo lang yung numero! Hindi ko sinabing make up-an mo! Gag-o!" Sabi ko saka siya sinabunutan.

"Aray!" Reklamo niya.

Kung di lang talaga kita kaibigan baka natanggal na lahat ng buhok mo sa katawan!

"Aaaaaarrrrrghhh!" Gigil na gigil talaga ako .

Pero bago pa ako malunod sa disamaya, bigla namang may umilaw sa ulo ko. HIHIHIHI what a brilliant idea!

"Tara Joseph!" Sambit ko saka siya hinila palabas ng coffee shop.

"Teka lang! San mo ba ako dadalhin?!" Natatarantang tanong niya .

Oo alam na niyang may binabalak na naman ako. Kilala na niya ako. Kapag ganitong pilya na akong ngingiti-ngiti may iniisip na akong kaabnormalan.

"Tadaaaaaa!" Sabi ko saka kami huminto sa isang park.

"Wow ang ganda ng flowers!" Babakla-bakla niyang sabi saka tumungo sa garden .

Urgh. Sabi na eh.

"Joseph dito ka nga!" Tawag ko sa kanya.

"Bakit?" Tanong niya saka lumapit sakin.

"Magdate tayo!" Sabi ko saka pinagsalikop ang mga daliri namin.

"H-ha?" Tanong niya

"Sabi ko magdate tayo! Ikaw yung boyfriend ko ngayong araw." Sabi ko ng nakangiti sabay binigyan siya ng 'makiride ka sa trip ko kung ayaw mong masuntok-look'

"A-ah oo. HI GF!" sabi niya ng natataranta

Sumilay sa mukha ko ang isang ngiti na minsan ko lang ipinapakita.

"Wag mo lang akong gaguhin, kasi di kita mapapatawad pag nangyari yun." Sambit ko

Bigla naman siyang napatingin sakin. Alam niya yung nangyare sakin. Yung pagtataksil sakin ng ex ko.

Nagdidate kami nun ng ex ko, ng bigla na lang may lumapit saming babae saka siya hinalikan sa lips. Okay lang sana kung tumanggi siya saka niya pinagalitan yung babae, ang kaso nakita kong gumanti siya ng halik. Sa harapan ko pa. Ang sakit sakit nun. Iyak lang ako ng iyak habang pinagmamasdan sila. Di ko na nga namalayan na nasa sahig na pala yung ogag habang pinagsusuntok siya ni Joseph. Oo si Joseph nagkataon na namamasyal siya ng nakita niya akong umiiyak habang tinatanaw ko ang hinayupak kong ex na nakikipaghalikan.

"U-uy M-marga wag ka ng umiyak. H-hindi ko talaga gagayahin yung ex mo" sabi niya saka ako niyakap .

Di ko na nga pala namalayan na umiiyak na ako. Ang OA ko naman

Pero ewan ko. Nung niyakap ako ni Joseph, I felt so safe and secured. Ewan , siguro dahil sa bestfriend ko siya kaya ganon?

"Salamat. Hahahaha. Lika na Bes. Ipasyal mo na ako. Ikaw taya ha. Gusto ko ilibre mo ko." Kasalanan ko ba na natakam ako bigla sa mga street foods?

"Oo na. Wawaldasin mo na naman yung pera ko" sabi niya saka ako hinila papunta dun sa hilera ng mga nagbabarbeque.

Pinaupo niya ako dun sa isang mesa saka siya umorder. Hindi na niya ako tatanungin, alam na niya yung paborito ko. Isaaaaaaw.

Ewan ko ba dito sa kanya. Gentleman na gentleman pag ako ang kaharap eh. Pero babakla bakla naman pag ibang babae ang kaharap .

"Oh Gf , andito na yung paborito mong isaw" sabi niya saka inilapag sa mesa yung plato na pinaglagyan ng inorder niya .

Tumingala ako sa kanya saka ko siya binigyan ng isang matamis na ngiti.

"Salamat Bf ah" sabi ko saka kumuha na ng isang tuhog ng isaw .

"Oh sige na Gf, kain ka lang ng kain. Basta wag ka ng umiyak ah" sabi niya saka ako hinalikan sa pisngi. Di na ako magugulat. Normal naman na samin yun.

Kung hindi lang talaga nila kilala itong si Joseph aakalain talaga nilang boyfriend ko to.

Hindi ka na lang sana naging Bakla Bes. Ang swerte ng magiging asawa mo in the future.

Oo alam kong kakayanin kong ipatino tong Baklang to. Sa Galing ko pa naman wala pa akong laro na itinalo.

"Bf, ikiss mo nga ako sa lips"

---------------------

Bakla, Bakla, MagpakaLalake ka.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon