KABANATA I

13 0 0
                                        

Katahimikan...

Ang siyang unang bumungad kay Heav nang maapakan niya ang sahig nang silid-aralan sa northern wing; ang paaralan nang Caprio at ang pinakapangunahing gusali kung saan nagaganap ang maraming mahahalagang okasyon.

Lahat nang atensyon ay nabaling sa kanya. Ngunit sa halip na pansinin niya ang mapangutyang titig ng mga mag-aaral sa paligid, ay nagputuloy lang siya sa paglalakad papalapit sa kinauupuan ng lalaking abala sa pagsusulat sa kanyang kuwaderno.

"Huy lalake!" Sigaw ni Heav dahilan upang magsitaasan ang kilay ng mga kababaihan sa loob ng silid. May kanya-kanyang reaksyon naman ang mga kalalakihan, tila hanga sa ikinilos ni Heav. "Bakit nilagay mo kami sa gitna nang kagubatan! Hindi naman kami mga unggoy ah!"

Tinuro pa ng kanyang daliri ang noo ng lalaki kaya napaangat ito ng tingin sa kanya. Agad bumungad sa kanya ang mga mata nito na mula sa pagiging kayumanggi ay unti-unti nang nahahaluan nang kulay abo. Bukod tangi rin ang pilik mata nitong kulay puti at ang kilay nitong unti-unti na ring nahahaluan nang pilak.

Tinaas ng lalaki ang kaliwang kilay, pahiwatig na siya ay nagtataka sa kilos ni Heav.

"What's this chaos all about Ms. Mirr?" Tanong ng lalaki, klaro sa boses niya ang kawalan ng gana sa nangyayari. "You came here all along just to ask me that?"

"Oo, at dahil nag-effort ako papunta dito, sagutin mo ang tanung ko," saad ni Heav. "Bakit mo'ko sinali sa tinatawag niyo kunwaring Scorpio? May nagawa ba akong mali?"

"Huwag mo'kong tanungin na parang isa akong kabiyak na gusto nang makipaghiwalay sa iyo, Ms. Mirr." Saad nito pagkatapos itiklop ang kuwaderno. Napuno ang buong silid nang halakhak galing sa bibig ng kanyang mga kaklase. "Hindi ko kasalanang pang-labing walo ka sa ranggo kaya wala kang karapatan na gumawa ng batas at masunod ang mga gusto mo."

"Hah!" Singhal ni Heav. Namewang siya senyales na pinipigilan niya ang sariling masapak ang kausap. "Batas mo mukha mo! Paalala lang ha, wala akong pake sa bulok na batas na 'yan. Ibalik mo'ko sa palasyo na'to!"

Maayos na lagay ko dito, pinatapon pa ako, bulong niya sa sarili.

Hindi niya halos matanggap ang nangyari sa kanya. Nasama kasi siya sa mga estudyanteng ipinatapon sa gitna ng kagubatan at sa isang lumang paaralan — na minsan niya nang narinig na tinawag ng mga kasamahan niyang haunted-house kuno.

Puno kasi ng sapot ng gagamba ang bawat sulok ng kanilang apartamento. Idagdag pang hindi halos masikatan ng araw ang lugar na kinatatayuan ng kanilang lumang apartamento.

"Ms. Lowkey, mangarap ka na lang sa susunod na anim na buwan," saad ng isang lalaki na nakaupo sa tabi ni Keenan. Masama niya itong tiningnan.

"At, make sure na masasali ka na sa top ten. Tsaka ka na gumawa ng sariling batas, di'ba Tope?" Saad nito at siniko ang katabing parang lutang dahil sa palaging malalim ang iniisip — ngunit hindi pa rin maipagkakait ang kagwapuhan nito. "O 'di kaya... pilitin mo'ko, kaya ko ring gumawa ng sariling batas, remember? Kasali ako sa top ten, Casio Regis, rank nine."

Hambog, naisip niya.

Binaling niya ang atensyon kay Keenan at pilit hindi pinapansin ang lalaking kinukulit siya.

"Huy, ibalik mo'ko dito! Kahit 'dyan lang ako sa sala ng palasyo matulog," pamimilit ni Heav. "Oh 'di kaya sa silid na ito. Basta ayoko dun, maraming lamok."

Umiling kang si Keenan at muling binalik ang atensyon sa kaninang ginagawa — tuluyan ng hindi pinansin si Heav.

Bagsak ang balikat na tumalikod si Heav mula sa lalaking kausap. Alam nyang kahit ano pa ang gawin niya, hindi naman talaga makikinig sa reklamo niya ang isang nangunguna sa ranggo. Dahil una sa lahat, bago lang siya sa akademyang ito at walang karapatan ang isang tulad niya na baguhin ang sistema ng akademya.

Abyss Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon