Biglang minulat ni Heav ang kanyang mga mata nang maramdamang may nakatitig sa kanya. Hindi nga siya nagkamali dahil bumungad sa kanyang paningin ang apat na magpares na mga mata ng nanggagaling sa dalawang babaeng titig na titig sa kanya.
Kaagad niyang tinapik ang kamay ng babaeng nasa kanan ng kamang kanyang hinihigaan nang akma nito hawakan ang kanyang buhok.
Nagulat ang babae sa ginawa niya. Napaatras ito at bahagyang ngumiti ngunit hindi maitago ang pagkapahiya.
"Sorry," saad ni Heav. Pinilit niyang umupo ngunit sumakit ang kanyang batok. "Nabigla lang ako."
"A-ayos lang," sagot ng babae. "Nagandahan lang kasi ako sa buhok mo."
Wala sa sariling napahawak si Heav sa kanyang buhok. Hinaplos niya ito at inamoy. Ilang sandali pa ay namilog ang kanyang mga mata. Dali-dali siyang bumaba sa kama at lumapit sa salamin na nakasabit sa kahoy na pader malapit sa pintuan.
Malinaw sa hitsura ng kanyang mukha ang pagkabigla at pagkamangha.
"Anong nangyari?" Tanong niya. Tiningnan niya ang babae mula sa salamin ng may pagtataka.
Sa halip na sagutin siya ng babae, may lumapit sa kanyang pwesto na isa pang babae na nagngangalang Dancelle. Maikli ang buhok nitong kulay itim. May suot din siyang isang pulseras sa kanang kamay na gawa sa kahoy.
"Dumating kahapon si Lucas na karga ka," panimula ni Dancelle. "Sabi niya, nahanap ka daw niya sa northern wing malapit sa hagdan patungong Abyss. Ganiyan na ang hitsura mo. Nakapagtataka nga kung bakit ka nakasuot ng itim na bestida, dapat kasi nakasuot ka ng avvae nating mga Scorpio."
Lumapit din sa kanya ang babaeng tinapik niya kanina na ang pangalan ay MJ. Maikli rin ang kulay itim nitong buhok na hanggang tainga lamang nito ang haba.
"Oo nga. Pagdating mo rin dito, iba na ang kulay ng buhok mo! Humaba din ito hanggang tuhod," manghang saad ni MJ. "Hindi ba'y itim pa ang buhok mo nung umalis ka dito? Bakit nung dumating ka, naging kulay pilak na?"
Pinilit alalahanin ni Heav ang nangyari sa kanya bago siya mawalan nang malay.
"Wala akong maalala," saad ni Heav at nilingon ang dalawa; kasalukuyan nang nakakunot ang mga noo.
"Ang naaalala ko lang ay...pumasok ako sa northern wing at sinugod ko yung lalake," saad ni Heav bago maglakad pabalik sa kama at umupo dito. Hinaplos niya ang batok nang makaramdam nang kirot. "'Yung lider ng Caprio."
"Ano?!!!" Sabay na sigaw ng dalawa.
"Bakit mo sinugod ang Erni ng Caprio?" Nag-aalalang tanong ni MJ.
Nagkatinginan silang dalawa ni Dancelle na para bang hindi makapaniwala sa ginawa ng kaibigan.
Nagkibit balikat lamang si Heav bago magsalita.
"Nagreklamo lang naman ako sa kanya," sagot ni Heav, tila sa tono nang kanyang pananalita ay kampante siyang walang mangyayaring masama sa kanya.
"Gusto ko lang naman bumalik dun na northern wing. Ang dami kasing lamok dito."
Napasinghap si Dancelle at MJ nang marinig ang sinabi ni Heav. Hindi sila makapaniwalang may lakas nang loob na sumugod sa kuta ng Caprio ang naturang kaibigan.
"Ibang klase," bulong ni Dancelle sa sarili.
"Siguro nama'y alam mo na bawal tayo pumunta doon," saad ni MJ. Naglakad siya papalapit kay Heav at umupo sa tabi nito. "Hindi ka nila ka-grupo."
"Alam ko," sagot ni Heav. "Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit kailangan pa tayong ipatapon sa gubat na ito. Hindi na nga halos masinagan nang araw, marami ding mga lamok at sapot ng gagamba. Tingnan niyo."
BINABASA MO ANG
Abyss Academy
NezařaditelnéThe Academy is divided into two clans: Caprio and Scorpio Sa kailaliman ng isang isla na napapalibutan nang nagsisitaasang kabukiran, matatagpuan ang Abyss Academy. Hindi mga ordinaryong mga estudyante ang nag-aaral dito. Kundi, sila ay may mga imor...