"Pinapunta mo lang ba ako dito para manahimik ka jan? Ano bang kailangan mo?" Kyaaah! Yun na ang pinaka-mahabang salitang narinig ko mula sa kanya. Shet. Ang pogi pa rin nya kahit napaka- expressionless ng mukha nya. Huhuhu pwede nyo na akong ilibing ngayon. Pero syempre joke lang yun. Ibibigay ko pa sa kanya ang matamis kong "OO". Shomai-gulay, naiisip ko pa lang, kinikilig na ako. Pano pa kaya kung magka-totoo?!
OMO! Paalis na sya! What to do?! What to do?! Keribels mo yan Kin Mhariz. Hindi ka pinanganak ng maganda mong nanay para sumuko agad. Kaya ko to.
"T-teka lang Kim! G-gusto k-ko l-lang namang maging friends tayo." Sabi ko sa kanya. "No." He said as a reply. Huhuhu wala na ba talagang pag-asa ang MhaKi loveteam?! (kahit ang baduy o ang corny para sa inyo, yan ang pinaka- matinong salita na naisip ko)
Naglakad na sya papalayo sa akin at ako naman ay kahit gusto ko syang sundan eh hindi ko magawa kasi feeling ko ay nabato na ako sa kinatatayuan ko. At ang mga taksil kong luha ay parang nadiwang at bigla silang nagsilabasan sa mata ko.
Naglakad na ako papunta sa may gate pero nakita ko si Kim na papunta dun sa may SLRC. Dahil isa't kalahating tsismosa ako, ayun sinundan ko sya. Nagtago ako dun sa may mga kumpol ng upuan pero mas magulat ako ng makita kong kasama ni Kim si Vicky. Sya kasi yung nali-link kay Kim. Parang mas nadudurog ang puso ko sa nakikita ko. Nakatayo lamang sila doon at walang gumagawa ng anumang ingay hanggang sa magsalita si Vicky-
"Wag ka namang maging ganyan oh." Halos magmakaawa na sya kay Kim pero poker face pa rin si Kim.
"Ilang beses ko ba sayong sasabihin na walang tayo! Hindi kita gusto. Ikaw lang ang mapilit! Nag-edit ka pa ng picture para magmukhang nag-date tayo."
Ang kapal naman talaga ng mukha ng babaeng yun. Kinabog pa ang pagiging fangirl ko eh. -___- nakapa-trying hard! Gusto ko tuloy syang sugudin at sabunutan. Amp!
Umuwi na lamang ako sa bahay kasi halos tapos na rin naman ang klase. PE na lang ang lesson pero ok lang na hindi ako pumasok kasi player ako ng volleyball.
"Basted ka na naman noh?" Letcheng kapatid to, imbes na palakasin ang loob ko, mas lalo nya pang pinapa-mukhang wala akong pag-asa kay Kim my loves.
"Lumayas ka nga sa higaan ko! Tsupi!" Pagtataboy ko sa kanya. Pero wala pa rin epekto. Sinahod nya yung kamay nya sa harap ko at parang may hinihingi.
"Anong trip yan?" Todo ang taas ko ng kilay at may crossed-arms pang kasama.
"Chill sis! Baka mapunit yang kilay mo sa sobrang taas. Pahingi akong limang piso. Bilis!" Utos nya saken. Tssk! Minsan iniisip ko kung kapatid ko ba ito o mangongotong na pinapalamon at pinapatira namin dito.
Kumuha na lamang ako sa wallet ko ng barya at binigay sa kanya. Kailangan may pagkilatis pa sa mga barya?!
"Papalit nito. Bulok! May itim! Hindi yan tatanggapin." Pagmamaktol ng mangongotong na kutong lupang to. Naningkit na ang mata ko sa sobrang inis sa lalaking to. At parang na-gets naman nya kaya nag-tip toe sya palabas ng kwarto.
"KING MHORIZ! HUMANDA KANG KUTONG LUPA KAAAAAA!!!" hinabol ko sya hanggang sa ibaba habang daladala ko yung stick na parang candy cane.
"AAAAAAAAHHHHHHHHHHHH!!!" sigaw naman ni King habang nagtatago sa likod ni Papa.
"Ano ba kayong dalawa?! Mamaka-dalawa na nga lang kayo para pa kayong aso't pusa, dilim at liwanag na hindi pwedeng pagsamahin." Pagsesermon sa amin ni Papa.
"IDAGDAG NYO NA RIN PO ANG TUBIG AT LANGIS!" sabay naming sigaw ni King at agad na nagkatinginan. Aba't parang nagka-bluetooth ang utak namin at biglang nag-connect. Umalis na lamang si Papa sa harapan namin ang nanuod na lamang ng PBA.
Bumalik na kaming tatlo sa mga sarili naming mundo. Si King, nagpaalam na makikipaglaro sa kapitbahay namin ako naman, umakyat na sa kwarto ko at nagpagulong gulong sa kama. Kinuha ko yung lapis ko na man nakadikit na malaking picture ni Kim. At tinitigan yun ng mabuti.
"Bakit ba napaka-ilap mo sakin Kim Mirabelez? Maganda naman ako ah. tinutukan ko nga ang Physics kasi yun daw ang favorite mong subject. Alam mo bang nagpahaba pa ako ng pilik-mata kasi kasama daw yun sa mga type mo sa babae. Hays. Sana may-milagrong mangyari bukas." Niyakap ko yung picture nya at tumingin as ceiling ng kwarto.
Sa kaadikan ko kay Kim, buong pader ko, nilagyan ko ng picture nya. Napagalitan pa nga ako ng nanay ko kasi halos manira yung ink ng printer namin kakaprint ko ng picture nya tapos mga punit-punit na yung ibang magazines kasi ninanakaw ko yung picture ni Kim. Nagmo-model din kasi sya. Kasama sya sikat na Group sa aming school ang Infinite One. Kaya hinding hindi pa ako nakaka-absent sa mga presentation nila or production sa school.
Ako nga pala si Kin Mhariz Clemente. Sayang nga lang kasi isang letter na lang, kapangalan ko na ang Kim my loves ko. Ewan ko ba sa magulang ko, mamaka-M na nga ang idudugtong, ginawa pa nilang 'N' hayst. Fourth Year High School ako sa Mirabelez University. Yes! Pagmamay-ari ito ng future husband ko kaya dito ako nag-aral. Keribels naman ng magulang ko ang tuition kaya push ko na toh.
Nag-aaral naman akong mabuti noh, hindi lang ako puro landi. Na-maintain ko nga ang pagiging Pilot Section ko. Si Mama ay Business woman pero hindi ganun kalaki ang negosyo namin. Si Papa naman ay Engineer. Nakaka-angat naman kami sa buhay namin kaya hindi ko masasabing mahirap kami. Meron akong isang loko-lokong kapatid, pero kahit ganun yun love na love ko yun.
*****
KING MHORIZ' POV
Nice. May POV agad ako Author? Ang bait mo talaga. Mwa!
Shut up King!
Kilala nyo na siguro ako noh. King Mhoriz Clemente ang pinaka-gwapong nilalang sa buong bahay. Grade 4 pa lamang ako. Kapatid ko yung kumag na si Kin Mhariz Clemente pero kahit palagi kami nung magkaaway, mahal ko yun.
Grabe. Ano kayang drugs ang nalaklak ng kapatid ko at bigla na lamang nagkaka-ganun kay Kim. Yeah. Kilala ko ang lalaking yun. Sya lang naman ang dahilan kung bakit hindi ako makatulog sa gabi kasi nakikinig ko ang pagpapantasya ng kapatid ko sa kanya. Wall to wall lang kasi ang pagitan namin pero hindi naman kami ganun kayaman para magpa-sound proof ng dingding. Sabog kung sabog pa mandin kung makapag-patugtog ang Ate ko ng mga kanta nila. Tssk!
Isa't kalahating uto-uto mandin yun. Hahahaha Humihingi ako sa kanya ng pera kasi nag-iipon ako in case na kailangan ng pera. Tsaka pambili ko rin yun ng regalo para kay Ate. Pasasalamat man lang sa pagiging uto-uto este pagiging mabait nya saken.
Pagkatapos ng awayan session namin sa bahay, nagpaalam ako na makikipag-laro sa kapitbahay namin. Pero paglabas na paglabas ko ng pinto, biglang nasira ang araw ko kasi nakita ko na naman yung kaaway ko sa school. Si Amber.
Bakit ngayon pa?!
******
KIN' S POVHindi ko namalayan na nakatulog na pala ako kakaisip sa taong mahal ko. Dahil mabait akong anak, shine-share ko kina Mama at Papa kung anong nangyayari sa school. Ultimo yung tungkol kay Kim. Hihihi
"Gurang! Kakain na daw!" Sigaw ng walang hiya kong kapatid. Kung makaasta, parang syang yung panganay sa aming dalawa. Hmp!
"Bababa na po Kuya!" Sigaw ko rin sa kanya. Hinintay ko muna syang umalis sa may pinto ko bago ako tuluyang bumaba.
Nasa may hagdan pa lang ako, amoy ko na yung adobong niluluto ni Papa. Sya ang main chef sa bahay si Mama kasi ay late na minsang umuuwi kaya halos kaming dalawa lamang ni King ang nasa bahay.
"Kumusta naman ang school mo Kin?" Panimula ni Papa sa akin.
"Ayos naman po. Medyo sakit lang sa ulo ang Calculus pero keri ko yun." Sabi ko kay Papa at sumubo ng malaki. Tumango na lamang si Papa at kumain na ulit.
"Kaadwa ka naman ate! Makasubo ka parang sampung taon kang hindi pinakain."
"Eh ikaw nga, parang sampung taon kang pinakain!"
Natapos na kaming kumain at naghugas na ako ng plato. Naligo na lamang ako after nun at humiga na.
Argh. Bakit hindi ako makatulog?! Nagpabali-balikwas ako sa higaan pero wala pa ring epekto. Tinitigan ko na lamang yung picture ni Kim at unti-unti ng napapapikit ang mata ko.
XOXOXOXOXOX
How was it? Haha Comment your ideas! Thank you! :*~Anne
BINABASA MO ANG
He's the BOSS I'm his SLAVE
Novela JuvenilSikat sya sa school, ordinaryong estudyante lang ako. Mayaman sya, may kaya lang ako. Gwapo sya at maganda naman ako. May chance pa kayang mapansin nya ako? Magkatotoo pa kaya ang lovestory'ng pinapangarap ko?!